This Topic

84 4 0
                                    

So ayun nga, nagdrop out nalang ako sa school at nagtinda nalang ng gulaman. Si Tekla nga pala mabango na kaya lalo sya kumyut. Minsan dikit ako ng dikit Kaloy kase kapag magkasama kame tas kasama rin si Tekla napagkakamalan kameng magasawa.. Kilig tumbong naman ako <3

"Mama Lei nagugutom na po ako!" Sabi sakin ni Tekla habang may panis na laway pa..

"Ah ganun ba nak? Saglit lang bibili lang ako kala Melchora! Ano gusto mo? Corned beef o Meat loaf?" Tanong ko habang pinatay ang sinaing.

"Kahit ano po basta pagkain solb na ako!" Lumabas na ako ng bahay at nakasalubong si Yieeeeeeee si Kaloy <3

"Oh, bebelabs!" Bati ko sa kanya.

"Oh bebelabs ano? San ka pupunta?" Tanga ba to or what? Bahay kaya to ni Jenjen at Kendall.

"Bibili ng Corned beef na argentina at itlog kay Melchora! Bakit? Sama ka?" Sinamahan nya ako at si MALUPET AT MELCHORA NAGLALANDIAN NA?! Is it true? Is it true? Tsk! Teka nga, Its non of my business naman na eh!

"Ako nalang magpiprito para senyo magnanay!" Hinayaan ko na sya magprito nakakatamad rin naman eh!

"So ano Lei?" anong so ano?

"Mahal mo ba ako?" Tanong saakin ni Kaloy.

"Oo pero bat mo naman yan natanong?" Tinaasan ko sya ng kilay.

"Wala lang! Kelan mo ba ako sasagutin ulit?" Tanong nya saken habang ung bata nakatingin sa kanya. Siguro iniisip nya na baliw si Kaloy.

"Baliw ka! Ewan ko? Hindi ko alam!" Sagot ko.

"Anung hindi mo alam? Kasi ganito un Lei, mage-18 ka na tapos pagsinagot mo ko Pakasal na tayo!" Nahirinan ako sa sinabi nya kahit wala pa naman talaga akong nakakain.

"Jusko anong klaseng bagay yan! Lets enjoy life! Kasal kasal agad eh magaabroad pa ko!" Sagot ko sa kanya habang sya naman parang nanlumo ang mukha.

"Bebelabs listen, Wag mo isiping di kita mahal or ano… Wala naman ikaw kaagaw eh! Promise ikaw lang! Yung saken, please lang wag naten madaliin! Alam ko na birthday mo na bukas at 19 ka na pero bebelabs sagradong sakramento ang kasal tsaka masyado pa………"

"Masyado pa tayong bata? Or alam mo na hindi ko kaya ibigay ung dream wedding mo?" Nagulat ako sa tanong nya.

"Ayan ka nanaman Kaloy eh! Init nanaman ng ulo mo! Wala akong sibabing ganon! Gusto ko malaman mo na mahal kita kaso baka hindi pa ako sigurado tsaka makakaratig rin ung tamang panahon." ngumiti na sya at nagyakap kame.

"Gusto ko maging tatay ni Tekla, Lei" nakapuppy eyes sya na sarap tusukin ng tinidor..

"Yun lang pala eh! Edi push mo! Hahahaha!" Sagot ko na mejo kinikiligkilig pa

"Tekla halika dito!" Tawag ni Kaloy.

"Kuya Kaloy gutom na ako!" Sabi naman ni Tekla.

"Oo nakaluto na! Pero sa ngayon, Papa Kaloy muna tawag mo saakin! Kapag may nagtanong sabihin mo anak ka namen ha!" Binatukan ko naman si Kaloy.

"Kaen na nga tayo putcha magtitinda pa ko ng gulaman!" Inumpisahan ko na kumain at walangya tong si Kaloy dito pa nakikain -.- Akala ko aabot ng pananghalian ang pagkain pero almusal palang pala kulang na!

The Adventures Of The Gulaman QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon