Getting Closer

56 6 6
                                    


Binawi ni Pauline ang tingin niya dito. Pinsan? Wala siyang natatandaan na nagkwento si Jonghyun tungkol dito.

Si Hyunnie naman ang tumitig sa nakayukong si Pauline.

Asawa ng pinsan niya ang babaeng ito.

Napabuntunghininga siya. Ibig sabihin, kay Jonghyun ang hawak niyang notebook. Ginagawa pa rin pala niya iyon.

Naalala niya nung nasa middle school sila.

Hyunnie!

Nilingon niya si Jonghyun. Nakatawa iyon at kumakaway. Nasa soccer field. Nilapitan niya ito at nagtama ang kamao nila bilang pagbati.

Sabay silang  ipinanganak. Kaya daw magkahawig sila. Bukod kasi sa mag bestfriend ang mga nanay nila, magpinsan ang mga tatay nila.
Double wedding pa nga ang naganap.

Anung ginagawa mo diyan? Tanung niya dito.

May hawak itong gitara. At nang makalapit siya nagumpisa itong tumugtog.

Natawa siya. Nilapitan niya ito at inayos ang daliri nito sa pagkakalapat sa fret.

Mali ba yung kamay ko?
Nakatawang tanung nito.
Bumuo tayo ng banda!

Anu? Banda hindi ka nga pwedeng mapagod. Magagalit sa akin si Tita Che. Ginulo niya ang buhok nito.

Anu ba! Para naman akong bata niyan. Iniwas nito ang ulo at lumakad palayo sa kanya.

Nawala ang ngiti sa mukha niya.

Noon pa makulit na si Jonghyun at walang paki alam sa sakit niya. Lahat ng maisipan ginagawa. Pinagbibigyan naman ito ng mga magulang dahil katulad niya, nagiisang anak ito.

Napalingon siya ng gumalaw si Pauline. Tumayo ito. Tumayo na rin siya.

Bakit... Bakit wala ka nung... nung.. Hindi mabigkas ni Pauline ang salita.

Naintindihan naman niya.

Wala ako dito. Nasa States ako that time. Ang totoo nasa labas lang siya ng bahay nila Jonghyun.

Nandun sa kotse niya. Mula umaga hanggang gumabi. Pero hindi siya nagpakita kahit sa tita niya.

Ipinagtataka nga niya na hindi niya nakita si Pauline duon.

Sige. Hyun. Salamat at pasensiya ka na ulet. Ngumiti siya ng bahagya.

Naglakad na siya. Mag pinsan pala sila. Kaya sila magkahawig. Bakit kaya di siya naikwento ni Jonghyun sa akin? Close kaya sila? Anu kaya si Jonghyun nung bata pa siya?

Nagulat siya sa busina.

Hindi niya namalayan na patawid na pala siya.

May humila sa braso niya at na out of balance sila.

Naramdaman niyang may yumakap sa kanya bago pa siya natumba.

Pauline! Tinapik tapik ni Hyunnie ang pisngi nito.

Dahan dahan siyang dumilat. Itinayo naman siya ni Hyunnie.

Ok ka lang ba? Ihahatid na kita. Nag aalala siya dito. Nag i sleepwalk ba ito?  Bakit parang palaging wala sa sarili, kung maglakad dire diretso.

Inalalayan niya ito at isinakay sa passenger side ng kotse niya.

Lumigid siya sa kabila at sumakay na rin. Nakayuko lang si Pauline. Nakatingin sa mga kamay nito.

Bahagya niyang itinulak ang balikat nito para lumapat sa sandalan ng upuan. Gulilat namang nagtaas ng tingin si Pauline.

Inayos niya ang seat belt nito. Nararamdaman niyang nakatitig ito sa kanya.

Sinulyapan niya ito sa gilid ng mata niya at umiwas ito ng tingin.

Pinaandar na niya ang kotse. Naguguluhan siya sa sarili niya. Hindi niya maiwasang hindi magalala dito.

Pero bakit,? Ngayon nga lang niya nakausap ito at hindi pa niya lubos na kilala. Pero parang gusto na niyang makasama ito palagi.

Natrapik sila. Nasabay kasi sila sa rush hour. Yayayain niya sana itong kumain pero pag lingon niya nakita niyang nakapikit ito.

Inabot niya ang buhok na nakalagay sa may pisngi nito at inipit sa likod ng tenga. Napangiti siya.

Umusad ang trapik at tumingin siya sa harap.

Jonghyun. Magagalit ka ba kung kukunin ko ang asawa mo?


Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon