Mahigit isang taon na mula ng mangyari iyon...
Nagmamadaling naglalakad si Paulyn.
Hinihintay na siya ng Tita Jane niya.
Tumawag ito kanina para ipaalam na
ayos na ang ticket nila papuntang Jeju Island.
Matagal na rin siyang hindi umaalis ng Seoul.
Mula ng araw na iyon.
Napahinto si Paulyn sa paglalakad.
Naalala na nman niya si Jonghyun.
Isang buntong hininga ang pinakawalan niya mula sa dibdib.
Ihinakbang ang isang paa pasulong kung kailan naka GO na ang mga
sasakyan.
Nagulat siya ng may humila sa kanya, napasubsub siya sa dibdib nito.
Miss are you ok?
Nakatitig lang siya sa harap at tila wala sa sarili.ni hindi siya tumingala
para sinuhin ang tumulong sa kanya.
Mianhe...sabi niya.. nakayuko.
Naglakad na siya pauwi. Mas mabagal kaysa kanina.
Kagat ang pang ibabang labi niya habang nagiisip.
Nagulat siya ng mag vibrate ang cellphone niya.
Sinagot niya ito.
Tita.. Opo malapit na ako.
Nagtaas siya ng tingin at ngulat pa siya lumagpas na pala siya sa
bahay nila.
Napailing siya.
Hay Paulyn.. Magagalit si Jonghyun kapag ganyan ka.
Ayusin mo ang sarili mo.
Kahapon may ibinigay sa kanya ang mommy Che ni Jonghyun.
Aalis ang mga ito at pupunta sa America para magpagamot.
Mula kasi ng mawala si Jonghyun nagkasakit na ang mama niya.
Ilang gamit ni Jonghyun na nasa kahon ang ipinahatid sa bahay niya.
Kasama dito ang isang kulay asul na notebook.
Na naglalaman ng mga saluobin nito parang diary,
Natawa siya ng umpisahan niyang basahin iyon. Madami kasing
doodles at drawing. Karamihan ay drawing nga pagkain.
Mga natikman na nito at may review pa sa gilid at mga gusto nitong
itry kapag nakapunta sa partikular na lugar.

BINABASA MO ANG
Second Chance
Fiksi PenggemarYou open your heart knowing that there's a chance it may be broken one day and in opening your heart, you experience a love and joy that you never dreamed possible. You find that being vulnerable is the only way to allow your heart to feel true plea...