Beautiful Morning

63 8 7
                                    

Maagang gumising si Hyunnie.

Medyo masakit pa ulo niya dahil sa ininom kagabi. Muntik ng maubos ang bagong bukas na bote ng whiskey.

Nag request ang mama Che niya na duon siya mag almusal. Pinagdala siya ng cappuccino at hazelnut mocha java.

Hmm. Si mama mga request puro nakakalito.

Alam niyang black coffee ang paborito nito kaya nag tataka pa siya kung bakit iba ang pinadadala sa kanya.

Ma.. Im here...

Isinara niya ang pinto.

Nagkagulatan pa sila ni Pauline ng magtama ang tingin nila.

Si Pauline ang unang nagbawi ng tingin. Namumula ang pisngi.

Nakayuko na lang hanggang sa makaupo siya sa tabi nito.

Son.. Dito ko pinagalmusal si Pauline. Dinala mo ba yung request ko? Tanung naman ng mama niya na pangiti ngiti sa kanila.

Tumaas ng bahagya ang kilay niya ng kumindat ang nanay niya.

Si mama playing cupid...

Inilapag niya sa ibabaw ng mesa ang dalang inumin.

Kuha na kayo ng gusto niyo.. Sabi naman ni mama Che.

Sabay silang umabot sa hazelnut mocha java. Nauna ang kamay ni Pauline at nahawakan niya ito.

Nagkatinginan sila.

Ang lapad naman ng ngiti ni Mama Che.

Sige. Sayo na lang yan. Sabi niya kay Pauline. Pareho pa sila ng gusto.

Kinuha niya ito at inilagay sa tapat nito tatanggi pa kasi..

Isa lang ang dinala niyang hazelnut dahil na rin sa request ni mama Che.

Puro cappuccino naman yun tatlo.

Ehem..masarap ang cappuccino honey.. Thanks son. Sabi naman ng papa niya.

Pauline. Di ba cappuccino ang favorite ni Jonghyun? Tanung ng mama Che nila.

Ah. Yes ma. Hmmm. Nakaka tatlo siya every morning. Nakangiting sabi nito.

Akala ko nga nahawaan ka niya sa gusto niya.. Patuloy naman nito.

Ani, ma. Sagot nito. Tapos yumuko ulit.

Pau...tawag nito. Napaangat ang tingin ni Pauline.

Blangko ang mukha nito.

Tinitigan ito ng mama niya. Are you ok ? May masakit ba sayo?

Umiling siya. Ok lang po ako. May sinasabi ba kayo?

Napatingin ito sa asawa. Napahiya naman si Pauline. Hindi kasi siya nakikinig. Naka tune out na siya sa tinatakbo ng usapan.

Pasensiya na po. May...may iniisip lang ako.. Ngumiti na siya.

Nagbuntong hininga ito. Malungkot ang mukha. Gusto ko sanang pumunta kay Jonghyun. Birthday niya next week. Tapos mag dinner tayo to celebrate Hyunnie's birthday.

Nag freeze ang ngiti sa mukha ni Pauline. S-sige po. Pupunta din naman ako dun. Sabay na lang tayo ma... Yumuko ulit ito.

Ngumiti na si Che. Tinitigan ang dalawang taong mahalaga sa kanya.

Kanina pa nakatitig si Hyunnie kay Pauline at naka yuko lang naman ang huli.

Jonghyun will make a way.
Go son.  Do your magic.

Naalala niya ang sinabi nito bago ito ma comatose.

Mama. Please save my heart.
Ibibigay ko to sa kanya.
I promised her that.
Not even death can make me leave her.

Hinawakan naman ni Bruce ang kamay ng asawa. Nagkatinginan sila. Alam niya ang gusto nitong mangyari.

Sana nga..
Sana tuparin ni Jonghyun ang sinabi nito.

Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon