Hi! Pahinga ka muna..
Napalingon si Pauline.
Kumunot ang noo niya. Walang tao.
Nag jo jogging siya sa park. Umiba na siya ng park na pinupuntahan para mapalayo kay Hyunnie.
Pero parang naririnig niya ang boses nito. Huminto siya sa pagtakbo at nagpunas ng pawis.
Kaya mo yan Pauline.
Tumakbo siya ulit. Huminto lang siya ng pagod na pagod na siya at naghahabol ng hininga.
Sa di kalayuan nakatanaw naman si Hyunnie. Nakakuyom ang palad. Kanina pa niya gustong lapitan si Pauline, pero nag aalangan siya.
Napabuntunghinga siya.
Nagkasya na lang siya na sundan ng tingin ito.
-----------
Dumaan muna si Pauline sa convenience store at bumili ng ramen. Delatang corned beef at tinapay. Tsaka siya naglakad pauwe.
Nakasunod naman ang kotse ni Hyunnie. Napapailing pa ito sa food choices no Pauline. Mabubusog na ba siya sa ganun? Tsssk...
Nang makitang nakapasok na sa bahay si Pauline, pinasibad niya ang kotse palayo.
Nakaupo naman si Reich sa living room at nagbabasa ng magazine. Nagngingitngit ang kalooban niya pero hindi niya ipinahalata.
Love.. Gabi na saan ka galing?
Ah.. Nagkayayaan sa opisina. Nasabi na lang ni Hyunnie at pumasok sa kwarto.
Sinundan niya ito ng tingin.
Alam niyang kaninang tanghali pa umalis si Hyunnie sa opisina.
Itinupi niya ang magazine at inilapag iyon sa mesa.
Kailangang makalimutan ni Hyunnie ang babaeng iyon..
Alam niyang ayaw ni Hyunnie ng clingy girlfriend kaya naman di niya ipinapakita na naiinis siya sa mga ginagawi nito. Ganun din naman siya, pero, hindi pa siya handang pakawalan ang isang katulad ni Hyunnie. Natutuwa pa siya dito. Naliligayahan pa siya sa mga halik nito.
At kailangan hindi siya ang maiiwan. Siya ang nangiiwan...
Naabutan niya itong naghuhubad ng polo. Niyakap niya agad ito. Pinaliguan ng halik ang likod nito.
Pinagapang ang mga kamay niya sa katawan nito.
Hinalikan siya nito at niyakap.
Pagod ako hon. Maybe later...
I just want to sleep...Humiga ito pagkatapos at pumikit.
Tinabihan niya ito at niyakap.
Minasahe ang ulo.
Napangiti naman so Hyunnie.
Tinitigan siya at hiwakan ang pisngi niya. Saka muling pumikit.
Nang nakatulog na si Hyunnie, tsaka lang nawala ang ngiti sa labi ni Reich. I ll have to do something... Or else... I ll have to dump you first..
BINABASA MO ANG
Second Chance
FanfictionYou open your heart knowing that there's a chance it may be broken one day and in opening your heart, you experience a love and joy that you never dreamed possible. You find that being vulnerable is the only way to allow your heart to feel true plea...