(Oren's POV)
Nabitawan ko yung payong nung nakita ko siya. Magkayakap sila nung kuya niya sa gitna nang ulan tapos umiiyak si Ella. Di ko inaasahang makikita ko sila nang nasa ganung sitwasyon. Ang akala ko kasi totoong magkuya sila. Hindi pala. Kung totoong magkuya sila, hindi ko mararamdaman ang ganito.
Para bang may special silang nakikita sa isa't-isa. Siguro kaya di pa umuuwi si Ella dahil nga hinihintay niya ang kuya niya. Nagulat ako sa sumunod na nakita ko, hinalikan si Ella sa noo ng kuya niya.
Bakit ganun? Para bang may 100 pana ang napunta sa puso ko. Gusto kong umiyak. Sila na nga ba ng kuya niya? Naglilihim lang ba silang dalawa sa school para hindi na mapag-usapan? Alam ba to ni Tessa?
Ang dami kong tanong sa isip na gusto kong mabigyan ng kasagutan. Sumilong na sila nun sa waiting shed ng park. Masaya silang nagtatawanan at nag-uusap.
AYOKO NA.
SUKO NA KO.
Uuwi na ako, kawawa ung prinsesa ko sa bahay. Wala siyang kasama kundi si Chloren. Kinuha ko na ung payong ko na punung-puno ng tubig. Tinapon ko ung laman tapos naglakad na pauwi. Habang naglalakad ako pauwi, di ko maiwasang maalala lahat ng nakita ko kanina.
Ang sakit-sakit! Para akong niloko ng taong pinakamamahal ko. Aamin ko sana na pagmamahal na tong nararamdaman ko para sa kanya pero parang busted na agad.
Hayy, kailangan ko siyang kausapin bukas.
"Anak, san ka galing? Iniwan mo yung kapatid mo mag-isa. Basang-basa ka." bungad sakin ni mama.
"May binili lang po ako sa labas." sabi ko kay mama.
"Kuya prinsipe, where's my pasalubong po? Naging good girl po ako." sabi sakin ng prinsesa ko.
"My princess, sundan mo ako sa kwarto ko okay?" sabi ko kay Chloe while cupping her cheeks.
Sinundan naman ako ni Chloe sa room ko.
Pinaupo ko siya dun sa bed ko. Kinuha ko yung bag ko tapos nilabas yung mga ipit na binili ko last week. Madami-dami yun, pinag-ipunan ko kasi yun. Tuwing Tuesday kasi may present siya from me.
"Wwooww!! Thank you po kuya prinsipe ko! I love you!" sabi niya sabay yakap sakin.
"Basta para sayo, prinsesa ko. Kamusta kayo ni Chloren pag-alis ko?" tanong ko sa kanya habang hinihimas ung ulo niya.
"Ok lang po kami kuya. Ikaw po? Ano po bang pinuntahan mo?"
"Nevermind baby." sabi ko sakanya habang nakasmile.
"Yuka at Abby, baba na. Kakain na tayo." sigaw ni mama mula sa baba.
"Opo!" sigaw namin ni Chloe.
(AN: Yuka and Abby are the nicknames of Oren and Chloe. Yung 'Kuya' at 'Baby' ay pinagscramble lang para makuha ang Yuka at Abby. Alam niyo naman ako, gusto lagi unique! XD XP)
Bumaba na kami ni Chloe.
***
(Sophie's POV)
"Pa, andito na po ako!" sabi ko habang papasok ng pinto.
"Oh, andyan ka na pala. Andito ang Auntie Jamella mo. Napadalaw siya para kamustahin ka." sabi ni papa.
Pumunta ako kay auntie tapos nagmano ako.
"Hello auntie!! Kamusta po kayo?" umupo ako sa tapat ni tita.
BINABASA MO ANG
The Way I Loved You
FanfictionFriends will not be always FRIENDS.. Sometimes.. © kemistri for the cover. ;)