Nawawala Akixzs

619 16 8
                                    

"What the hell? Omg! Nawawala ang dyosa? Ate alam mo ba kung nasan ako?" Tanong ko sa katabi ko pero inisnab lang ako ng loka!

"Leche ate Snobbers akala mo ang ganda ganda mo mukha ka naman kulugo! Damn you!" Geeez! Nasisira ang Beauty ko dito! Oh, God! Leche kasi itong si Manang Kiray! Pinalayas ako sa pwesto ko so eto ako ngayon naghahanap nang titirhan. Kagabi pa ako palakad lakad at naligaw ako dito sa lugar na itetch! My god makapag-re touch nga muna!

Kinuha ko ang make up kit ko at umupo sa side walk. Eto may lamang limang pares ng pambahay, isang pantalon at tatlong blouse, isang doll shoes, colgate plax with freshness of Jasmin Tea para bongga, Ponds, Skin white, Eye liner na tig kukwatro dun sa palengke, tig sasampung pisong foundation at ung elips na lipstick. Nagre-touch muna ako bago maglakad mula. Ang morena kong katawan at makapal kong kilay ang nagdadala sa kagandahan ko! Buti nga't nabiyayaan ako nang height at naka 5'4 pa ako. Kinuha ko ang iPod Touch ko at ang aking Apple na head set. Sinuot ko rin ang Rayban ko na pang ukay habang dala dala ko ang aking Gucci na bag. Ano ka ba teh, galing Divi lang to lahat! Ung iPod Touch ko naman galing tutuban haha! Ikaw meron ka ba nyan?

"Aray!" Nabigla ako nang may maliit na babaeng bumangga saakin. Ang pandak naman nya! She's so eww! Pero maganda naman pero mas maganda ako.

"Ay miss sorry!" Sabi nya.

"Ay ganun lang eh muntik mo na madumihan ang ukay ukay Tee ko!" Pagtataray ko.

"Ay OA lang? Nadumihan agad?" Pangbabara nya. Nagtarayan kami dun and Finally! She helped me! Patutuluyin nya daw ako sa kanila nung kasama nya! Pyuuu! Life saver ko sya si Jenjen..

"Halika ipapakilala kita sa mga Famous dito sa Tondoville." So nasa Tondoville daw akixzs? Una nya akong dinala sa isang tindahan kung saan may mga tambay. Yung mga kinakain nila ang sarap! Pero mas yummy yung mga tambay. Ahihihihi. Pinakilala ako sa kanila ni Jenjen.

"KALOY?"

"ADLAI?"

OMG THE FEEEELSSSSS!!! Oh, my god! Why nandito itong gwapong ito?

"Magkakilala kayo?" Tanong ni Jenjen.

"Oo Kaklase ko sya nung Grade6. Hi-"

"Hi?" bati nya saakin. Kilig tumbong ako mga veh! Hahaha

"Hi.. Hihihihi" Ang gwapo parin nya ngayon.. Yung tindera rin dun sa tindahan maganda! Pero tandaan, MAS MAGANDA AKO. Sumama ako magtinda nang balot sa aking fafa Kaloy! Omg angkas nya ko! Hindi alintana ang mabantot nyang amo'y at maalat nyang pawis na tumutulo sa mukha ko dahil gwapo naman sya. Hihihi.

"Baloooooooooooot~! mahubay kayo dyan bumili kayong balooooooooooooot~! may kasama akong Chixx bili na kayo ng balot!" Si Kaloy talaga masyadong masipag. Bata palang kami masipag na talaga yan. Naalala ko dati kaming dalawa ang tindero't tindera ng tray sa room kasi sapilitan namin pinabibili ang mga hinayufuck naming kaklase..

"So ano na balita sayo Lokresya Adlai (Tandaan nyo Adlei basa dyan) Jerbaks?" Tanong nya.

"Eto! Pinalayas ako ni Aling Kiray sa pwesto ko sa Caloocan kaya naglakad lakad ako at nakarating ako dito at tinulungan ako ni Jenjen. Ikaw?" -Ako

"Eto tindero parin ng balot! Ano tinitinda mo? Naalala mo nun pangarap nating maging tindero't tindera sa Divisoria? Hahaha. Pero ngayon ok na ako maging Balot vendor kasi ako naman ang Hari Nang Balot dito sa Tondoville!" -Sya

"Ah ganun? Gulaman! Mga iba't ibang klase ng gulaman ang tinitinda ko! Teka, May nagtitinda ba ng gulaman dito sa Tondoville?" Tanong ko habang kinikilig kilig pa.

"Hmm.. Wala naman! Ikaw! Ikaw! Pwede kang magtinda ng Gulaman dito!" Nakatitig lang ako sa gwapo nyang mukha kahit pag tinignan mo sya, malaking ilong ang makikita mo.. Pasensya na kung mapanglait at mayabang ako ha! Hahaha

"Uy! Lei! Natulala ka na yata dyan!" Bumalik ako sa diwa ko at tumingin sa malayo.

"Tulungan na kita sa pagtitinda! Hihihihi" Kinikilig kong sabi at sabay kaming dalawa sumigaw ng 'Baloooooooooot~! mahubay kayo dyan bumili kayo ng baloooooooooot~!'

~~~~~*****~~~~~*****~~~~~

hi, Hello? May nagbabasa ba? Haha! Nagandahan ba kayo? Kung napangitan kayo ok lang! Hahahahaha! K. Fly! Lilipad nalang ako!

The Adventures Of The Gulaman QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon