Naka isang araw na ako ngayon kila Jenjen at dun na anak daw ni Meyer. Mabait naman sila saakin nung kanyang kasama! I mean sobrang bait nila saakin! Hahaha. Ngayon pupunta akong Puregold at bibili ako ng Gulaman at Wilkins na mineral water. Magtitinda ako ng gulaman remember? Ayoko bumili sa Palengke kasi ewww ang mga paninda don at baka magkasakit pa ang mga beloved suki ko! Eto at sumasakay ako sa Jeep. 2 ,4 ,6 ,8 ,9..
"Oh, lima pa lima! Tatlo sa kaliwa dalawa sa kanan! O aalis na papuntang Pajo oh! Aalis na!" OMG naman tong si manong Barker seventeen people na ang makaupo dito kulang pa nang lima?
"Oh, Lima pa! Lima pa! Tatlo sa kaliwa dalawa sa kanan! Usog usog nalang ng konti mga maam mga sir..." Hindi ko na napigilan ang sarili ko at nagreklamo na ako.
"Ano ba yan Manong Barker? If I know a one jeepney can only ride sixteen to eighteen persons! Eh why nagtatawag ka pa ng pasahero? Ang sikip sikip na oh! Ganun ba talaga kayo ka-desperadong kumika? Kulang nalang magpaupo na kayo sa lapag dyusko! Makababa na nga! Maglalakad nalang ako!" Bumaba ako ng pesteng jeep na yun at naglakad nalang. Atleast dina makatipid pa ako ng 8:50! Sayang rin yun pandagdag nalang sa Vanilla Essence at dahon ng pandan! Hahaha.. Nakarating ako sa Puregold na haggard na haggard! Grabe! Pero syempre bago ako pumasok nag-selfie muna ako sa iPhone ko na Dual sim at inupload ito sa Instagram ko.
Tulak tulak ko ang push cart na may lamang mga gagamitin kong sahog sa aking mga palamig nang maalala ko na kailangan ko nga pala ng toothpaste.
"Hi ma'am! Bili na po kayo ng colgate kung gusto nyo ma-achive ang magandang ngipin!" Oh em gee! Ang gwapo nung promo diser! My god ha!
"Oh em gee! Just Oh em gee! Oh my god! Oh my god! Sige kuya kukuha ako nang colgate optic white at isang Colgate Plax with Freshness of Jasmin Tea. Eh ikaw? Pwede ko bang orderin at bayaran sa counter? Hihihi" Mahini kong sabi.
"Ma'am hindi po pupwede yun dahil magagalit po ang aming manager!" Inabutan nya ako ng colgate optic white at colgate plax with freshness of Jasmin tea.. Ang lambot ng kamay nya shet at ang bango bango nya!
"Kuya pa picture!" Sabi ko at pumayag naman sya.
"Huy Lokresya Adlai Jerbax ano ginagawa mo dito?" Nagulat ako sa sumigaw ang epic tuloy ng picture namin ni kuya Pogeeeee..
"Oh, Kaloy ano ginagawa mo ditets?" Tinignan nya si Kuyang promo diser at naki-pag apir.
"Kilala mo si kuyang Pogeeeee? Hihihihi" Kinikilig ko pang tanong.
"So hindi ako pogi? Wag kang sasama sa akin sa pagtitinda ng balot na hayup ka ah!" Eto namang labidabs ko nagselos agad!
"Uy wala akong sinabing ganyan! Nagselos ka naman agad! Sige na mauna na ako magtitinda pa ako ng gulaman tsaka ipaghahanda ko pa si Kendall at Jenjen ng puds!" Paalis na sana ako nung tawagin ako nung Gwapong Promo Diser.
"Kilala mo si Jenjen at Kendall? Taga Tondoville ka?" -Kuyang Promo diser
"Oo bago lang ako! Kaybigan ko sila sige mauna na ako! Saan nga pala ang mga tocino dito?" Tanong ko sa kanya.
"Diretso ka lang tapos liko ka sa kanan!" Umalis na ako at kumuha ng tocino. Umuwi na rin ako at nag-umpisa na gumawa ng gulaman.
~^~
"Gulaman! Gulaman kayo dyan! May papromo po kami kapag nanalo kayo sa grand draw may chance kayo maki-selfie kay Anabelle! Gulaman kayo jan!" Eto at nagtitinda ako sa labas ng bahay ni kendall at Jenjen..
"Hi Lei! Magkano sa pink gulaman?" Tanong ni Lucio. Amoy putok shet! Pero gwapo naman. Kamukha nya yung kuya Promo Diser kaso yun mabango si Lucio parang ikinulong sa banga nang isang taon.
"Dahil gwapo ka sampu nalang para sayo hihihi" Pagpapa-cute ko.
"Ay ganun? Sige na nga bibili ako sa cute na tindera!" Dahil cute daw ako, lalo akong nagpa-cute.. Dumami ang buyers ko at tambay sa labas ng bahay nila Kendall at Jenjen.
"Miss ang sarap ng gulaman mo!"
"Miss the best ito!"
"Anong magic mo miss?"
"Anu ba yan maganda na masarap pa gumawa ng gulaman!"
Yan ang mga naririnig ko. Grabe! Ako na talaga ang Gulaman Queen!
BINABASA MO ANG
The Adventures Of The Gulaman Queen
FanficMaganda ako, Gwapo si Kaloy! Bagay kami! Ang umepal hahambalusin ko ng Bra ni Aling Nena at Brip ni Mang Kanor! Tangina naman bilhin nyo na gulaman ko masarap! Basahin nyo rin to.. Mga konektado ang mga storya na ito sa isa't isa... The Adventures...