Opposite Poles

54 7 3
                                        

Nakaupo siya sa park at nakatingin sa malayo.

Kagat kagat ang mga labi niya.

Sa ilalim ng isang puno nakatitig naman sa kanya si Hyunnie.

Pauline. Anu bang iniisip mo?

Naka kunot noo siya.

Para akong tanga ditong nakatanghod lang. Sino ba
itong babae na to? Bakit
ganito ang nararamdaman ko?

Humakbang siya palapit dito.

Nakapamulsa ang isang kamay.

Nalaman niyang sa park na ito unang nakita ng writer ng notebook si Pauline. May smudge daw ng pintura ang pisngi.

Napabilis ang lakad niya ng makita niyang umaalog ang balikat nito.

Pauline.

Lumingon sa kanya si Pauline.

Tumutulo ang luha sa mga mata nito. Parang kinurot ang puso niya hindi niya napigilang yakapin ito.

Huwag kang umiyak please.

Nagulat siya sa sarili niya. Hyunnie, nasisiraan ka na ba?

Sumandal si Pauline sa dibdib niya.

Pumikit siya. Amoy nya pa ang pabango ni Jonghyun. Pero wala na si Jonghyun. Nababaliw ka ba Pauline imposibleng si Jonghyun ang nakayakap sayo... giit ng isip niya.

Bahagya niyang naitulak ito at inayos ang sarili. Nagpahid siya ng mata.

Pasensiya ka na.

Huminga siya ng malalim.

Binitiwan siya Hyunnie. Umupo siya sa tabi nito.

Bakit ka umiiyak? Tanung nito habang binubunot ang damo na nasa tabi niya.

May naalala lang ako. Sagot naman niya.

Bahagya niyang sinulyapan ito at nakita niya ang singsing sa daliri nito. Parang may sariling isip ang mga kamay niya. Hinawakan niya ang kamay nito. Ipinadaan niya ang hinlalaki niya sa ibabaw nng singsing nito.

Nagulat si Pauline. Ganun din si Jonghyun tuwing hahawakan ang kamay niya.

Napatitig siya dito. Tiningnan naman siya nito at nginitian.
J-jonghyun... Ikaw ba yan?

Napakunot ang noo ni Hyunnie.

Jonghyun. Narinig na naman niya ang pangalan nito. Siya ba ang nagbigay sayo nito?

Nabawi ni Pauline ang tingin niya.

Bakit parang si Jonghyun ang kaharap niya. Ang mga ikinikilos nitong lalaki na ito at ng namatay niyang asawa at pareho. Hindi lang ang mukha pati boses.

Hyunnie ang pangalan ko. Hyun Lee.

Nagulat si Pauline. Pero alam niya solong anak si Jonghyun. Nagtaka naman si Hyunnie sa reaction niya.

Why? May nasabi ba akong masama? Tanung niya.

Si-si Jonghyun, kapatid mo ba siya? Tanung ang isinagot nito sa

kanya.

Kumunot ang noo niya. 

Bumaling si Pauline sa bag niya at

Inilabas ang wedding picture nila sa LA concert ni Jonghyun.

Saglit na napigil ni Hyunnie ang paghinga. 

Kaya pala.

Kilala niya ang nasa picture. Marami ang nag sasabi na kamukha niya ito. Hindi sya naniwala pero hawig nga sila. Mahaba ang buhok nito. At maspayat kesa sa kanya. Bata pa kasi ito masasakitin na.

Magkaibang magkaiba sila ng ugali nito. Masayahin ito at proper gentleman. Madalas niya itong kasama dati. Pero pagkatapos ng aksidenteng iyon, nagumpisa siyang layuan ito. Hanggang sa iniwasan na niya kahit pa tinatawagan siya sa telepono.

Tiningnan niya si Pauline na nakatitig sa mukha niya.

Ikaw pala ang pinakasalan niya sa states. Sabi niya dito. Nice meeting you, cousin-in-law pala kita.

Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon