Its You

69 7 1
                                        


Naglalakad si Paulyn sa buhanginan. hawak hawak niya ang asul na notebook ni Jonghyun.

Iniwan niya si tita Jane niya na nagpapahinga sa may deckchair.

Napagod sa pag snorkel nila kanina. Nagbabasa siya.

Whoah!! Miss... tabii!!

Sigaw ng mga naglalaro ng frisbee.

Huli na ang babala dahil bumangga na ito sa kanya.

Natumba si Paulyn . Humagis yung notebook na hawak niya.

Napahiga siya sa buhangin at napapikit. Nakahawak naman sa

balikat niya ang nakabangga sa kanya.

OK ka lang?

Narinig niyang tanung. Kilala niya ang boses na iyon.

Dumilat siya. Diretsong tumitig sa mga mata ng lalaking pinaka mamahal niya.

Jonghyun?!

Tumaas ang kamay niya at hinawakan ang pisngi nito.

Ikaw ba talaga yan?


Kumunot ang noo ng kausap niya. Tinitigan siya.

Umayos ng upo at tinulungan siyang umupo rin.

Im sorry.Hindi ko sinasadya.

Tinitigan ni Paulyn ang kaharap at nuon lang niya nakita na hindi

ito si Jonghyun. Matangkad din ang lalaki at kasimputi ng asawa niya.

Pero mas maskulado ito at maikli ang buhok.

P-pasensiya na akala ko ikaw si...

Paulyn! Ayos ka lang ba?

Lumapit sa kanya ang tita niya at tinulungan siyang tumayo.

Pinagpagan pa ang damit niya na puro buhangin.

Tsaka tiningnan ang nakabangga sa kanya.

Sa susunod tumingin naman kayo. Nakakasakit kayo oh.

sabi nito sa lalaki.

Tita,Im OK. Dont Worry.

sabi naman niya.

Iniaya na siya nito at humakbang sila palayo.

Lumingon pa si Paulyn at muling tiningnan ang lalaki.

Hyun! sasali ka pa ba sa laro?

Umiiling ito. Sinusundan parin ng tingin sila Paulyn.

Kung tutuusin wala naman siyang kasalanan. Kaya lang hindi niya

Maipaliwanag ang naramdaman ng hawakan ng babae yung pisngi niya.

Bukod pa sa tingin nito na puno ng lungkot ang mga mata.

Malayo na sila Paulyn nang mapansin ng lalaki ang isang asul na notebook. Pinulot niya iyon at saka naglakad papunta sa mga kasama niya.

Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon