Bripnatcher

197 11 14
                                    

"Melchora! Melchora! Winarla mo daw si Junjun?" Tumatakbo kong hingal sa tindahan ni Aling Nena.

"Oo gwapo kaso may attitude na pagka-judgemental!" Sagot nya sakin.

"Ay ganun? Eto nga pala isang galon ng Rainbow Gulaman! Dinalhan kita masarap yan! Teka alam mo ba bahay ni Fafa Junjun?" Tanong ko habang kinikiligkilig pa.

"Salamat sa gulaman! Hindi eh! Try to ask Jenjen or Kendall o kaya yung Bebelabs mo o kaya si Luciong may putok o kaya si Maykol na laging umuubos ng paninda mo o kaya si Asiong na mala-Kenji ang porma o kaya si babalu o kaya si kokey o kaya si Gumball o kaya si Tom and Jerry o ung mga Rabbids o kaya si Korina Sanchez o kaya si Jessica Soho o ka---"

"Tama na Melchora, Itatanong ko nalang kay Agua yung kapatid ni Bendita! Close kami nun! Hihihihihi" Umalis na ako at iniwan si Melchorang nakakamot sa kanyang magandang buhok.

Nagtanong tanong ako at sakto nakita ko si Junjun na naglalakad. Pauwi na yata at may dala dala syang aso.. Teka! Yung aso na yun ay si Goro Honda! Yung asong napulot ng pinsan ko!

"Goro! Goro! Weyt!" Sigaw ko sa napaka-gwapong si Goro Honda. Ahihihihi..

"Ey miss Junjun po ang pangalan ko!" -Si Junjun

"Alam ko! Hindi ikaw itong lovely dog na itetchiwa! Humaygadidedibels! Magaling na ang injury mo my gosh! So, sya pala ang amo mo!" Sabi ko sa aso habang nakaupo na parang tumatae. (Actually ang Author nito kasalukuyang tumatae, tbh)

"Uhh, miss.. Brownie ho ang pangalan ng aso ko hindi Goro Honda!" Inangat ko ang ulo ko at isang halam nyu na yun ang tumambad sa mukha ko. Mukhang malaki humaygawd! My gasss! Naknangteteng napalip bite nalang ako..

"Ah ganun ba? Sya kasi yung aso na napulot ng pinsan ko tapos inalagaan namin!" Nginitian ko sya at nagpasalamat naman sya sa akin.. Nagkukwento sya kung paano nawala si Brownie pero heto ako at sige sa pag-amoy ng kili kili nya. Ambango! Amo'y lavander na may lemon. Hihihi..

"O sige Lei... Mauna na kami ni Brownie nice meeting you!" Umalis na sya at ako'y nag-mala darna nanaman na sinundan sya. My gad hindi pa sinasamsam ang sampay nila gabi na! Hihihihihihihihihi. Ay alam ko na! Kukuha nalang ako ng brip nya tapos ibibigay ko sa Kaybigan ni Melchora. Maria Leonora Teresa yata name nun tapos iaadvice ko na ipakulam nila! Pero in the mean time, aamuy amuyin ko muna itets!

Dali dali akong sumungkit ng isang brip sa sampayan nila at inilagay ito sa bulsa ko. Oh my ambango! Hihihihi... Umaarangkada nanaman ang kalandian ko! Habang inaamoy ko ito habang naglalakad pauwi kala Jenjen ng magkabungguan kami ni Kaloy.

"Uy Lokresya Adlai Del Hermanotta Pharrell Keeni De Consulation El Jerbaks ano yang hawak mo?" Dali dali ko itong ipinakita sa kanya at nanlaki ang kanyang mata. Sumulpot naman si Lucio, Asiong, Maykol, Kendall at Jenjen sa likod nya.

"Brip ni Junjun sinungkit ko! Hihihihi ambango! Nag-bonux yata sya amo'y lavander at lemon!" Kinikilig ko pang sabi...

"Eh, Brip ni Kaloy/Ko yan eh!" Nanlaki ang mata ko sa sinigaw nila...

"What the? Hindi kay Junjun to! Ibibigay ko nga to kay Melchora at sa kaybigan nya tapos irerequest kong kulamin nila eh!" Pagdedepensa ko...

"Hala napagkamalan mo yatang brip ni Junjun ang nasa sampayan nila! Nakisampay ako kanina ng Brip dahil wala akong sampayan dyusko Lei... May pangalang naka burda oh! Kaloy T. Hood.. Edi akin yan!" napahiya ako sa sinabi ni Kaloy. Oh em gee! Ako na talaga ang haliparot na Gulaman Queen! Now I learned my lessons na wag na maging Bripnatcher sa sampayan ng may sampayan at mamaya ung brip pa ni Mang Kanor ang masungkit ko!

The Adventures Of The Gulaman QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon