MeWhoMusntBeNamed's Note:
Dedicate ko po kay Miss Cupid kasi MAHAL KO SIYA saka grabe, pinuno niya ng comments ang storyang to!! XD Have fun reading guys!!
***
(Sophie's POV)
"Oi! Panget? Anong problema, bakit maga yang mata mo?" tanong sakin ni Tessie habang tinitingnan ung mga mata ko.
"Ano ka ba Tessa! Wag mo ngang tawaging panget si Ell--" sabi ni Oren kay Tessie pero pinutol agad ni Tessie.
"Anong paki mo? Yun tawagan namin eh!" sabi naman ni Tessie sabay sapak kay Oren.
"AARRAAYY!" sigaw ni Oren.
"Oh ano? Uulit ka pa? Pabayaan mo na kami! Hay, sino ka ba? Nawala lang ako kahapon, feeling close ka na kay Jayne!"
(AN: Jayne is the third name of Sophie. Dami niyang name no? Trip ko lang para unique. XD)
"Hayy, kung ayaw niyong magrecess, magpatulog kayo!!" sigaw ko sa kanila sabay wink ko kay Oren habang di nakatingin si Tessie. Ayaw kasi ni Oren na may ibang makakaalam.
"Halika na nga Oren! Mag-recess na tayo. Iwanan na muna natin si Panget dito." pag-aaya ni Tessie.
Nakakainis talaga si kuya Son-Son. Pinag-antay ako until 4am at pinaiyak ako hanggang sa makatulog ako.
Tapos di man lang nagtext kung di magbubukas. Ayun tuloy, nagbakasakali akong mag-oopen pa siya.
Tanga din ata ako, bakit ako umasang may taong mag-oopen ng madaling-araw diba?
Hayy, pakiramdam ko pinaasa lang ako. Pinaasa ako ng taong naging mahalaga para sakin.
NAKAKAINIS! ! !
Bwisit! Hayy. . .
***
"Ok class, you may take your lunch." sabi nung English teacher namin.
Nakakainis naman. Akala ko kapag andyan na yung favorite subject ko, magigising na diwa ko. Hayy, di ko tuloy naintindihan yung lesson namin. Nakakainis talaga.
"Huy, panget! Wag mong sabihing di ka na naman maglulunch para makatulog. Di ka naman ata nakatulog eh." sabi ni Tessie.
"Ang totoo kasi niyan kaya ayaw ko magrecess kanina kasi wala akong pera, wala si papa kanina sa bahay kaya di din ako nakapag-almusal. Nahihiya ako sa inyo kasi dati ako nanlilibre sayo Tessie tapos magpapalibre ako bigla." pagpapaliwanag ko.
*KROOOOOGGG*
"Hahahahahahahaha!!" tawa naming tatlo.
"Halika na nga! Kumain na tayo. Nagagalit na ung tiyan mo! Libre ka na lang namin ni Tessa." sabi ni Oren.
"Hay, buti na lang may mga kaibigan akong tulad niyo."
Naglakad kami papunta sa canteen. Tapos bumili kami ng pagkain namin.
"Oren? Ano nga palang buo mong pangalan?" tanong ko kay Oren.
"Ako? Orendalle Marc Erwin G. Torres. Oren for short."
"Ah, ganun? Ang cute naman. Pasensya ka na kung ngaun ko lang tinanong, kasi as far as I know, transferee ka lang dito nung September diba?"
BINABASA MO ANG
The Way I Loved You
FanfictionFriends will not be always FRIENDS.. Sometimes.. © kemistri for the cover. ;)