(Jefferson's POV)
"Ate, pwede bang magpahinga muna tayo? Naoverdose na yung utak ko sa kakasolve ng problems na yan eh!" sabi ko kay ate sabay ubob ng ulo sa mga papel na nakakalat sa lamesa.
"Hay nako Joshua Jefferson, kahit kelan talaga! O sige, 15 minutes break."
"15 minutes lang para dun sa 3 oras na pinerwisyo mo yung utak ko ate?" napaangat ako ng ulo.
"Pinerwisyo? Gusto mo ng sapak? Tinuruan ka na nga para sa semifinals niyo tapos perwisyo pa? Aba, matinde." sabi ni ate sabay kotong sa ulo ko.
"Bakit kasi kailangan pa ng semifinals na yan?! Hay, dapat may basket--"
"Dyan! Dyan ka magaling eh, magbasketball! Bakit mo sinisisi yang semis ha? Yan nga paraan para malaman kung may natutunan ka o wala. Pasalamat na lang ako kay Sophia at nabago ka niya." sabi ni ate tapos tumayo na siya.
Oo nga naman. Di naman ako dating ganito eh. Muntikan na akong umulit ng 2nd year kung di dumating si Sophs sa buhay ko. She changed almost everything in me.
I've tried cigars, liquor and even drugs. Napakamiserable ng buhay ko kasi kulang ako sa pagmamahal mula sa mga magulang ko. Since I was born, tito't tita ko na ang nag-alaga sakin. Naiinggit nga ako kay ate eh, nakita niya mga magulang namin.
While I'm growing up, pinaniwala nila akong nasa ibang bansa lang si mama pero ang totoo, she died while giving birth to me.
Nung nalaman ko yun, nagrebelde ako. Pakiramdam ko kasi niloko ako ng almost 13 years. Kahit kayo din naman siguro eh magagalit din kayo. Paniwalain kayong buhay pa ang mama niyo. Umaasang babalik siya balang-araw at mayayakap mo siya. Masakit yun. Pictures lang niya ang tinitignan ko.
Sa sobrang kadramahan ko, di ko na napansing bumalik na si ate sa table namin.
"Oh Jeff? Bakit ka umiiyak? Masakit na ba ulo mo?"
"H-Huh?" sabi ko tapos humarap ako kay ate.
"Tignan mo ang papers dyan sa baba mo, basa. Tapos pulang-pula yang ilong mo. Umiiyak ka. Bakit?"
Tumingin ako dun sa mga papel na nasa table. Oo, basa nga.
"Naalala ko lang si mama ate. Iniisip ko kung pano kaya siya yumakap, humalik at magmahal. Kasi lahat yun, di ko naranasan." nagsimula na namang tumulo yung mga luha ko.
"Halika, lalabas tayo. Pupunta tayo sa garden ni mama." sabi ni ate tapos hinila niya ako palabas ng kwarto ko.
G-Garden ni mama?
Pumunta kami sa likod ng bahay. At nakita ko yung mga magagandang halaman. Yung mga extraordinary para sa mata ko.
"G-Garden to ni mama?" tanong ko kay ate.
"Halika, umupo muna tayo dun sa bench sa dulo nitong garden. Ikukwento ko sayo lahat ng alam ko at lahat ng gusto mong malaman." hinila na naman ako ni ate papunta dun sa bench na sinasabi niya. Pagkatapos, umupo na kami.
"Ate? Bakit ngayon mo lang sinabi sakin to?"
"Sabi kasi ni tita, wag ko daw ipakita sayo to kasi baka daw lagi kang pumunta dito at baka tuwing galit ka, sirain mo ang mga tinanim ni mama."
"Bakit ko naman gagawin yun? Eh nagbago na nga ako?"
"Naalala mo yung sinira mo yung pananim sa school dahil gutom ka at hindi ka pinapansin ni Sophia? Nabago ka na niya dun ah pero ginawa mo pa din yun."
Hayy, nakakainis kasi talaga nun. Gutom ka na nga, may galit pa sayo. Kamusta naman yun?
"Ate, enough with that. Di ko gagawin yun sa kaisa-isang alaala ni mama. Never!"
"Haha, di ka naman galit niyan?"
"Ate, pwede mo nang ikwento si mama."
"Okay, si mama ay mabait at mapagmahal. She's the best mom in this world. Yung mga yakap niya at halik ay priceless. Kahit 4 years old pa lang ako nun, alam kong mahal na mahal niya ako. Pero alam mo, nagalit ako sayo nung 5 years old na ako kasi kung di dahil sayo buhay pa sana si mama. Pero di nagtagal, nawala din yun dahil sa kacutan mo. Ang cute-cute mo kasi nun eh."
"Ibig sabihin kung hindi ako cute, galit ka pa din sakin hanggang ngayon?" nakatingin kong tanong sa kanya.
"H-Ha?? Hindi ka naman panget kaya di ako magagalit sayo!" natatawang sagot niya.
"Ate naman eh! Edi kung di nga ako cute, galit ka pa din sakin until now?"
"Hindi ka naman panget eh!!"
"Sagutin mo ako ng maayos ate!" singhal ko sa kanya.
Bwisit kasi, ayaw ako sagutin ng maayos!
Feeling ko tuloy di ako cute! Kainis."Sinasagot naman kita ng maayos ah? Ikaw nga paulit-ulit eh!"
"ENOUGH! If you dont wanna answer me properly, I'll better go ate. Salamat sa time mo. Hmmpp!!" tumayo na ako at ready na umalis.
"Hahahahaha!! Si bunchot napipikon na!!" pang-aasar pa niya.
"ATE! Wag mo na nga ako ulit tatawagin ng ganyan! Kainis naman eh! Imbes na nakatulong ka ate, nakadagdag sakit ng ulo ka pa!" halos pasigaw na ako sa kanya pero tumawa lang siya sabay sabing,
"Talaga?"
Di ko na lang sinagot. Masamang makipag-away sa taong wala sa katinuan ang isip. Tsk.
Hay..nasapian na itong kapatid kong dyosa. Walang aangal! Dyosa yan! Inaakyat nga yan ng ligaw eh! Hay..ako yung trip niya!
About dun sa nickname na binanggit niya, sabi niya si mama daw ung nagpangalan sakin nun. Sinabi daw ni mama kay tita kasi gusto daw niya mataba ako. Dinagdagan na lang kasi naging kulot ako. Gusto ko naman siya kasi galing kay mama pero naiinis ako kapag ipinangangasar ni ate. Bunchot = Bunsoy + Tabachoy + Kulot. Dati kasi mataba ako at kulot.
Okay, enough with that. Matutulog na muna ako. Sakit ng ulo ko eh, kakasolve dun sa problems kanina and at the same time, si ate.
=.="***
BINABASA MO ANG
The Way I Loved You
FanfictionFriends will not be always FRIENDS.. Sometimes.. © kemistri for the cover. ;)