No turning back

71 6 3
                                        

Nang hawakan ni Hyunnie ang kamay niya.

hindi na tumanggi si Pauline.

Sabay silang naglakad papunta sa puntod ni Jonghyun.

Malayo pa tanaw na sila ni mama Che niya at nakangiti ito sa kanila.

-------

Tinotoo ni Hyunnie ang sinabi nito na liligawan niya si Pauline.

Araw araw niya itong dinadaanan sa studio nito.

Madalas kasing nakakalimutan ni Pauline ang kumain.

Sinasabayan niya ito o kaya naman nakikigulo siya sa ginagawa nitong obra.

Para silang mga bata sa pag aasaran at pagkukulitan nila.

Pauline ...

Naka higa si Hyunnie sa sofa at binabasa ang notebook ni Jonghyun.

Nagluto naman siya ng spaghetti.

Nilingon niya ito.

Nakita mo na ba ito?

Itinaas nito ang hawak na notebook.

Naggadgad si Pauline ng keso sa spaghetti at dinala niya iyon

sa living room.

Ipinunas niya ang mga kamay sa apron at umupo sa tabi nito.

Anu yan? Nakakunot ang noo niya.

May tula pala duon.

Ilang talata ng mga salita na patungkol sa bituin.

Hmm.. Ngayon ko lang yan nakita.

Sabi niya at tinitigan siya nito.

Bakit? tanung naman niya dito.

Hinaplos nito ang mukha niya. At tinitigan siya sa mata.

Mahal kita.. Simpleng sabi nito at hinalikan siya sa noo.
Hmmm... Nagugutom ka na no? Kung anu anu na pinagsasasabi mo eh.

Biro niya dito.

Sumeryoso ang mukha nito.
Kelan mo ba ako sasagutin?

May itinatanong ka ba? Sabi naman niya dito na nakataas ang kilay.

Sumimangot si Hyunnie.

Yumuko siya at tinusok ng tinidor ang spaghetti.

Natatawa siya. Ang arteng lalaki nito.
Akala mo bata.

Hinawakan nito ang kamay niya, kinuha ang tinidor at inilapag iyon sa pinggan.

Oh.. Bakit naman? Ayaw mo ba?

Tanung niya dito.

Tinitigan lang siya nito.

Seryoso ang mukha. Hindi mo ako mahal.

Tiningnan niya ito. Kinuha niya ang pinggan ng spaghetti, Hindi talaga..mahina niyang sabi at dinala ang pinggan sa kusina.

Sinundan siya nito at naka cross arms na sumandal sa ref.

Hindi niya ito pinansin.

Nagulat siya ng bigla siya nitong yakapin.

Hinawakan ang mukha niya at hinalikan siya.

Pumikit si Pauline, at gumanti siya ng halik dito.

Ngumiti naman si Hyunnie at niyakap siya ng mahigpit.


Mahal na mahal kita.

Sabi uli nito.
Kailangan ko pa bang sabihin,? Tanung naman niya.

Hinila siya nito.
Saan tayo pupunta?
Mag ce celebrate tayo. Nakatawang sabi nito.

Pumunta sila sa paborito nitong restaurant.

Naglalakad sila papunta sa mesa na itinuturo ng waiter

ng may tumawag kay Hyunnie.

Love..Youre here. Hinawakan nito ang mukha ni Hyunnie at hinalikan ito.

Nagulat si Pauline.

I miss you. Sabi nito nakangiti.

Reich.... Kelan ka dumating? Tanung ni Hyunnie, sabay hawak sa kamay nito na nakalambitin sa leeg niya.

Bumaling ito kay Pauline at hinapit ito sa bewang.
Meet my fiance. Pauline Sam.

Napawi ang ngiti ni Reich at tumingin ito sa kanya.

Kung nakasusugat lang ang talim ng tingin nito baka nagkalat na ang dugo sa dami ng sugat niya.

Tiningnan niya ito at bahagya siyang ngumiti.

So. Kayo na pala? Nasabi nito. Kelan pa?

Reich. Seryosong sabi ni Hyunnie.
Dont make a scene.You wont like me when I get angry.

Naningkit ang mata ni Reich sa narinig.
Nagbabanta ka ba Hyunnie,just because of this... trash?

Tiningnan nito si Pauline mula ulo hanggang paa.

Hinawakan nito ang isang wineglass at tinangkang tapunan ng alak si Pauline.

Pero maagap iyong natabig ni Hyunnie. Nabasag ang kopita sa sahig.

Nagulat ang ilang kumakain sa nangyari.

Lumapit ang manager ng restaurant.

Naglabas si Hyunnie ng card iniabot nito sa manager.Bill me for the damages .. sabi niya dito at saka inakbayan si Pauline palabas ng restaurant.

Tahimik lang si Pauline. Sa totoo lang naaawa siya kay Reich.

Marahil wala na nman ito sa bansa at nakalimutan ni Hyunnie. Ni hindi man lang yata ito sinabihan na may kapalit na siya.

Nagbuntong hininga siya.

Napalingon naman sa kanya si Hyunnie.

Hinawakan nito ang mukha niya at tiningnan siya.

Pauline.Its not your fault ok?
Wala yun. Forget about her.

Shes your girlfriend Hyunnie.

No. We just...clicked..before... but theres nothing there.
Ikaw ang mahal ko. Sabi nito.

Ganun lang ba ang relasyon dito? Naisip niya ang laki ng

pagkakaiba nito kay Jonghyun.

Tiningnan ni Hyunnie ang mukha niya. At parang nahuhulaan niya

ang iniisip nito.

Ive changed. Ive changed a lot because of you Pau.
Please... Dont leave me.

Niyakap niya ito.

Idinikit ni Pau ang mukha niya sa dibdib ni Hyunnie.
Im not leaving you Hyunnie.
Even if I want to.. I cant..

Tsaka lang nakahinga ng maluwag si Hyunnie.
Thank God for that.

Hinalikan niya ang buhok ni Pauline.

Habang sa malayo nagngingitngit si Reich.

Ngayon lang siya naka tikim ng rejection. At kay Hyunnie pa.

Tinitigan niya si Pauline.

Hindi siya papayag na isang tulad lang nito ang ipagpapalit sa kanya.

If you think you've won , guess again girl.
Babawian kita.

Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon