MeWhoMusntBeNamed's Note:
Credits po sa lahat ng ginamit ko. ^_^Sophie with Oren at the right side. ^_^ #RandomDedicationAGAIN~
(Sophie's POV)
"Rina anak, gising na. Pumasok ka na sa school."
"M-Ma. . . M-Ma?" sabi ko habang unti-unting binubuksan ang mga mata ko. Parang boses ni mama yung narinig ko. Grade 2 pa ako nung huli kong narinig yung boses ni mama. Since I was born, nag-aabroad na si mama kaya days or weeks ko lang siya kung makita.
Nung bumangon ako, si tita yung nakita ko. Nakangiti siya sakin habang hawak-hawak yung twalya ko at uniform para sa school.
"Tita, akala ko po kayo si mama. Kaboses niyo po kasi si mama." nakangiti kong sagot.
"Bumangon ka na Rina tapos maligo ka na. Hinanda ko na ang pampaligo mo. Pagkatapos mong maligo, saluhan mo ang ate Elaine mo sa baba para sa almusal niyo. Pinakiusapan ko siyang hintayin ka kaya nanonood lang siya ng tv ngayon kaya bilisan mo na para di siya magalit." tita winked at me and led me to the bathroom.
Napakabait ni tita sakin. Kung hindi ko lang siya tita, malamang mapagkamalan ko siyang mama ko. Etong mga ginagawa sakin ni tita, di pa nagawa ni mama. Kasi kapag uuwi si mama, lagi lang silang nagkukulong ni papa sa kwarto. Natutulog lang sila! Wag kayong ano!! Wala silang balak na sundan ako! XD
Nung natapos na akong mag-ayos ng sarili ko, bumaba na ako.
"Good morning ate!!" bati ko kay ate Elaine.
"Good morning ganda!" she said. Nakangiti siya pero yung mga mata niya, punung-puno ng lungkot. Magang-maga yung mga mata niya dahil sa kakaiyak.
"Umupo ka na tapos kumain na tayong tatlo." sabi ni tita.
Nung umupo ako, nilapag ni tita yung mangkok ng champorado sa tapat ko.
"Ganda, heto ang evap para dyan sa champorado mo. Damihan mo ah! Gusto mo yan eh. Ipush mo!" sabi ni ate sabay lapag ng evap sa tabi ng mangkok ko.
"Salamuch ate! Pupunuin ko to ng evap!" kinuha ko yung evap tapos nilagyan ko yung champorado ko to the point na wala nang makitang black sa mangkok ko. Pero di ko naman inubos yung evap.
"Wow, parang lawa ng gatas yang bowl mo ah!" sabi ni tita habang nakatingin sa akin.
"Grabe tong magandang batang to oh! Halos ubos na yung gatas, wala na tuloy si mama." sabi ni ate sabay pout.
"Ayy, tita sorry! Hati na lang tayo dito sa gatas ko. Sobra-sobra po kasi lagay ko ng gatas. Sorry tita!" sabi ko habang itinataas yung bowl ko para ilipat ang ibang gatas sa bowl ni tita.
"W-Wag na! Mas gusto ko kapag walang gatas, mas masarap!" sabi ni tita habang tinutulak pababa yung bowl ko.
"Ah ganun po ba? Sige po. Kakain na po ako. Salamat sa pagkain!" sabi ko tapos sinimulan ko nang kumain.
Napansin kong hindi kumakain si tita, nakatingin lang siya sakin.
Naubos ko na yung 1 bowl nung champorado ko pero di pa din kumakain si tita.
"T-Tita? Bat di po kayo kumakain?" tanong ko kay tita habang pinupunasan yung labi ko ng tissue.
"H-Ha?! Eh, gusto kasi kitang panooring kumain. O siya, pumasok ka na, malelate ka na eh. Sino maghahatid sayo?"
BINABASA MO ANG
The Way I Loved You
FanfictionFriends will not be always FRIENDS.. Sometimes.. © kemistri for the cover. ;)