Missing Link

72 6 6
                                        

Hindi siya kumibo.

Pero sumunod siya kay Pauline.

Amoy agad niya ang bahagyang singaw ng pintura pagpasok palang sa pinto..

Binuksan ni Pauline ang switch ng ilaw .

Napansin ni Hyunnie ang canvas na may pintura sa gilid. Hindi iyon tapos.

Diretsong pumasok si Pauline. Lingon naman ng  lingon si Hyunnie at tinitingnan ang paligid niya.

Ipinaglabas siya ni Pauline ng unan at kumot sa sofa.

Tiningnan niya ang sofa. Kasya naman siguro siya duon.

Bakit hindi mo tinapos yun?

Nilingon ni Pauline ang canvas na itinuro niya.

Umiling lang ito.

Umupo siya sa katapat ng sofa.

Tinitingnan niya si Hyunnie.

Naghubad ito ng sapatos at pabagsak na umupo sa sofa.

Nginitian niya si Pauline na nakatingin lang sa kanya.

Wala kang kasama dito?

Nasa Baekbeomro si Tita. Sagot nito at pumasok sa kwarto.

Now's your chance Hyunnie sabi ng isang bahagi ng utak niya.

Ipinilig niya ang ulo.

Ipinaglabas siya nito ng pajama.

Pagkatapos pumunta na ito  sa kusina.

Inabot niya ang pang itaas ng pajama na alam niyang si Jonghyun ang nagsuot. Kanino pa nga ba manggagaling ang mga panlalaking gamit dito.

Napahakbang siya papunta sa kusina ng marinig na may nalaglag at nabasag sa sahig.

Naabutan niya si Pauline na nagliligpit ng nabasag na baso.

Naka luhod sa sahig. Dalidali siyang lumapit dito.

"Ako na lang," sabi niya at hinawakan niya ang kamay nito.

Napatingin sa kanya si Pauline.

Napatitig naman siya dito.

Ang lakas ng tibok ng dibdib niya.

Hawak ang kamay nito inilagay niya sa tapat ng dibdib niya.

Bakit... Ganito ako kapag malapit ako sayo? Tanung niya dito.

Hindi ko alam. Mahina ang boses ni PauLyn. Nakatingin siya sa mga mata nito.

Hinawakan ni Hyunnie ang pisngi niya. Ihinaplos ang likod ng palad niya. Napapikit si Pauline.

Miss na miss na niya si Jonghyun.

Ikinulong ni Hyunnie ang mukha nito sa mga palad niya at hinalikan siya sa labi.

Kusang kumilos ang mga kamay ni Pauline. Hinawakan nito ang kwelyo ng suot  ni Hyunnie.

Lumalim ang mga halik nito.

Hihinto lang sila para saglit na huminga tapos uulitin uli ang pagiisa ng kanilang mga labi.

Si Pauline din ang pumutol ng halik na iyon. Isinubsob niya ang mukha sa dibdib ni Hyunnie at umiyak.

Nagulat naman si Hyunnie, pero hinayaan lang niya si Pauline. Niyakap niya ito at hinagod ang likod.

Lalo namang umiyak ito. Pakiramdam niya sasabog ang dibdib niya.

Nagagalit siya sa sarili dahil kahit na si Jonghyun ang nasa puso niya mukha ni Hyunnie ang nakikita niya kahit nakapikit siya.

Shhh. Its ok. Pauline.

Pag aalo dito ni Hyunnie.

Parang kinukurot ang puso niya sa bawat iyak na naririnig niyang lumalabas sa bibig ni Pauline. Hindi niya maintindihan kung  bakit ito umiiyak.

Binuhat niya ito at dinala sa kwarto.

Pinahid niya ang luha sa mukha nito. Tapos kinumutan niya.

Tahimik naman itong nakatingin sa kanya.

Huwag ka ng umiyak. Sabi niya dito. Matulog ka na. Napagod ka yata. Sinuklay suklay niya ang buhok nito gamit ang daliri niya.

Nakaluhod siya sa gilid ng kama nito. Nakatitig lang sa kanya si Pauline. Pinipilit dumilat kahit. Antok na antok na.

Nginitian niya ito. Hinalikan niya sa noo. Babantayan kita. Bulong niya dito. Tuluyan nang pumikit si Pauline sabay pakawala ng buntung hininga.

Hindi ni Hyunnie maintindihan kung bakit sa ganito lang ang saya saya na niya.

Siya ang klase ng tao na hindi madaling i please pero kung tungkol din lang sa babaing nasa harap niya.

Kahit ngiti lang nito, sumasaya na siya.

Nang masiguro niyang tulog na ito lumabas siya ng kwarto.

Iniligpit niya ang bubog na natira sa kusina at bumalik sa living room.

Umupo siya sa sofa. Pumikit siya at minasahe ang mata niya. Pagdilat niya napako ang tingin niya sa isang custom made Paul Reed Smith red na nakatayo sa isang sulok.

Nilapitan niya iyon at hinimas na akala mo isang alagang aso. Napangiti siya. Dahan dahan niyang inangat sa mula sa stand.

Tumipa siya ng simpleng melodiya.

Pero huminto din siya agad. Ibinalik niya iyon sa lalagyan at minasahe ang kanyang kanang kamay.

Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon