Live Crossfire

92 4 1
                                    

"Heto Akoooooooooo basang basa sa ulan! Walang masisilungan... walang malalapitan!...." Hay nako si aling Nena gabing gabi nagdadrama!

"Aling Nena tama na po may natutulog!!" Sigaw ni Kaloy na natutulog kasama ni Asiong sa bangko na kahoy sa tapat ng tindahan ni Aling Nena.

"Eh bakit dyan kase kayo natutulog?" Sigaw ni aling Nena.

"Patulugin nyo na lang ho kami kasi Alas dyes imedya na!" Sabi ni Asiong. Teka? Bat nga pala nakikitsismis ako dito? Makaalis na nga! Nagmamadali ako eh. Dinaanan ko sila Asiong at Kaloy na natutulog at dali daling naglakad dala ang isang Camel at Louis Buttones na bag.

"Hoy Lei!!!!!!" Nilingon ko ung sumigaw at nakita si Malupet kasama si Lucio.

"Ano? Nagmamadali ako!" Sabi ko.

"Hoy ano ba?! Si Tekla umiiyak oh! Asan daw mama nya!" Biglang sumulpot si Jenjen sa gitna ni Malupet at Lucio na karga si Tekla.

"San ka ba kasi pupunta ng dis oras ng gabi?" Tanong ni Lucio.

"Dyan lang! Haha" sabi ko.

"Mama iiwan mo na ba ko? Sorry na makulit ako! Makikinig na ako sayo wag mo na akong iwan!" Humihikbing sabi ni Tekla. Napakunot naman ang ulo ko.

"Nak di ka puwede dun eh! Babalik rin ako! Alagaan mo si papa mo ha! Sige! Alis na ako! Hindi ka makulit nak alabyo! Lab ka ni mama ha! Babalik ako saglit lang ako dun!" Tumalikod na ko pero hinawakan ni Lucio at Malupet ang  balikat ko.

"Lei hindi ka ba magpapaalam kay Kaloy?" Tanong ni Malupet.

"Are you serious? Gusto nyo World War3?" Balik kong tanong.

"Kung hindi ka na talaga mapipigilan sa pangingibang bayan mo, sige! Tandaan mo mahal ka ng mga Tondovillagers! Para naman rin yan sa future mo!" Dagdag ni Lucio. At napakunot ang noo ko.

"Sino ba nagsabing pupunta ako sa abroad?!" Tanong ko.

"Diba Lei magaabroad ka?" Tanong ni Jenjen.

"Di na nga ko tutuloy diba?! Magtatapon lang ako ng basura sa kanto jusme!" Sagot ko sa kanila.

"Magtatapon ka lang ng basura pero ganyan porma mo? Naka Camel at Louis Butones na bag ka pa?!" Sabi ni Tekla na pinupunasan ang luha.

"Oo! Bakit? Masama na ba magayos? Sige na baka dumating yung truck ng basura! Halika na nga Tekla sumama ka na!" Napa-face palm naman ung tatlo.

"Mama naman akala ko lalayas ka na! Magtatapon ka lang pala ng basura ganyan pa suot mo? Astig!" Hahahaha. Iba talaga pag maganda! Itinapon ko na ung lumang butas butas na bag ko na nginatngat ng daga at hinawakan ang kamay ni Tekla pauwi.

*Bang Bang* May pumutok na sunod sunod. Tas nagtakbuhan ang mga tao. Kinarga ko si Tekla na natatakot at tinanong ung isang babae na tumatakbo.

"Ate ano po meron?" Tanong ko.

"May nagbabarilan sa tapat ng bahay nila Aling Nena!" Sagot neto at tumakbo na. Si Kaloy at Asiong diba natutulog doon? NAKO HINDEEEEEE!!!!!! Baka nagbarilan ung dalawa pinagaagawan ang beauty ko! Oh my gosh! Tumakbo ako at may nakitang lalakeng namamaril ng daga at ipis. Si Kaloy at Asiong ay natutulog paren. Binaril nung lalake ung daga na dumaan sa paa ni Kaloy kaya naginit ang dugo ko.

"Hoy Kuya ano ba?! Sino nagbigay sayo ng permiso na iterrorize mo ang Tondoville?!" Sigaw ko habang karga si Tekla at dinuduro ang lalaki.

"Sino ka ba?! Wag kang mangealam!" Sigaw saken nito. Edi wow.

"Ako si Lei eh ikaw sino ka? Bat nanenerorize ka dito?! Ano ba problema mo?! Ayan oh si Kaloy muntikan mo ng tamaan!" Sigaw ko habang binebelatan sya ni Tekla.

"Ako si Rambo! Ibalik nyo ang dota kung ayaw nyo Magkaroon ng Live Crossfire dito sa Tondoville!" Sigaw nito habang binabaril ang ipis na dumaan sa ulo ni Kaloy.

"Ayyyy!!" Sigaw ng mga tao

"Mama baba mo ko!" Binaba ko si Tekla at nagulat ako sa susunod na ginawa nya.

"Hoy Manong Rambo bat ginagawa mong target ang tatay ko?!" Pinagsisipa nya si Rambo at nagkaroon ng fog.

"Tekla? Nak? Hoy ano ba?" Nang mawala ang fog, nakita namin si Rambo na knock out na at si Tekla na nakaupo sa sahig. Dali dali akong tumakbo kay Tekla at niyakap ito.

"Nak ayos ka lang?" Tanong ko kay Tekla.

"Oo ma! Si papa ok lang?" Tanong neto saakin. Nilapitan namen si Kaloy at Asiong na natutulog paren. Magkayakap pa nga sila eh!

"Hoy lalake bumangon ka dyan!" Pinalo ko ung paa nya at napabalikwas sya ng bangon at naitulak nya si Asiong.

"Bro ano ba?!" Sigaw ni Asiong na hinihimas ang balakang.

"Lei san ka pupunta? Ano nangyare?" Exagerated nitong tanong.

"Dun nga kayo matulog sa kanya kanya nyong bahay wag dito sa labas! Alam nyo bang kinabahan ako kanina kase akala ko patay na kayo?! Shooo! Uwe!!!!" Ako.

"Ano ba nangyare?" Asiong at Kaloy

"May Live Crossfire po kanina kase tas ginagawa kayong target!" Tinakpan ko bunganga ni Tekla at inuwi na ito sa bahay. Jusme kakasira ng beauty! Talaga nga naman oh! Praydey da tertin! Makatulog na nga!

The Adventures Of The Gulaman QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon