Chapter Nineteen:

14 1 0
                                    


(Tessa's POV)

"Ang sakit sa puso ate! Ako ang naiiyak sa mga pinagsasabi ko sa bestfriend ko eh!" iyak ko kay ate.

Siya si ate Cherizze. Siya yung 2nd bestfriend ko. Una pa din si Panget syempre kahit inaway ko.

"Bakit mo kasi siya inaway?" tanong ni ate sakin habang pilit akong pinapatahan.

"There's a reason. At kahit sino di maiintindihan." sabi ko, tumigil na ako sa kakaiyak. Basang-basa na kasi yung damit ni ate Cherizze.

"Ano naman ung reason? Imposibleng di ko maintindihan. Maiintindihan kita."

"Pagagalitan mo lang ako ate kapag nalaman mo yung reason." sabi ko tapos tiningnan ko si ate.

"Ano ba yan! Walang makakaintindi sayo kung di mo sasabihin." sabi sakin ni ate tapos pinalo niya ako ng mahina sa braso.

"Ok. I'll tell y---"

"Hi Cherizze!" bati ng isang boses. Dahilan para mainterrupt yung sasabihin ko.

"BASTO-"

O__________________O

Napatigil ako nang humarap ako dun sa nagsalita.

"Hmmmm??" sabi niyang may himig ng pagkalito.

"S-Sorry Kuya Nathal. S-Sorry." nakayuko kong sabi.

I was about to tell him na bastos siya, pero boyfiee pala siya nitong bestfriend ko.

"Why are you apologizing? Ako nga dapat yun kasi ininterrupt ko ang pag-uusap niyo. Well, its not my fault anyway. Lagi kasing nagpapamiss tong bestfriend at ate mo eh. Di ko tuloy mapigilan ang sarili ko." nakangisi niyang sabi habang nakatingin kay ate.

"Ano ka ba! Itigil mo nga yang ngiting yan! Nakakaasar eh!" sabi ni ate pero namumula naman! Inirapan niya pa si kuya.

Pakipot pa si Bestie!

"Gusto mo talagang mahalikan ano? Diba sabi ko sayo, wag mo akong iirapan?" natatawang sabi ni Kuya.

Nahuli kong nakatingin si kuya sa mapupulang labi ni ate. Kahit naman ako matetempt na halikan siya but the thing is, they're on a public place.

"Ayoko! Ayoko muna ng kiss!" nakatingin sa mga damo na sabi ni ate. Nasa park kasi kami.

"Hug? You want?" sabi ni kuya tapos tumingin siya sakin at nagwink.

Haha, dumadamoves si Kuya ha?

"H-Ha?" napatingin si ate kay kuya.

"Hug you?" tanong ulit ni Kuya.

"No. I don't want PDAs, you know that right?" alam kong gusto din ni ate pero dahil nga nasa public sila, di pwede.

"Just one time. This time only." pagmamakaawa ni kuya.

"Ayoko nga ng PDA! Lalo pa kung nasa tapat n-" napahinto si ate at tumingin sakin ng nahihiya.

"Ano yung sinasabi mo ate?" sabi ko. Sa totoo lang, alam ko yung ibig sabihin ni ate.

"W-Wala." mahinang sabi ni ate.

"Ate? Ano ng-" napatigil ako sa sinasabi ko ng bigla akong hilahin ng kung sino.

"Ate tulong! Kuya!" sigaw ko habang nakatingin pa din sa kanila.

Pero sa halip na tulungan ako, tinawanan lang nila akong dalawa.

The Way I Loved YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon