Epilogue

118 6 7
                                    

"Lola eh ang ganda po pala ng love story nyo ni Lolo Kaloy kahit na mejo magulo!" Kumento ng isa kong apo sa storya ng love story namin ni Kaloy.

"Relationship Goals po lola!" Sabi naman nung isa.

"Kaya kayo mga apo, humanap kayo ng kahit hindi mayaman sa materyal na bagay, kaya kayong payamanin gamit ang pagmamahal." Pangaral ko sa kanila.

"So Ampon lang po pala si Tito Tekla?" Tanong nang isa kong apo.

"Hindi naman nasusukat sa dugo ang pagmamahal! Hindi kailangang bahay para matawag na tirahan. Hindi rin kailangan ng kadugo para matawag na pamilya!" ako

"Lola kahit paulit ulit di po nakakasawa ang lovestory nyo ni Lolo!" Sabi naman nilang lahat at niyakap ako.

"Hoy ano yan ha?" Nagulat kame sa biglang dumating. Si Kaloy kasama ang aming pitong anak.

"Si mama nagkukwento nanaman sa lovestory nila ni papa!" Kumento ng pangapat kong anak.

"Hoy babae ang ganda ng lovestory ni mama at papa noh?! Ako lang kasi ang maswerteng nakasaksi nun!" Depensa ni Tekla.

"Oo na tama na yan!" Awat sa kanila ni Kaloy.

"Tara na nga sa lamesa at kumain!" Inaya ko sila. Natapos kaming kumain at nakatingin ako sa bintana ng kwarto habang naiisip ang mga nakaraan kong ala ala.

"Bebelabs ano nanamang iniisip mo?" Tanong ni Kaloy.

"Wala naman bebelabs! Naisip ko lang ung mga nabuo nating ala ala! Ang saya natin noh? Dati ang pangarap ko makapangasawa ng mayaman ung businessman at di ako nabigo doon" Ngiti kong tugon sa kanya.

"Naging masaya naman tayo noon kahit hindi tayo mayaman!" Yakap nito saakin patalikod.

"Mayaman tayo! Mayaman sa pagmamahal!" ako

"Wushu! Tanda mo na bumabanat ka paren!" Kurot neto sa kulubot ko nang mukha.

"Eto nga pala para sayo!" Inabutan nya ako ng isang box at nilapag ko ito sa lapag at binuksan.

Pictures namin noon sa Tondoville. Sila Jenjen na nagpatuloy sakin sa bahay nila ni Kendall ang una kong bestfriend. Ang apat na tukmol na si Kaloy, Asiong, Maykol at Lucio. Si Melchora na tindera ni Aling Nena. Si Maria na dyosa ng pepsodent. Si Juju na taga tinda ng lumpia at kapatid nyang si Louise at tatay nyang si Mang Carding. Si Malupet na taga ayos ng lovelife namen. Ang mean girls na sila Beeya, Alisya at Selina. Sila Cameron, Shawn at Jekeb. Yung anak kong si Tekla. Si Junjun na super pogi. Si manong Harry na hunk. Si Aling Nena at Tita ni Junjun na laging nagbibidyooke. Si Justin at Mj na ambata pero pak na pak na. Si Meyer. At lalong lalo na si Lyka. Dahil siguro kung hindi sa kanya hindi kame nagexist sa imahinasyon nyo.

"Oh, bebelabs bat ka umiiyak?" Tanong ni Kaloy habang pinupunasan ang luha ko.

"Mga ala alang kayamanan ko. Mga saya na namuo sa Tondoville. Mula sa pagkapadpad ko doon hanggang sa huling hininga ko, Im proud to say that Im really a Tondovillager!" Pinunasan ko rin ang luha ko at nagyakap kame ni Kaloy.

"So?" Tanong nya sakin.

"Dito na siguro nagtatapos ang The Adventures Of The Gulaman Queen!"

The Adventures Of The Gulaman QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon