Separate Ways

90 8 11
                                        

Natapos ni Pauline ang painting niya.

Bukas uuwi na siya ulit sa bahay nila ni Jonghyun. Tumawag kasi si Mommy Che nito at nagpasabing duon didiretso paglapag ng eroplano.

Matagal tagal na ring hindi siya umuuwi duon. Nandun kasi ang mga alaala ng asawa niya.

Nang matuyo ang painting, binalot niya ito ng pelus.

Pumunta siya sa kusina.

Kinuha niya ang isang wet cup ng noodles at nilagyan iyon ng maianit na tubig.

Dinala niya sa living room.

Pinatungan ng notebook ni Jonghyun at naghintay.

Tinititigan niya ang notebook nito. Ito na lang ang palagi niyang kasama at kinukuhaan ng lakas.

Naka kalahati na niya itong basahin at naaaliw siya sa mga pinagsusulat ng asawa niya.

Kagabi lang...

Oct 10

Champion!
Number1
Ang saya ko lalo na ng
makita ko ang mukha ni Pauline.
Hmm.. Pwede na kayang
Humingi ng junior?

Naalala niya ang gabi na iyon.

Panay ang lambing ni Jonghyun sa kanya. Gagawa daw ng basketball team at isang muse.

Tapos bigla na lang tumayo at pumunta sa cr.

Inaantok na siya nun kaya di niya

Masyadong pinansin.

Yun na pala ang umpisa ng mga sumpong sumpong niya.

Napabuntunghininga si Pauline.

Wala sa loob na kinuha ang cup noodles at hinalo iyon.

Nagsubo agad siya. Napaso tuloy.

Naluha siya.
Tanga ka kasi Pau. Mainit
tapos bigla mong isusubo.

Pinagalitan pa niya ang sarili niya.

Dapat yata mamayang gabi na siya umuwi sa bahay nila. Tutal padating naman si Tita Jane bukas.

Pagkatapos kumain, ihinanda na niya ang mga gamit niya.

Konti lang ang dadalhin niya.

Napatingin siya sa gitara ni Jonghyun.

Nakita niya ang mukha ni Hyunnie habang tinitipa nito ang gitara sa kantang If ng Bread. Nakapikit.

Ipinilig niya ang ulo. Huwag mo na siyang isipin.

Tuwing sumasagi sa isip niya ai Hyunnie napapabuntong hininga siya. Hinahanap hanap niya ito. Minsan nga gusto niya itong tawagan. Pero tuwing nangyayari yon nakokonsensiya siya.

Si Jonghyun lang ang mahal ko.

Giit niya sa isip niya.

Ipinagpatuloy niya ang pagliligpit.

Tok tok tok..

Nagulat siya.

Napaaga yata si Tita Jane.

Sabik na binuksan niya ang pinto.

Namatay ang pagbati sa bibig niya ng iba ang bumungad sa kanya.

Can I come in?

Maputing babae ang nasa harap niya. Maliit halos kasing taas niya.

Maganda at seksi.

May hinahanap ba kayo?

Nakakunot noo niyang tanung dito.

Im here because of ...my boyfriend. So kung ayaw mong dito ako sa labas mag tatalak, I guess, you better let me in.

Nakangiti nitong sabi, pero di maikakaila ang pagbabanta sa salita at sa mga mata nito.

Sino bang...

Pinutol nito ang iba pang sasabihin niya.

Si Hyunnie.

Nanlaki ang mata ni Pauline.

Napaismid naman ang babae sa reaksiyon niya.

Sinamantala niya ito para itulak ang pinto at pumasok sa loob.

Napasunod si Pauline.

Umupo ito sa sofa at magsisindi sana ng yosi pero naagapan ni Pauline.

Im sorry hindi ka pwedeng
manigarilyo dito. Madaming pintura. Tinitigan siya ito.

Inilibot nito ang tingin sa paligid at saka nagsalita. No wonder Hyunnie comes here. Mahilig kasi siya sa charity cases.

Hindi ko alam kung bakit nandito ka. Sabi ni Pauline habang nagpipigil ng galit. Matagal na siyang hindi nagagawi dito.

I know. Sagot naman ng babae.
Ako nga pala si Reich and I know, youre Pauline. Naikwento ka kasi ni Hyunnie. Malungkot ka nga daw these past few.. Idont know weeks... Months..

Napatiimbagang si Pauline.

Napangiti naman ang babae sa reaction niya. I was in Jeju last week and I told him to enjoy himself habang wala ako.
Salamat. For keeping him company while Im away.

Tumayo na ito. Iyon lang naman talaga ang gusto kong sabihin.
I guess mula nung dumating ako three days ago di na siya bumalik.
I just want to make things clear. Baka kasi, umaasa ka pa na bumalik siya... Here...

Inabot niyon ang sobre kay Pauline.

Kinuha pa niya ang kamay nito ng hindi abutin ang sobre.

I guess thats more than enough compensation for services rendered.. Tumaas ang kilay nito.

Napayuko si Pauline.

Nilagpasan siya ng babae at lumabas na ito ng bahay.

Nalamukos niya ang hawak na sobre. Huminga siya ng malalim.

Pasakay ba ng kotse si Reich ng may humawak sa balikat niya.

Humarap siya at nagulat ng tumama sa mukha niya ang sobre at maglaglagan ang perang laman niyon.

Huwag ka ng babalik dito.

Matigas na sabi ni Pauline.
Hindi mo ako kilala kaya dont you dare assume na nabibili ang pagkatao ko. Iuwi mo yang pera mo, kung tutuusin kaya kitang bilhin. But I wont do it. Sayang naman ang pera ko sayo!

Tumalikod na siya at iniwan ito.

Nanggigil naman na dinampot ni Reich ang sobre. Pabalibag na inihagis sa loob ng kotse, sumakay at nagmamadaling umalis.

That bitch ang kapal ng mukha. Kaya niya akong bilhin sino ba siya sa akala niya?

Tumulo ang luha ni Pauline pagkapasok niya sa bahay. Pero pinahid niya lang ito ng likod ng kamay niya.

Walang pwedeng tumapak sa pagkatao ko.

Tinapos niya ang pagliligpit ng mga gamit niya at binitbit ang painting niya. Naka sukbit sa likod ang gitara ni Jonghyun at hawak ang isang maliit na bag.

Lumakad siya papunta sa bus stop sa may kanto ng street nila. Nakasalubong pa niya ang may ari ng bahay na inuupahan ng Tita Jane niya. Nagbilin siyang tingnan muna ang bahay dahil matatagalan siya bago makabalik.

Tumango naman iyon.

Di niya napansin ang pagdaan ng kotse ni Hyunnie na papunta naman sa bahay na pinanggalingan niya.

Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon