Walang Tubig

231 11 2
                                    

"ABA JUNJUN LECHE KA BUMANGON KA NA DYAN TANGHALI NA! HINDI KA BA NAHIHIYA SA SARILI MO? DADADADADADADADA" Yung kaybigan naman ni Aling Nena na tita daw nung Junjun na kamukha daw ni Lucio kaso mabango yun! Yun yata yung gwapong promo diser ng colgate. Alassyete na! Kanina pa ako gising ng mga alaskwatro. Grabe naman kasi yang babae na yan ang Alarm clock ng buong Tondoville. Makapaligo na nga lungz! Pumunta ako sa tindahan ni Aling Nena at nakita ang apat na tambay. Si Lucio amoy putok nanaman hanuba?! Hahahahahaha!

"Good morning Lokresya Adlai Del Hermanotta Pharrell Keeni De Consolation El Jerbaks!" Bati ni Kaloy..

"Wow ah! Kabisado mo pa buong pangalan ko eh ako nga di ko na kabisado!" Natatawa kong sabi

"Lei magtitinda ka ba ng gulaman mamaya? Ang sarap kasi ipartner sa Bibingka at Puto!" -Maykol

"Oo nga Lei natikman ko yung gulaman mo ang sarap! Bagay na bagay sa balot ni Kaloy!" Singit ni Melchora na inilabas pa yung ulo dun sa may butas.

"Uy Melchora bibili nga pala ako ng Ponds at ng safeguard na sabon meron ka ba nun?" Bumalik naman sya sa loob at kumuha.

"Oo wait lang!" Kumuha sya at binayaran ko na. Umuwi ako at pumunta sa banyo pero walang tubig. Lahat ng gripo binuksan ko pero walang tubig.

"Oy Lei wala daw tubig ngayon sabi ng nawasa mag-igib ka nalang dun kala mang Kanor! Dyan ka nalang rin sa tapat ng bahay maligo kasi binuhusan ko ng muriatic acid ang lapag ng banyo!" Wika ni Kylie. Kumuha nalang ako ng timba at lumabas na. Pumunta ako sa Water refillinb station at nakita naman na walang tao doon. Dali dali kong inigiban ang dalawang malalaking balde.

"Pushet naman to ambigat! Nyemas kaurat! Why the hell did those Bitches cut off the water when I need it? I can't live without water you know?!" Pagaangil ko. Nakakaurat kase!

"Oy Lokresya Adlai Del Hermanotta Pharrell Keeni De Consolation El Jerbaks bat nag-iigib ka?" Sabi ni Kaloy. What the? Tinatanong pa ba yun? Kung nagpaka gentle man itong lalaki na ito at tinulungan ako!

"Can you not? You see a beautiful girl lifting heavy objects ang ask her kung bakit sya nag-iigib? Its better to help her! Duh!" Tinuloy ko na ang paglalakad ko. Nakakainis naman si Kaloy eh! Nakita na ang bigat bigat ng dala ko hindi pa ako tinulungan! Nagulat ako ng may tumulong saakin. Si Kaloy! Yieeeeeee! Ang aking Knight in shining shimmerring splending gwapong armor! Hihihihi..

"Ako na nga kawawa ka naman!" Binuhat nya hanggang tapat ng bahay namin.

"Dyan nalang at malilligo ako!" -Ako

"Hala? Sa labas ka maliligo?" -Kaloy

"Oo eh sabi ni Kendall eh! Pero don't worry sa mga manyak over there I can handle!" -Ako. Umalis na sya at magtitinda yata ng balot. Inumpisahan ko na maligo. Nung natapos ako, nakita ko yung mga tao na nakakumpol sa tapat ng bahay nila Jenjen at nakanganga. Si Maykol nga nakanganga pa habang tumutulo ang laway sa kanyang bibingka!

"Oy ano problema nyo? May sine? Magsibalik nga kayo sa mga gawain nyo!" Nagsibalikan naman sila at pumasok na ako. Nagbihis ako ng magandang damit syempre! Nabili namin to ni Lucio sa ukay kahapon! Nag-Ring ang cellphone ko at dali dali ko itong binasa..

FROM: 09999999991

Lokresya Adlai Del Hermanotta Pharrell Keeni Del Consolation El Jerbaks! Maghanda ka sa misyon mo!

Wtf? Sino naman itong gago na to? Napakunot nalang ang noo ko at pumunta na akong puregold para bumili ng panahog sa gulaman..

The Adventures Of The Gulaman QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon