Matagal ng naka bantay sa may tindahan si Hyunnie pero
hindi niya nakita si Pauline.
Hindi yata lalabas ng bahay.
Tumawid siya at kumatok sa pinto.
" Pauline..pwede ba tayong magusap? " Tawag niya dito.
Bumukas ang pinto. Tiningnan siya ni Pauline.
"Bakit?" Tinitigan niya ito. Nangangalumata si Pauline halatang
hindi masyadong nakatulog.
"Magusap tayo please."
Isasara sana ni Pauline ang pinto pero itinulak niya iyon.
Dirediretso siyang pumasok sa loob.
Umupo siya sa sofa.
Nakatingin lang sa kanya si Pauline.
Puno ng pintura ang kamay nito.
Pati sa pisngi.
Nag umpisa na naman itong mag paint.
Hahawakan sana niya ang pisngi nito.
Pero ibinaling ni Pauline ang mukha niya.
Napabuntunghininga siya.
"Hindi ko alam kung anung sasabihin ko sayo."
Sabi niya dito. " Lahat ng nakikita mo binibigyan mo ng kahulugan.
Hindi ba pwedeng tanggapin mo kung anu yung meron ngayon?
Masyado kang nakakulong sa alala ng asawa mo..."
" Hindi mo maiintindihan. " Mahinang sabi ni Pauline,
Tiningnan siya nito at pilit na ngumiti. "Huwag mo na akong alala
hanin ayos lang naman ako dito."
" Salamat nga pala sa dala mo kahapon." patuloy pa nito.
"Huwag ka nang mag abala pa ulet sa akin. "
" Yun lang? Ganun lang ba yun sayo? " Naiinis siya.
Gusto niyang magkaroon ito ng ibang reaction pero
nananatiling tahimik ito.
Tumayo si Hyunnie at inilagay ang kamay sa bulsa.
Tama na nga ang kabaliwan niya.
" Sana maging masaya ka sa pagiisa mo Pauline."
Sabi niya dito at tuloy tuloy na lumabas nga bahay.
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Hyunnie paglabas niya sa pinto.
Saka walang lingon likod na sumakay sa kotse niya at umalis.
Hindi niya napansin si Reich na kanina pa din nanduon. Nakatingin
mula sa loob ng kotse nito.
Sinundan nito ng tingin ang papaalis na kotse.
Base sa nakita niyang reaction nito, mukhang hindi
maganda ang nangyari sa loob ng bahay na pinuntahan nito.
Napangiti siya. Sana ito na ang huli.
Madali naman niyang mapapasunod si Hyunnie sa mga gusto niya.
BINABASA MO ANG
Second Chance
FanfictionYou open your heart knowing that there's a chance it may be broken one day and in opening your heart, you experience a love and joy that you never dreamed possible. You find that being vulnerable is the only way to allow your heart to feel true plea...