Nagising si Pauline sa malamig na simoy ng hangin na dumampi sa pisngi niya. Dahan dahan siyang dumilat.
Nasa kotse parin siya. May Jacket na nakakumot sa kalahati ng katawan niya para di siya lamigin.
Umupo siya at nakita niya si Hyunnie. Nakaupo sa hood ng kotse.
Nakatanaw sa langit at tila nagiisip.
Inilibot niya ang paningin at na amaze siya sa lugar.
Nasa taas sila ng ridge. Malapit sa port. Tanaw ang kumukuti kutitap na liwanag mula sa maliliit na barko na naglalayag at paalis ng Incheon port.
Lumabas siya sa kotse at naglakad malapit sa edge ng bangin.
Nakatingin sa ganda ng tanawin.
Nagulat siya ng maramdaman ang jacket na nakakumot sa kanya kanina.
Inilagay iyon ni Hyun sa balikat niya. At niyakap siya mula sa likod.
Naalala niya ang diary ni Jonghyun.
Isa sa mga nakatala dito ang kagustuhan dalhin siya
sa lugar na ito.
Paborito namin tong tambayan dati. Mahinang sabi ni Hyunnie.
Madalas kaming tumatambay dito pagkatapos ng klase at umiinom.
Itinuro nito ang isang maliwanag na star. Yun ang paborito niyang star.
Tiningnan ni Pauline ang itinuro ni Hyunnie.
Hindi niya napigilang pumatak ang luha sa mata niya.
Naalala niya ang sinabi nito sa kanya dati,
May paborito akong star. Kapag nakita mo malalaman mo na ako ang may ari nun.
Paano naging pagaari mo ang star?
Basta pag nakita mo.
Mula sa ganitong layo, akala mo korteng P ang grupo ng mga star na yun.
Humigpit ang yakap sa kanya ni Hyunnie. At naramdaman niya ang labi
nito sa sentido niya.
Jonghyun...
Ilang saglit din sila sa ganuong posisyon. Hanggang hilahin siya ni
Hyunnie palayo sa may bangin.
Magkasabay silang naglakad papunta sa kotse nito.
Inalalayan siyang umupo bago pumakabila sa pwesto ng driver.
Nagustuhan mo ba? Nakatinging tanung nito sa kanya.
Tumango siya tsaka tipid na ngumiti.
Lumapad ang ngiti nito sa reaksiyon niya.
Tahimik silang nagbiyahe. Nakatingin si Pauline sa harap at patingin tingin naman sa kanya si Hyunnie.
Matulog ka muna. Gigisingin na lang kita kapag malapit na tayo sainyo.
Sabi pa nito.
Tahimik lang si Pauline. Bakit ba ang bait sa kanya nito?
Mula ng makita niya sa Jeju. Hanggang ngayon.
Hindi kaya sumapi dito ang asawa niya kaya ganun?
Sinulyapan niya ito.
Kahit saang anggulo niya ito tingnan mukha ni Jonghyun ang
nakikita niya.
Napaka gaan din ng pakiramdam niya kapag kasama niya ito.
Naguguluhan siya at di malaman kung anung iisipin.
Pakiramdam niya kasi sa tuwing lalapit ito at yayakapin siya,
nagkakasala siya sa asawa niya.
Panay naman ang sulyap sa kanya ni Hyunnie.
Anu kayang iniisip niya?
Mukhang malalim ang iniisip nito dahil kanina pa niya napapansin
na kinakagat nito ang ibabang labi at naka kunot ang noo.
I'd give a million just to know whats on your mind.
Naisip niya.
Maya maya pa paliko na siya sa pamilyar na street.
Nagulat si Pauline.
Alam mo ba kung saan ako nakatira? Tanung niya dito.
Tumango si Hyunnie.
Sinundan kita nung nag jogging ka. Simpleng sabi nito.
Bakit?
Nagulat naman si Hyunnie sa tanung niya. Nagkibit baklikat ito.
Hindi ko din alam.
PInatay niya ang makina ng sasakyan sa tapat ng bahay nila Pauline.
Mag a alas diyes na ng gabi.
Sabi sa relong pambisig niya.
Tiiningnan ni Pauline si Hyunnie at nag-alala siya para dito.
Naalala niya ang nangyari nuon.
Ganitong oras din yun.
Tiningnan siya nito at nagtataka ito sa ikinikilos niya.
Ayos ka lang ba?
Nagdesisyon siya.
Dito ka na matulog.
![](https://img.wattpad.com/cover/30820967-288-k439908.jpg)
BINABASA MO ANG
Second Chance
FanfictionYou open your heart knowing that there's a chance it may be broken one day and in opening your heart, you experience a love and joy that you never dreamed possible. You find that being vulnerable is the only way to allow your heart to feel true plea...