(Oren's POV)
"E-Eto nga pala yung sandwich mo at juice." sabi ko habang inaabot kay Ella yung mga pagkain na binili ko.
Andito kami sa 7 Eleven ng university. Sosyal tong university na to eh, may 7 Eleven sa loob.
Umiiyak pa din si Ella. She's crying to the point na maubusan na siya ng tubig sa katawan.
"S-S-Sala...*hik*..mat..." sabi niya.
Umupo ako dun sa vacant chair sa tapat niya. Tinignan ko siyang mabuti. Ganun ba kasama yung inamin ko sa kanya kaya siya umiiyak ng ganyan? Problema ba ang pag-ibig ko para sa kanya?
"E-Ella, madami ka bang problema? At isa na ba ako dun?" tanong ko sa kanya.
"Sorry, mali ang pagkaintindi ko sa sitwasyon. Kelan man, di naging problema ang pagmamahal." maayos na siya. Di na siya umiiyak and I'm really glad to hear her beautiful voice.
"Why are you crying? May problema ka ba?" sabi ko sabay higop sa shake ko.
"Alam mo Oren, di lumilipas ang isang araw nang hindi ako umiiyak. Araw-araw ang bigat ng pakiramdam ko, di ko alam kung bakit." ngumiti siya sa akin. Alam kong ngiti yun pero alam ko ding peke ang isang yun.
"Akala ko talaga lagi kang masaya. Walang problema. Hindi pala. Alam mo Ella, crying is our way to ease the pain we are experiencing pero kung araw-araw na lang na ginawa ng Diyos na umiiyak ka, magmumukha kang mahina." I said while cupping her cheeks.
"M-Magmumukang m-mahina? B-Bakit n-naman??" tanong niya habang nakatingin sa mga mata ko.
"Kasi iisipin ng mga tao na mahina ka para harapin ang isang problema. Kaya Ella, promise me na di ka na uli iiyak okay?" hinawi ko yung buhok niya na nakaharang sa mga magaganda niyang mata.
"Promise! Di na ako ulit iiyak. Salamat for this day Oren." she smiled and this time, hindi fake.
"Wait, before I forget! Pwede bang manligaw?" tanong ko sa kanya while holding her hands.
"Itanong mo yan kay kuya Son-Son at kay papa!! Saka pala sa ate Elaine ko at sa tita Jamella ko!" sabi niya tapos bigla siyang tumawa. Inalis din niya yung kamay niya sa pagkakahawak ko para takpan yung bibig niya.
"Hayy, simulan muna natin sa kuya mo okay? Hatid na kita sa bahay niyo." pag-aaya ko tapos tumayo na ako.
"You really want to ask my kuya if he will allow you to ligaw-ligaw me?" nakatawa niyang tanong.
Nakakatawa yung 'ligaw-ligaw' kaya di ko naiwasang tumawa.
"Hahahaha! What a word!! Hahaha!" sabi ko habang pinapalo yung table namin.
"So? What's your answer?" tanong niya habang nakataas yung isang kilay.
"Oh! Of course!!" sagot ko. Nagbibiro ba siya?
"Ok, let's go!" sabi niya tapos hinila niya ako palabas ng 7 Eleven.
Nung lumabas kami, sakto namang nakita namin yung kuya niya na nakayukod at parang nag-iisip ng malalim.
"Speaking of the devil..." sabi ni Ella sa lakas na naririnig ng kuya niya.
"H-Hoy!! Sinong devil?" sabi ng kuya niya tapos lumapit siya samin. Ginulo niya yung buhok ni Ella.
"K-Kuya? May sasabihin daw si Oren sayo." sabi ni Ella tapos bigla siyang tumingin sakin.
"Oh? Oren, anong sasabihin mo? Before mo yun sagutin, asan na ang salamin mo?" tanong ng kuya niya.
"P-Po? Opo, ahhmm, nakacontact lens po ako." sabi ko.
"Wow, kuya. Oo nga, ngayon ko lang napansin. Busy kasi ako sa kakaiyak eh. Pero ang gwapo mo ah!!" that statement from Ella made me blush.
"Hahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahaha!" tawa nung kuya niya.
"What so funny kuya?" tanong ni Ella habang nakapamewang.
"Look at. . . .hahaha. . ." sabi ng kuya niya sabay turo sakin.
"H-Ha??" tanong naman ni Ella tapos tumingin sakin.
"What so funny about him? Ilang beses ko na siyang nakitang nagblush eh." Ella said while looking at me.
Napatigil naman sa tawa yung kuya niya.
"Ngayon lang ako nakakita ng lalaking nagbublush." nakangiting sabi nung kuya niya. Nagpipigil ng tawa.
"Hayy, kuya! Oh Oren, sabihin mo na yung gusto mong sabihin."
"Ahhmm, kuya po ni Ell--"
"Just call me kuya Jeff, red chili pepper!" sabi ni kuya Jeff sabay tawa.
Red chili pepper? Seriously? Ganun ba kapula yung mukha ko?
Kainis naman kasi, sa lahat ng pwedeng mangyari yun pa! Why oh why DESTINY? I curse you!! >.< -____________-
"G-Gusto ko po sanang liga...ligawan si Ella." sabi ko tapos napayukod ako.
Napatigil naman si kuya Jeff sa pagtawa.
***
(Jefferson's POV)
"G-Gusto ko po sanang liga...ligawan si Ella." sabi ni Oren tapos yumukod siya.
Napatigil naman ako sa pagtawa.
Is he deadly SERIOUS??
2nd year high palang sila eh. Liligawan na niya agad si Sophs? Pero bakit sakin niya itinatanong? Hindi naman ako yung tatay ni Sophs.
"W-Why are you asking me?" tanong ko kay Oren.
"S-Sabi kasi ni Ella, u-unahin daw po kitang t-tanungin." he said nervously.
"H-Hala! Ikaw kaya nagsabing uunahin mo si Kuya! Ayos din ah!" pagrereklamo ni Sophs.
"Anyway, di ko naman tinanong kung sino ang nagsabi o anuman. Ang tanong ko ay, bakit ako ang tinatanong niyo? Diba dapat yung tatay ni Sophs? O kaya yung mama niya." sabi ko naman habang inaayos yung buhok ko.
Nakita ko si Sophie na nakangiti sakin. Ngumiti lang din ako sa kanya.
"Alam mo Oren, kuya's right. Isa pa, wala pa sa isip ko ang magpaligaw. Masyado pa tayong bata. 2nd year pa lang tayo eh. Malay mo, crush lang pala yang nararamdaman mo." sabi ni Sophs sabay pat sa likod ni Oren.
"Oh, bali uuwi na kami ni Sophs ha? Umuwi ka na din Oren."
"Hala, oo nga po pala! Magsi-six na! Uuwi na po ako! Bye kuya Jeff at Ella!" sabi niya tapos umalis na siya.
Umalis na din kami ni Sophs.
***MeWhoMusntBeNamed's Note:
Hello po sa inyong lahat! Sorry po sa matagal na UD. ^_^ Medyo busy po kasi ako. Ay, di pala medyo, BUSY NA BUSY TALAGA. Eniwey.. Maraming salamat po sa support. Gaizz, comment naman po kayo ng feedback. (Demanding?) Para po malaman ko po ang mga dapat pang iimprove.
@kemistri: Hello po! Salamat po sa cover nitong puchu puchung story ko. Haha. ^^V Byeee~
BINABASA MO ANG
The Way I Loved You
FanfictionFriends will not be always FRIENDS.. Sometimes.. © kemistri for the cover. ;)