Four months.
Nakangiti si Hyunnie habang pinagmamasdan si Pauline.
Natutulog ito at gaya ng dati,naka kapit sa damit nya na parang ayaw siyang bitawan..
Apat na buwan na silang kasal.
Nang pumayag itong pakasal sa kanya iyon na ang pinakamasayang araw ng buhay nya.
Hinalikan niya ito sa noo.
Sweetheart..
Hmmm...
Hinalikan niya ang tungki ng ilong nito.
Hyunnie.. inaantok pa ko... Nagpout pa ito..
Cute naman sweetheart ko. Hinalikan niya ang labi nito.
Isinubsob ni Pauline ang mukha sa dibdib ni Hyunnie. Inaantok pa talaga siya. Lately nagiging tamad siya at palaging inaantok.
Narinig niya ang mahinang tawa ni Hyunnie. Niyakap siya nito ng mahigpit.
Mayamaya nakatulog na siya ulit.
q3
---------
Maraming natumbang lata ng paintura ng dumating siya sa studio niya.
Maliit na kwarto iyon sa gilid ng Arts Center.
Napakunot noo siya. Inayos niya kasi iyon kagabi.
Bahagyang tumayo ang balahibo niya. Hinimas niya ang braso.
Napaparanoid na yata siya.
Ipinagwalang bahala na lng niya.
Mamaya pupunta si Jonghyun.
May bago daw silang recipe at siya ang unang papatikimin nito.
Si Hyunnie.
Lalong naging maaalalahanin.
Ikinuwento sa kanya ni mama Che kung bakit na kay Hyunnie ang puso ni Jonghyun..
May congenital heart disease ito.
Kaya sila pinaghiwalay ng mga bata pa sila. Para may nakatutuk sa pagaalaga kay Hyunnie.
Hindi naman nagkaanak ang bestfriend nito kay kinuha nito at itinuring na tunay na anak.
Nang mag teen ager naman sila, na diagnosed na may leukemia si Jonghyun.
Nang mapaaway si Jonghyun bago ang graduation, iniligtas ito ni Hyunnie dahilan para masira ang kanang kamay nito. Durog ang buto at dalawang daliri dahil sa malakas na pagkakahampas ng tubo.
Ito ang dahilan kung bakit lumayo siya sa hindi pa nakikilalang kapatid.
Bago pa lumala ang sakit nito, alam na nya na kapatid niya si Hyunnie.
Nakita kasi nito ang original birthcertificate nila na nagsasabing kambal ang anak ni Che.
Kaya hiniling nito na ibigay ang puso niya sa kapatid kung kakailanganin niya ito.
.
Nang maaksidente si Hyunnie, na damage ang puso nito kaya dinala agad ito sa america at duon isiginawa ang transplant.
Magkakawing kawing ang bukas nila dahil ginawa ito ni Jonghyun para may magbabantay pa rin sa kanya kahit wala na ito.
Naniniwala ang mama Che nila na si Jonghyun ng dahilan kaya naging sila.ni Hyunnie.
Pero alam ni Pauline, kahit kailan hindi pwedeng turuan ang puso.
Minahal siya ni Hyunnie sa paraang alam nito.
At ang puso ni Jonghyun ang naging tulay sa pagkikita nila.
BINABASA MO ANG
Second Chance
Fiksi PenggemarYou open your heart knowing that there's a chance it may be broken one day and in opening your heart, you experience a love and joy that you never dreamed possible. You find that being vulnerable is the only way to allow your heart to feel true plea...