Bagong Tondovillager

155 9 13
                                    

"Sen be tayow pupownta Lei melebs?" Tsk! Kung hindi ko nga lang talaga kababata itong si Jekeb nilandi ko na to! Ahihihihi... #Landeee

"Pakikilala lang kita sa mga tropa ko!" -Me

"Eh, gabi naw eh!" -Jekeb

"Basta! Eto ang first stop natin! Si Melchorang maganda!" Hinila ko sya sa tindahan ni Aling Nena at sakto tambay dun si Kaloy at si Maria Leonora Teresa.

"Hi mga friends! Melchora Hi Ho nga kulay brown dalawa tapos dalawang sparkle!" Sabi ko kay Melchora at pagharap ko kay Jekeb at Kaloy... Errrrhhhhhh... Para silang yung mga sumo wrestler kung magkatinginan.

"Aba, Aba! Oy Kaloy!" Sigaw ni Melchora at ibinigay sa akin ang sparkle at hi ho namin ni Jekeb pero nagtitinginan parin sila.

"Lei.. Sino ba tong kasama mo? Ang gwapo ha! Infairness! Hihi" Bulong ni Maria.

"Ah, Ayan? Si Jacob! Pero dahil Comeback Country sya ang pangalan nya ay Jekeb. Jekeb Puting Mga Bahagi. Ay este Jekeb Whitesides." Sabi ko. At hinila si Jekeb.

"Oy guy's! Pakikilala ko nga pala ang bagong Tondovillager na si *Insert Taylor Caniff's accent* Jekeb Whitesides. Isa syang Comeback Country na kababata ko!" -Me

"Pa-Jekeb Jekeb ka pa ang hirap banggitin eh Jacob lang naman pangalan mo!" Badtrip na sabi ni Kaloy. Binigay ko kay Jekeb yung sparkle at iniinom nya ito habang kinakain ang hi ho.

"Comeback Country nga kasi sya Kaloy! Uy samahan kita magtinda ng balot mamaya ah! Miss ko na kasi malasahan ung pawis ay este yung mga balot mo kapag inaangkas mo ako sa Wedding Rusty Bike natin! Hihihihihi" Malandi kong sabi habang kinuha kay Jekeb ang plastik ng sparkle at ininuman ito.

"Jekeb eto nga pala si Maria Leonora Teresa Dimaguiba tapos eto si Melchorang magan--"

"Mas maganda ako hoy!" -Maria

"Oh, mas maganda daw si Maria! Sayang wala si Asiong, Maykol at Lucio! Pakikilala sana kita!" -Me

"It's ok as long as we're together Im fine" Aba! Hahahaha. Hanep! Iba na talaga kapag dyosa ka!

"Magtitinda na nga ako ng Balot! Bahala na kayo!" Umalis na si Kaloy dala ang wedding rusty bike namin. Oo kapag naging kame at nagpakasal kami un ang balak ko na karwahe ang Bisikleta nya! Oh, diba?! Hahaha..

"Oy Juju! Maykol! Daan muna kayo dito pagbilhan nyo nga si Jekeb ng Lumpia bagong Tondovillager kababata ko!" -Me

"Lei, anu nga pala yung Comeback Country?" Pa-cute na tanong ni Melchora.

"English for Balikbayan! Duh?! Ano ba kayo? English yun! ENG-LISH" -Me.. At napa-ah nalang sila.

"Oh, ilan? Sinong Jekeb?" Sabi ni Maykol habang si Juju. Ayun! Naka-cling sa balikat ni Jekeb.

"Isa lang para lang kay Jekeb maghahati nalang kami! Kababata ko sya tapos Balikbayan!" -Me.

"Jekeb oh! Lumpia tikman mo masarap! Hati tayo ah!" Hinati ko at binigyan ko sa kanya.

"Ako gumawa nyan Papa Jekeb!" Sabi ni Juju. Tsk! Gwapo talaga! Ahe!

"Hmmmm.. This thing is so yummy! Lei you want more? You can have mine if you want!" Naka-ngiting abot sakin ni Jekeb pero sabi ko kainin na nya.

"Uy Lei, may binebenta nga pala akong Laptop maganda! May simcard, tv, bluetooth, memory card! Apple! 2,500 lang! Ikaw Jekeb? You want buy nakaw gadgets to me?" -Maykol

"No thanks I have an original apple iPhone5! Look!" Pinakita pa ni Jekeb ung phone nya.

"Pwede bang hulugan Maykol?" -Me

"O, sige pwede na!" Inabot ni Maykol ang laptop na apple Dali dali ko munang iniwan si Jekeb kay Juju at inuwi si new laptop sa bahay.

The Adventures Of The Gulaman QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon