love fools

63 7 3
                                    


Nagpunta sila sa Seoul Olympic Park.

nagtake out lang si Hyunnie ng pagkain mula sa

malapit na restaurant sa lugar at pagkatapos tumuloy na sila sa park.

Napangiti naman si Pauline ng makita ang lugar.

Naglakad siya papunta sa lawa. Tinitingnan lang siya ni Hyunnie.

Pumikit si Pauline. Naramdaman niya ang mahinang hangin na galing

dito. Ngayon lang ulit siya lumayo sa comfort zone niya.

Mula kasi ng mawala Jonghyun, hindi na siya umalis ng bahay.

Noong nagpunta sila ng Tita Jane niya sa Jeju, napilitan pa siya.

"Pauline.." Tinawag siya ni Hyunnie at lumingon siya dito nakangiti.

Napa inhale naman si Hyunnie. bakit di ka nalang palagi ganito?

Umupo si Pauline sa tabi niya at sabay silang kumain.

Patingin tingin si Hyunnie dito.

tahimik lang naman ito, " Sana pala nagdala ako canvas"

mahinang bulong nito, napangiti naman si Hyunnie sa narinig.

Nag mental note siya na magstock ng canvas at paint sa compartment

ng kotse niya.

Pinalipas nila ang maghapon ng ganun.

Nagulat si Pauline ng humiga si Hyunnie sa lap niya.

Matutulog muna ako ha. Sabi nito. PUmikit maya maya even na ang paghinga.

Tiningnan nman siya ni Pauline.

Dahan dahan niyang inilapit ang kamay niya at hinaplos ang buhok nito.

Tinitigan niya ang mukha ni Hyunnie.

Nagulat siya ng dumilat ito at direktang tumitig sa mga mata niya.

Pumikit siya ulit, nakangiti.

namula naman si Pauline. Tumingin siya sa lawa at sumandal sa puno.

Ang gaan gaan ng pakiramdam niya. Pumikit siya at ang daming idea ang

pumapasok sa isip niya gusto niya uling magpinta.

Hindi na niya namalayan ang oras.

Nagulat siya ng magising siya nakaakbay sa kanya si Hyunnie at nakahilig siya

sa balikat nito. Hawak hawak nito ang isang kamay niya.

Naririnig niyang nag ha hum ito pero hindi niya alam kung anung kanta.

Basta ang sarap pakinggan sa tenga.

Kumilos siya at binitawan ni Hyunnie ang kamay niya.

Tiningnan nito ang mukha niya.

Gusto mo nang umuwi ? tanung nito.

Tumango naman siya.

Nagligpit na sila at magakahawak kamay na naglakad pabalik sa kotse..

Nang mga sumunod na araw, kung saan saan sila pumupunta.

Sinundo siya ni Hyunnie at dinala sa Seoul Forest Park.

Naglakad sila at nag rent ng bike.

Ang saya saya ni Pauline. Hindi niya naisip na sasaya siya uli ng ganun.

Natutuwa naman si Hyunnie sa nakikitang ngiti sa mukha niya.

Isang linggo na puro sila pasyal at picnic.


Nang pauwi na sila isinama siya ni Hyunnie sa condo nito.

May binili kasi siyang canvas at ibat ibang kulay ng paint para kay Pauline.

Naguumpisa na naman kasi itong mag pinta.

Sandali lang ha.. Iniwan niya ito sa sala at kinuha ang pinamili niya sa kwarto.

Nilibot nman ng tingin ni Pauline ang condo. Malaki iyon maluwang ang living

room at may malaking flatscreen TV. Natawag ang pansin niya ng kulay asul na

notebook na nasa ilalim ng mesita. Kinabahan siya.

Dahan dahan niyang kinuha at binuklat.

Gusto mo bang kumain muna? Tanung ni Hyunnie natigilan ito ngmakitang

hawak niya ang notebook.

Bakit nasa iyo ito? Tanung ni Pauline nakatitig kay Hyunnie.

Ahh.. Nakita ko yan sa buhangin nung umalis ka... sa ... Jeju.

Tumayo si Pauline.

Iuwi mo na ako..

Nawala ang ngiti ni Hyunnie.

Pauline...

Kaya ka ba nakipaglapit sa akin dahil dito? Nanginginig ang boses nito.

Pau... magpapaliwanag ako..

Iuwi mo na ako.. Humakbang na siya palabas ng suite nito.

Napabuntunghininga si Hyunnie. Sumunod agad siya kay Pauline.

Naabutan niya ito na naglalakad papunta sa kotse niya

Pauline. Ano na naman ang iniisip mo, tell me.. Pero hindi ito kumibo.

Ipinagbukas niya ito ng pinto at sumakay ito.

Pinaandar niya ang kotse. Tahimik sila buong biyahe.

Bumaba agad si Pauline pagdating sa kanila.

Hinabol siya ni Hyunnie. Pauline come on talk to me.

Umuwi ka na. Gusto ko nang magpahinga..

Hinila niya ito at pinilit na humarap sa kanya.

Nagulat siya ng magsalita ito.


Kaya mo ba ginagawa ito kasi naaawa ka

sa kin? Hindi na kailangan. I can.. live on my own..

Nagkakamali ka Pau..

Ayaw na kitang makita, huwag ka ng babalik ..

Pau magusap tayo ng maayos.

No. Umuwi ka na. Napapagod na ako.

Pagkasabi nun pumasok na siya at naglock ng pinto.

Sumandal siya sa nakasarang pinto at hindi na niya pinigilan ang mga luhang

kanina pa gustong tumulo mula sa mga mata niya..

Ang sakit naman ... kung kelan naguumpisa na niyang mahalin si Hyunnie..


Nasa labas naman si Hyunnie at naririnig niya ang impit na pagiyak ni Pauline sa

loob. Napakuyom ang palad niya.

Tumalikod na siya at nagmamadaling sumakay sa kotse niya at umalis.

Hindi niya kayang marinig ang mga iyak ni Pauline.

Pakiramdam niya pinipiga ang puso niya.


Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon