Paybstar Jutel

124 8 2
                                    

Nagising ako dahil malamig. Nandito ako ngayon sa.... ILOG?! Nangangamoy ngamoy pa! Minulat ko ang aking mga mata at nakita si Kaloy na umiiyak. Si Lucio at Louise na magkayakap habang naiyak, si Asiong na gumagawa yata ng orasyon at hinahampas hampas ng dahon ng dalandan ang aking mga paa, si Maria at Melchora na umiiyak habang magkaakbay, si Michael na umiiyak habang kumakain ng puto ,si Juju at Camerron na naiiyak rin tapos si Jenjen na umiiyak habang umiinom ng gulaman na REINbow daw, si Meyer na may kausap sa telepono, si Brownie na umaalulong. Oo close na kami ni Brownie! Sayang nga eh! Hindi si Junjun naging close ko XD jowk charuaght!

"Jeske Lei! Huhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhu! Bakit mo ako iniwan?! Huhuhuhuhuhuhuhuhhuhuhuuhu! Leiiii! Magpapakasal pa tayo!" Ngumangawang yakap saakin ni Jekeb.

"Hoy! Huhuhuhu Jekeb makaarte ka akala mo kayo ah! Umalis ka nga jan! Agaw trip ka eh!" Hinawi ni Kaloy si Jekeb at inakap ako.

"Huhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuhu! Leiiiiiiiiiiiiiii mahal na mahal kita bakit mo kami iniwan? Masyado ka pang bata Adlaiiiiiii huhuhuhuhuhuhuhuhuuuhuhuuhuuhuhuhuhuuuhu Adlaiiiiiiiiiii wahhhhhhhhh!" Nagiiiyak si Kaloy habang yakap ako.

"Huy! Ano iniiyak mo?" Bumangon ako at nagulat sila.

"Anung nangyayare dito? Sino patay? Bat nag-iiyakan kayo?" Tumayo ako sa ilog dahil kadirdir duon sobrang ewwwwy

"Kadiri naman kayo bat pinahiga nyo ako sa ilog? Ewyness ha!" Iniwan ko silang lahat dun na pokerpeys at umuwi na para maligo. Jusko! Ang baho ko may lumot lumot pa!

But first...........

Le me take a selfie :*

Nagbihis na ako pagtapos ko maligo ng nice dress omg! Ang ganda ko! Pero kailangan yan kasi magkikita kami ni Kaloy sa 7-11 jan sa Moriones magde-date daw kame. Binebraids ko ang buhok ko ng magring ang iPhone7 ko na kakabili lang kay Maykol.

From: Kaloy<3

Baby, sorry nga pala kanina! Ready ka na? :)

Eto kinikilig ako as usual!

To: Kaloy<3

Oo na po :))

Tinuloy ko na ang pagbe-braids sa buhok ko at naglagay ng pulbos. Ayan! Edi pak na pak ang ganda ko! Bukas nga pala pasukan na ulit! Jusmiyo Im only 17! Pumunta ako ng 7-11... Sinigurado ko na walang nakasunod saakin at hinintay si Kaloy dun sa isang bangko dun..

"Sorry baby Late ako!" Nakita ko si Kaloy na naka tuxedo pa.

"Wow naman 7-11 lang date natin naka tuxedo ka pa? Sige na bibili muna ako ng mogu mogu na pink!" Ang gwapo nya kaya!

"Sino nagsabing 7-11 lang kita dadalhin? Ako na magbabayad nyang mogu mogu mo!" Binayaran nya na mogu mogu ko at inalalayan ako palabas. Naka-angkas ako sa bike nya ngayon habang pinagmamasdan sya na nakangiti.

Pinark nya yung bisekleta nya sa isang karinderya dito sa Tondoville. Paypstar Jutel? Napatingin ako kay Kaloy..

"Pasensya na baby ah! Sa ngayon eto palang ang kaya ko! Don't 'ya worry next time real 5star hotel na kita talaga dadalhin!" Niyakap ko nalang sya. Kawawa naman sya wala na nga syang pera dinadala pa ako sa ganito! Si Kaloy yung boyfriend talaga na caring at hindi nakakalimutan mag- Good morning at Good night..

"Ma'am, Sir anung table po?" Nakangiting sabi ng isang crew na naka-tuxedo pa. Buttler na buttler ampeg.

"Sa VIP Table!" -Kaloy. Dinala kami dun sa gitna na tiles pa ang bangko at lamesa. Wow! Binigyan rin kami ng tig isang menu book.

"one fried Decapterus macarellus and chanos soup for me and red iced tea! Sayo babe?" Naghanap ako sa menu. Nako! Mukhang mamahalin talaga! Hindi ko alam ang mga pagkain dito! Siguro naman lahat masasarap kaya manghuhula nalang ako..

"one Scylla olivacea on a butter and red iced tea na rin!" Ngumiti yung Waiter at inulit yung order namin.

Nag-uusap kami ni Kaloy ng may bumanggit sa pangalan namin.

"Kaloy? Adlai?" Nagulat kami ng makita namin si Camerron at Juju. Hala! O.O

"Anong ginagawa nyo dito?" Tanong ko. Pinagpapawisan na ako ng malapot pa sa sipon na tumutulo sa ilong ng author nito.

"Malamang kakain! Eh kayo? Nagde-date kayo ah! Yieee! Kayo ha!" Pangaasar pa nito. Hinila ko si Juju sa gilid at kinausap.

"Oy Juju! Wag mo sabihin na nakita nyo kami dito ah!" Pabulong ko na sabi.

"Why naman? Kayo na ba?" ..............

"Let's just say na secret on kami matagal na! 1week anniversary nga namin eh!" Napatakip na lang ng bunganga si Juju.

"Oh my god Lei! Oo pramis wala talagang makakaalam!" Nagtaas pa sya ng kamay na parang nanunumpa sa watawat. Dumating na yung order namin ni Kaloy.

"Piniritong Alimasag sa butter?" Napataas ang kilay ko.

"Yan ang inorder mo baby ah!" Sabi ni Kaloy.

"Tsk! Yung sayo galunggong na pinirito at bangus na sinigang! Tae pinaganda pa yung pangalan ganyan lang pala! Hihihihi pero ok lang! Magkasama naman tayo eh!" Ngumiti kami sa isa't isa at kumain na.......

The Adventures Of The Gulaman QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon