Chapter Twenty-three:

9 0 0
                                    


(Sophie's POV)

"Layuan mo na ako. Simula ngayon, ayaw na kitang makita. Wala kang kwentang kaibigan." sabi ni Tessa at saka tumakbo paalis. Paulit-ulit na nagplay sa utak ko yung mga sinabi nya. Na para bang wala akong halaga sa kanya. Bakit? Bakit ganun-ganun na lang para sa kanilang iwanan ako?

Unti-unti akong napaupo sa lupang aking kinatatayuan. Kahit na ineexpect ko yung mga luha na papatak, hindi sila lumabas. Nakatitig lang ako sa kinatatayuan kanina ni Tessa. Hinihintay ko pa din yung mga luha para pumatak pero wala.

"Sophie.. Tara na. Hayaan mo na sya. Umuwi na tayo." umupo sa harap ko si kuya, nakahawak sa mukha ko.

"Ayoko kuya.. Hindi ko iiwanan si Tessa. Hahanapin ko sya. Baka may problema lang sya. O baka may gagawin lang sya. Baka may problema lang sya. Oo! May problema lang sya. Tara kuya. Samahan mo ako, hahanapin natin sya tapos icocomfort ko sya. Ganun naman pag magbestfriends diba? Kaya halika na kuya, samahan mo 'ko. Kung kinakailangan kong lumuhod sa harapan nya mapatawad lang ako, ok lang basta mapatawad nya lang ako. Kuya.. Please.. Samahan mo ako. Kuy--" napatigil ako nung biglaan akong niyakap ni kuya. Hindi ko alam pero naging hudyat na 'yon para umiyak na ako. Umiyak ako nang umiyak na para bang wala nang bukas.

Wala nga ba talaga akong kwenta? Kasalanan ko nga ba ang lahat ng ito?

For almost 3 years, naging bestfriend ko sya. She was more like a sister at ni minsan, hindi ko sya nasabihang 'walang kwenta'. Actually, she was the last person I expect to say that and even to leave me. Pero ano? Siya yung nauna. Siya ang nanguna.

"Tahan na Sophs. Hindi lang sya ang tao sa mundo. Madami pang iba dyang deserving. Hindi lang sya ang pwedeng maging bestfriend mo. Pinakita na nya ang totoo nyang kulay. Buti nga pinakita nya pa lang nung first 3 years nyo eh. Eh kung 20 years old na kayo? Oh edi mas masakit. Hindi ikaw ang nawalan Sophs. Hindi ikaw." mas hinigpitan pa niya ang yakap sa akin. Mas lumakas pa ang iyak ko.

***

"Okay class, that would be it for now. You may have your break." sabi nung English teacher namin. Agaran ko namang tinungo ang canteen. Alam kong nandun na si kuya. He would be my tutor for finals. Yeah. Magfafinals na kami which also means malapit na ang bakasyon. Haaaaay. Buti na lang bakasyon na. Hoooraaaaaahhhh! *O*

"Ang tagal mo naman Soph!" nakasquint na sabi ni kuya habang palapit ako sa kanya. Pag-uusapan kasi namin kung kelan at saan pwedeng magstay.

"Sorry na kuyaaaang. Nag-overtime ung teacher namin eh." umupo ako sa seat opposite sa kanya.

"No. That's still fine. Saan tayo mamaya? Library? Park? M--"

"Sa amin."

Napatulala si kuya sa akin na para bang may sinabi akong mali. Nginitian ko sya bilang sagot.

"No way. Hindi pwede Sophia." nag-iwas sya ng tingin.

"Hihintayin kita mamaya sa bahay kuya. Around 5:30 pm. I'm expecting a Joshua Jefferson to come." I wink at him. Yes. This is his weakness.

"S-Sophia! Papatayin tayo ng tatay mo. Ayaw nya sakin. Alam mo yan."

"The hell I care. I'm only studying for my future. Para maging proud sila sakin. Para maisip nila for once na may kwenta din pala ako. Masama ba yun?" and there it goes. Tears came pooling through my eyes. I just can't stop it.

Tinignan ko ang ekspresyon ni kuya. He was looking at me like I'm a great dismay.

"Sinabi ko na sa'yo. Kalimutan mo na yang pinagsasabi ni Tessa."

The Way I Loved YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon