war with Beeya part1

113 8 8
                                    

Paano kung mahal pa ako ni Kaloy?

Tsk! Nawala nanaman ako sa concentration. Math pa naman to!

"Ms.Kowlenz!" Nagulat ako sigaw. Oo teacher ko un.

"Sir?" Tumayo ako at I bet alam nyo na ang mangyayare.Triangles pa naman ang lesson.

"Are you listening?" Tanong neto saakin at tumango nalang ako.

"Kung ganon answer this! If x is connected to u find y" huminga ako ng malalim at sinagot ito.

"Dalawa lang ang sagot dyan ser! If x is the connected to you and you want to find y in simpliest form ay mahal mo pa rin si ex mo pero nagmumove on ka na or pinalaya mo na sya, ang Long method naman ay ung alam mo na wala na talagang pagasa pero pinipilit mo pa rin talaga na may pagasa pa" tumulo na pala ang luha ko pero hindi ko napansin at ngumiti nalang ako. Napansin ko naman na nakanganga ang lahat sa paligid ko at lahat ay nakanganga.

**Kring!!!!!!!!!!!!!!!**

"Ok, class dismissed!" Saved by the bell at uuwi nad ako. Magtitinda pa ako eh!

**Otw home**

Habang naglalakad ako, umeecho ang boses ni Kaloy sa isip ko.

"Malandi ka"
"Malandi ka"
"Malandi ka"
"Malandi Ka"
"Malandi ka"

"Leii!!!!!!" Nilingon ko ang sumigaw at nakita si Malupet at Maykol?

"Uy guys! Maykol aymishu!" Niyakap ako ni Maykol. Nakamotor sila ni Malupet.

"Angkas ka na Lei tara dadalhin ka namin ni Maykol sa shaykeys!"

**sa Shakeys**

"So eto ang plano, magkukunwarian kayo na kayo para magselos si Juju tapos ayun stick to the plan sa oplan Jukol at Kalei love team. Pagnaayos ko to, isusunod ko ang Jensiong at Junmarleotere pati Shalisya (Shawn at Alisya) pati ang Carnena at ihuhuli ko na ang Melupet para ebribadi hapi tayo!" Ang brilliant talaga ni Malupet! Sya na the best sya.

"Eh pano ang Justin Mj loveteam?" Tanong ko sa kanya at sya ay natigilan sa pagsubo ng pizza.

"Kung isampal ko kaya sayo to Lei? Bata pa ang anak ko leche ka!" Tapos kumain nalang kami ni Maykol tas may setup pa na ihahatid nya ako sa Tondoville.

**Tondoville**

"Hi Maykol!" Pagpapacute ni Beeya.

"Hi rin!" Cold na bati ni Maykol.

"Buti naman bumalik ka na sa Tondoville!" Pagcling neto sa braso ni Maykol.

"Hindi hahatid ko lang sana girlfriend ko!" Ngiti naman ni Maykol.

"Nice pre! Kayo na ba ni Juju? Congrats!" Bigla namang sumulpot si Kaloy out of nowhere.

"Hindi pre kami na ni Lei mga 4Hours ago. Maiwan ko muna kayo hahatid ko pa to! Loves na loves ko to eh!" Pininch ni Maykol ang Pisnge ko tas kiniss.

"Maykol naman eh!" Yun nalang ang nasabi ko. Iniwan na namin sila at napadaan kame ni Maykol sa tindahan ni Aling Nena at wala yata si Malupet?

————

So ayun nga stick to the plan kame ni Maykol 1week na landian here, landian there, landian everywhere and still wala paring epekto. Bumalik na si Maykol sa NewYork, Cubao pero patuloy parin kameng nagtetext. Balita na nga eto sa tondoville at as you expected, malandi ang.tingin nila saakin. Bakit ko nga pala patutunayan sa kanila na mali sila kung hindi naman sila nakikinig. Mas ayos na ung sabihan na ako ay malandi na totoo naman kesa ung namiss understand nila ang ugali mo.

Ilang months na nga ba kami break ni Kaloy? Mga 18 days narin. Hindi na rin ako aasa ako sa kanya. Kung mahal nya kasi ako talaga magsosorry na sya. Pero hindi eh! Parang masaya pa sya. Nakakabadtrip nga eh! Sino ba naman ako para pigilan sya? Kailangan ko na makapagmove on ng mabilis tas may nabasa pa ako sa wattpad na naglandi sya para makalimot kay ex tas isa sa mga kalandian nya ang nakatuluyan nya. Atm, siguro un ang ginagawa ko. Si Maykol, si Zayn na sidecar driver na bumabatak pa daw ng Shabu sa Pavia tapos M.U ko si Jekeb tapos ung Niall na gwapong poreynjer pati pala ung textmate ko na si James Mcveybeh. Oh diba pak! Lima lima! Pero kahit na abnormal mga bf ko ngayon, hindi nila ako tinawag na malandi.

"Hoy si Kaloy magpapakamatay!!!!" Sigaw ni Malupet sa labas. Who care? Nagkacare ba sya sakin nung balak ko tumalon sa ilog pasig? Hindi diba?! Si Malupet ang pumigil saakin. Makatulog na nga!

Kinabukasan pagtapos ko magtinda, pumunta ako sa tindahan ni Melchora magpaload. Although may 15pesos supply load ako kay Maykol .

"Sinaktan mo ang puso ko

Sinaksak mo ng kutsilyo

Binuhusan mo ng asido

Pinukpok ng martilyo

Ngayon ako'y naghihingalo

Mauubusan na ako ng dugo" nakita ko na kumakanta si Kaloy sa videooke.

"Heres to everything I didnt say

Im not done yet falling for you fools gold

If we could only turn back time

You know I'll be, your life your voice your reason to be.

Because I cant forget my poso negro love affair.

Beatfriend your with my fucking bestfriend" patuloy pa rin sya sa pagkanta.

"Anung nangyayare.dun?" Tanong ko kay Melchora.

"Nang mawala si Lei sakin ang title nun!" Nairapan ko nalang sya.

"Pagbilan na nga lang ng Fortune Lights at Ginebra Gin"

"Nagbibisyo ka?" Gulat kong tanong.

"Minsan lang to dagdagan mo narin ng 5 hiho at dalawang chikito" Nagbayad ako at sinindihan ang sigarilyo habang umiinom.

"Oh? Ano tinitingin tingin mo dyan? Batuhin kita ng bote dyan eh!" Amba ko kay Alisya at Selina na ang sama ng tingin saakin. Umalis na sila at tinuloy ko ang paginom.

"Look who's here! Lei balita ko tinatimer mo daw si Maykol?" Biglang sulpot ni Beeya sa harapan ko.

"Oh ano ngayon sayo?" Pagtataray ko.

"Oh cmon! Malandi ka lang talaga!" Tinitigan ko lang ang mga mata nya tsaka nagsalita.

"So what? Inggit ka kaya ka nagkakaganyan kasi walang pumapatol sayo? Kaya ba nangaagaw ka ng kaloveteam ha? Kahit madami akong boyfriend atleast wala akong inagaw!"

"You slut! Wala akong inaagaw!!" Sigaw nya sakin.

"Ay talaga? Kaya pala binebrain wash mo si Malupet at Asiong, nilalandi mo si Lucio. Pati nga si mang Jeremaya nilalandi mo eh!" Sasampalin nya sana ako pero nasalo ko un at tinulak sya. Tinapon ko na rin sa kanya ung sigarilyo at gin na kalahating bote pa. Nakasalubong ko si Ex at ang lalim ng tingin nya saakin. Hindi ko sya pinansin at dumeretso na ako pauwi.

"Lei sorry!!!!!!!" May sumigae pero nung nilingon ko wala naman nang tao. Boses ba ni Kaloy un o guni guni ko lang? Tsk! Bahala na! Makauwi nalang!

———
OK GUYS MAY PART 2 pa to! Melchora ung usapan natin sa GC ha! Kapag ako talaga nabanas kay Beeya kakalbuhin ko yan XD
Basta basta basta LOL

The Adventures Of The Gulaman QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon