War With Beeya Part2

107 7 5
                                    

Heto magaling na ako. Salamat nang marame kay Ex. Si Jenjen naman exsaherada bili agad pregnancy test. Parang gago lang ako noh?! May sakit na kinikilig pa ako! Pero ngayon desidido na akong agawin si Kaloy kay Beeya.

"Hoy Lei Halika nga dito!" Hinila ni Beeya ang balikat ko at napaupo ako sa kalsada.

"Problema mo ba saken?!" Sabi ko sa kanya.

"Problema ko sayo? Napakalandi mo! Akala mo mahal ka pa rin ni Kaloy! Kung makaasta ka parang lahat ng lalake kaya mong pikutin! Sorry ka ako na ngayon mahal ni Kaloy!" Binelatan pa ako ng hayup. Kung bitch sya mas bitch ako sa kanya. Ako naman talaga mahal ni Kaloy eh! Naramdaman ko un nung nagkasakit ako.

"Wow ha! Pake mo ba sa buhay ko? Stop being insecure! Tsaka sa tingin mo mahal ka talaga ni Kaloy? Ako parin ang mahal nun! Kaya pwede ba wag mo akong ginaganyan!" Inirapan ko sya. Akmang sasampalin na nya ako pero may kamay na umawat.

"Beeya kagagaling lang ng tao sa sakit eh!" Si Kaloy! Tamang tama ang dating nya!

"Kaloy, baby, kasi sya eh inaaway nya nanaman ako!" Paawa effect ng bruha. Wow may nalalaman pang baby.. sarap lang kutusan!

"Nandito na pala ang bebe labs ko eh! Sige na Beeya tanongin nalang naten sya" Mukhang nagulat si Kaloy sa sinabe ko. Oo sana maalala nya na bebe labs ang endearment ko sa kanya noon.

"Ano bang nangyayare?" Tanong ni Kaloy.

"Kasi ano baby si Lei tinatry kang agawin sakin!" May papouty pouty lips pa to! Mukha lang syang fish!

"Ako naman kasi talaga mahal mo bebe labs diba?" Nagsmirk ako kay Kaloy habang pinagpapawisan na sya.

"Beeya alam mo naman na landian lang yung satin diba? Tapos Lei alam mo naman na--" niyakap ko nalang sya.

"Kaloy sorry na!" Naiiyak kong sabi.

"L-Lei... Sorry rin!" Niyakap nya ako ng mahigpit tas nararamdaman ko na umiiyak sya..

"Nadala lang naman ako nun sa emosyon ko eh! Lei nangangako ako na iisipin ko na lahat ng sasabihin ko maging t--"

"Oo ayos lang! Malandi naman talaga ako eh!" Naiyak na rin ako...

"Susumbong kita kay Maykol!" Sabi ni Beeya.

"Edi magsumbong ka! Di ko naman boyfriend yun palabas lang ni Malupet un eh!" Binelatan ko si Beeya at inirapan nya ako sabay naglakad papalayo. Ang sarap pala talaga sa pakiramdam na wala ka nang tinatago o ano man...

The Adventures Of The Gulaman QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon