Chapter Twenty:

10 1 0
                                    

(Sophie's POV)

"Halika, upo tayo sa bench." sabi niya tapos hinila niya ako papunta dun sa sinasabi niya.

"Tss.. Wag ka ngang hila ng hila! Patayin kita eh!" sabi ko pagkaupo sa bench tapos tinanggal ko yung kamay niya sa braso ko.

"What do you want to do?"

"WALA!" sigaw ko.

*KROOOGGG*

Bwiset yan! Wag ka maingay ok?

"You must be hungry."

"NO! Dont buy me anything!" matigas kong sabi sa kanya.

"Haha, what are you saying? I'm just informing you."

-.- Okay, pahiya mode.

Nakakainis naman. Gutom na ako, gusto ko na umuwi.

"H-Hey! Ceasar? You're here? With your . . ?"

Napatingin ako dun sa nagsalita. Tumingin din siya sakin. Parang kilala ko siya pero di ko maalala.

"Who is she? Wag mo--"

"WE DONT HAVE ANY RELATIONSHIP SO, IF YOU'RE SAYING ANYTHING, BETTER MAKE IT FAST. PARA MAUWI NA NIYA AKO, DAHIL GUTOM NA AKO!" inunahan ko na talaga siya. Ayaw kong mabansagang girlfriend ng isang to, lalo't ayoko at di ko siya matatanggap kahit kelan!

"Sorry Yoshen, we need to go. Gutom na tong baby ko eh."

WHUUTTDUUH?

"Get off me!" sabi ko tapos tumakbo ako ng mabilis.

"W-Wait! E-Ella, wait!" sigaw niyang sinusundan pa din ako.

Ang saya-saya ng lugar na ito pero bakit di ko mapigilang mapaiyak? Mga paboritong kulay ko pa naman ang nandito. Blue, pink at violet pero bakit di nila ako magawang mapangiti?

Dahil sa kakaiyak ko, di ko namalayang bumagal ang pagtakbo ko at bumangga ako sa isang lalaki.

Pero ang ipinagtataka ko ay bakit imbis na hayaan akong mapaupo sa lupa eh bakit niyakap niya ako?

Kilala niya ba ako? Alam ba niyang napapagod na ako at nasasaktan? Alam din ba niyang napakadami kong problema na kinahaharap? Nabasa niya ba sa isip ko na kailangan ko ng comforter ngayon?

Kung naiisip man niya yun, nagpapasalamat ako dahil kailangan ko talaga siya ngayon. Dahil pakiramdam ko, nabubuhay ako ng walang pakialam ang mundo.

"Sophs, stop crying. I'm here for you." those words from him makes me cry more.

"Sshhh. . ." pagpapatahan niya pa sakin.

"I  wanna go home." sabi ko.

"Okay, I'll take you home." sabi niya tapos bigla siyang umalis sa kinatatayuan namin pero ako nakayakap pa din sa kanya.

"You cant take her home!" sabi ni Ceasar tapos hinawakan niya ako sa braso.

"She's tired Ceasar, at baka gutom na din siya." pagpapaliwanag ni Kuya.

"But. . may date kami. You cant jus--"

"Kilala kita, hihilahin mo lang ang mga babaeng gusto mong makadate. At hindi siya ganung babae. At kung iniisip mo na pumapayag siya, hindi siya ganun dahil disente siyang babae. So for short, walang date na mangyayari."

"Pumayag siya! Wag ka ngang epal dahil di mo din siya kilala. Di mo alam kung kelan ka niya kailangan. Kanina, tinatawagan ka niya diba? Pero bakit ang tagal mo bago sumagot?"

"Wala kang karapatang sabihin sakin yan dahil in the first place, sa chat lang kayo nagkakilala. Bakit siya sumama sayo? For sure, either binlack-mail mo siya or pinilit mo lang." ramdam ko ang galit sa boses ni kuya and it makes me feel fear.

"Kuya let's go. Gutom na ako." pag-aaya ko para matigil na yung pag-aaway nila dahil sakin.

Naglakad na kami paalis ni kuya. Di ko na tinignan si Ceasar dahil ayoko nang may masabi pa akong masama.

"Magkikita pa tayo. Joshua Jefferson, my bestfriend!" may himig na paghamon ang sinabi ni Ceasar.

Pero ang pinaka-nakakagulat sa sinabi niya ay yung magbestfriend sila. Kasi kung magbestfriend nga sila, bakit ganun-ganun na lang sila kung magpalitan ng mga salita?

Meron pa nga akong mga hindi alam kay kuya.

(Jefferson's POV)

Makapaglakad nga muna dito sa malapit na kiddie's park malapit sa church nila Sophs. Baka sakaling makita ko siya.

Haayy, ano ba kasing kalokohan ang pumasok sa utak nitong si Ceasar?

Ngayon na lang ulit ako nakapunta dito sa park na ito. Ang mga bulaklak ay nagbubloom pa din kahit matindi ang sikat ng araw. May mga pamilya pa ding dito piniling magbonding kasama ang anak nila.

Napahinto ako sa paglalakad, may sumakit sa bandang kaliwa ng dibdib ko.

Bakit kailangang ipakita sakin to ng tadhana? Ha? May ginawa ba akong mali para maramdaman ko ang sakit na ito?

Nakakainis!

Napaatras ako. Ayoko. Tama na yung naramdaman ko kanina. Di naman ako pain absorber eh. Uuwi na lang ako at magpapahinga.

'Ano bang masama kung papasok ka dyan? You have to conquer this. You're strong enough to handle this.'

Parang binulungan ako ng konsensya ko. Di ko alam pero bigla na lang akong napahakbang paharap.

'Wait!' napatigil ako ng paglalakad ng may biglang pumigil sa loob ko.

ANO BA TALAGA? HAHAKBANG O HINDI? SH!T.

"Nagmumukha kang tanga dyan. Andun sa malapit sa bench yung hinahanap mo." napalingon ako dun sa nagsalita.

O_______O

"A-Ate?"

"Anong gusto mo? Hilahin pa kita dun? Nganga pa sige! Ipush mo!" bigla niya akong tinulak. At muntikan na akong ma-out of balance.

"OH SH--"

"Subukan mong magmura! Dudugo yang labi mo!" sabi niya tapos tinulak niya ako ulit pero di na gaanong malakas.

"--EMAY." pagpapatuloy ko.

"Dun ka na dali. Masama tingin nung Crush mo dun sa bestfriend mo."

"Ganu--ANONG CRUSH?" biglang umalis si ate at tumakbo.

-____________-

Kainis talaga yang ate kong yan. Kahit kelan.

Naglakad na ako papunta dun sa bench na sinasabi ni ate.

"Get off me!" malayo pa lang ako eh rinig ko na yung sigaw ni Sophs.

"W-Wait! E-Ella, wait!" b-boses ni Ceasar.

Ilang saglit pa, may kung anong tumama sa dibdib ko, masakit.

Yumuko ako para makita siya. S-Si Sophie. Niyakap ko agad siya kasi feeling ko anytime, mahuhulog na siya at tutumba sa lupa.

"Sophs, stop crying. I'm here for you." sabi ko while patting her head.

"Shhh. . ." pagpapatahan ko pa sa kanya.

Lumapit samin si Ceasar and he glared at me.

WHAT NOW? Ako pa may kasalanan? How nice to see Ceasar here! Oo, nung unang araw niya dito, napakasaya ko dahil nga makikita ko na tong bestfriend ko. Pero ano? May nalaman akong nakakagalit talaga. He better shut his mouth up, or else.

***

The Way I Loved YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon