first romance

100 8 3
                                        

Mula noon araw araw ng sinusundo ni JOnghyun si Pauline.

Matyaga siyang nanuyo.

Nagdadalawang isip kasi si Pauline dahil rakista siya.

" Pau, naman hindi naman porket rakista ako ganun na din yung totoong ugali ko."

Katatapos lang nilang kumain, nasa mall sila nuon.

Tiningnan siya ni Pauline.

"six months na akong nanliigaw sayo, hindi mo rin ba alam ang ugali ko?"

"So, nagsasawa ka na? e di tumigil ka na . Sino ba kasi nagsabing mag tyaga ka?"

Tumayo na si Pauline.

Humabol si JOnghyun. Hinawakan niya ang kamay nito.

" Hindi . pasensiya ka na. HIndi ako nag sasawa. Hindi ako magsasawa."

Tinitigan niya si Pauline.

"Ikaw lang ang gusto ko Pauline..."

------

Tumuloy sila sa park pagkatapos..

" Ah Jonghyun,  pupunta ka ba sa amin sa Sunday?"

" Oo naman. Gusto ko ikaw kasama kong ag celebrate ng birthday ko."

Ngumiti si Pauline. Tiningnan niya ito . 

May surpresa siya kay Jonghyun.

Sa totoo lang gusto din naman niya ito. Di nga niya akalaing yung pagiging silent fan niya dati at pangangarap na maging sila magkakatotoo.

Sasagutin na niya si Jonghyun sa Linggo.

Sa birthday niya para special .

" Sige pumunta ka ipagluluto kita."

" Talaga?  Sige.."

Tuwang tuwang si Jonghyun. Mukhang nagkakaruon siya ng pag-asa.

Ipagluluto daw siya ni Pau. Ngayon niya lang gagawin.

Sana sagutin mo na ako, naisip niya.

Ginabi na sila. 

Naglalakad sila papunta sa bahy ni Pauline.

Hindi napigil ni Jonghyun ang sarili, hinawakan niya ang kamay nito.

Nagulat si Pauline pero, hindi niya binawi ang kamay niya.

Ngumiti lang siya at yumuko.

Nag didiwang na ang puso ni Jonghyun.

Sasagutin na niya ako ! Yes!

Pagliko nila sa eskinita nagulat ito.

Maraming kabataan na nagaaway.

Rambol.

Maya maya may narinig silang pito ng pulis.

Kanya kanyang takbuhan ang mga ito. 

May biglang dumating na pulis na sa may likod ni Pauline dumaan.

Nakita ito ng lider ng gang. 

Itinaas nito ang baril.

Bang!

Nagulat si Pauline. Napatingin siya kay Jonghyun.

Hindi niya alam kung anong nangyari, bigla na lang siyang kinabig nito at niyakap.

"Jonghyun..."

Napayakap siya dito. Pero nagtaka siya ng mabasa yung kamay niya.

Umuulan ba?

Itinaas niya ang kamay niya. Mapula. Dugo ba iyon?

Tinitigan siya ni Jonghyun. hinawakan ang mukha niya. 

"tatandaan mo mahal na mahal kiita..."

"Jonghyun..., mahal din kita..."

Ngumiti ito. "Wala ng bawian ah..."

Tumango siya.

Pero bumagsak ito. Puro dugo ang likod at sa harap ng damit nito naguumpisa na ding mabasa ng dugo.

Anong nangyari?

"JONGHYUUUUUUUUUNNNN!"

Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon