Chapter Twenty-five:

12 0 0
                                    


(Sophia's POV)

"Asan na ba 'yun?" tanong ko sa sarili ko habang hinahanap yung sweater ko. Ang lamig kasi tas biglang umulan. Yung kumot ko di kaya yung lamig. Saka alas-kwatro na kailangan ko nang mag-ayos.

Wala akong kasama dito. Yeah, nagsinungaling lang ako kay kuya. To be honest, di naman kami pinayagan ni kuya dito sa bahay. Hindi ako nagpaalam. Ayokong malaman nila na pinatulog ko si kuya dito. Papalayuin ako ni papa kay kuya at ayokong mangyari 'yun.

"Letsugas naman!" sigaw ko out of frustration. Nawalan pa ng ilaw! Anaknamantalagangtokwaoo! -_______-

"Ano bang hinahanap mo?"

I shivered.. Napatigil ako sa paghahalungkat. Pagtingin ko sa bintana, may kung sino akong nakitang nakatayo. Nakasandal sa window sill.

"S-Sino ka?" taranta kong sabi at umupo sa edge ng kama ko.

Sht. Iniwan ko bang bukas yun? Alam ko hindi.. Tsk!

"Ibigay mo sakin cellphone mo." sabi nito at lumapit sakin. Napaurong naman ako.

"S-Sino ka? B-Bakit ka andito?" tanong ko sa kanya habang kinucurse ang sarili ko. Wala akong kasingtanga.

Umurong ako ng umurong hanggang sa pader na ang sinasandalan ko.

"Nasaan?" malamig na boses ang dumapo sa tenga ko. Ilang saglit pa ay hinawakan nya ang leeg ko.

"W-W-Wala.. a-ako n-n-nun.." nginig na nginig kong sabi.

"Imposibleng wala." sabi nito at saka hinigpitan ang hawak sa leeg ko na halos ikapitlag ng buo kong katawan. Hindi na ako nakakahinga ng maayos.

"W-Wala ng-nga-a.. B-Bitawan mo k-k-ko." halos bulong ko na lang na sambit sa kanya. Ang sakit ng hawak nya.

"Ibigay mo na kung ayaw mong masaktan." sabi niya.

Nanlaki bigla ang mga mata ko nang mas higpitan pa nya ang hawak nya. Nararamdaman ko na ang pagtaas ng heartbeat ko at ang pagpitik ng mga ugat ko. Halos maiyak na ako sa sakit.

"Bakit hindi mo na lang kasi ibigay?" tanong nya habang nagngingitngit ang mga ngipin.

Bakit nga ba? Bakit hindi ko na lang ibigay ang gusto nya?

But in that moment, wala na akong naisip kundi piliting huminga at mabuhay. Wala akong ibibigay sa kanya dahil kung ibibigay ko man 'yung hinihingi nya, parang ibinigay ko na din ang lahat ng meron ako.

Si Kuya ang bumili ng cellphone 'kong 'yon. Pinaghirapan nya 'yon. At ayokong kunin lang yun ng taong ito.

Ilang saglit pa ay tinanggal na nya ang kamay nya sa leeg ko. Kinuha ko ang tyansyang 'yon para kumuha ng hangin. Hingal na hingal kong pinuno ng hangin ang mga baga ko.

"Ang tigas mo din, ano? Kung ganoon, wala na akong magagawa kundi daanin ito sa rahas." sabi nya at lumapit ulit sakin. May itinutok syang malamig na bagay sa leeg ko. Ipinatong nya 'yong bagay na 'yon sa ngalangala ko. Bahagya nyang itinaas ang baba ko. At alam kong sa munting galaw na gagawin ko ay aagos ang dugo mula sa leeg ko.

"Ngayon, tatanungin ulit kita. Nasaan ang cellphone mo?" sabi nito at diniin pa lalo ang kutsilyo sa ngala-ngala ko.

Wala na akong ibang nagawa kundi umiyak. Hinayaan kong umagos ang mga luha sa mga mata ko.

Bakit ba kasi di ko na lang pinatulog si kuya dito? Edi sana hindi nangyari 'to. Nakakainis. Ang tanga ko.

"Ano? Iiyak ka na lang dyan habang isa-isa kong tatanggalin ang lahat ng laman nito?" sabi nya at saka kaunting ibinaon ang kutsilyo sa ngala-ngala ko. Naramdaman ko ang pagtulo ng dugo ko mula sa parteng iyon.

Ilang saglit pa, hinawakan nya ang kaliwang pulso ko. Nabigla ako kaya mas lalong bumaon ang kutsilyo nya. Napaiyak ako. Hindi ko mapigilan ang pag-iyak.

Naramdaman ko ding hinayaan nyang bumaba ang kutsilyo sa ngala-ngala ko. Mas lumaki ang sugat at alam kong mas madami din ang dugong aagos mula dito.

"Saka ko na lang hahanapin ang lahat ng pwede kong kuhanin pag tapos na ako sayo." inalis nya ang kutsilyo sa akin at saka itinaas ang baba ko. Mas sumakit ang sugat na syang nagdahilan upang sumigaw ako.

"Ano? Masakit ba? Kung ibinigay mo na lang sana ang hinahanap ko, hindi mo mararamdaman 'to."

Napaiktad ako nang hawakan nya ang hita ko. Hinaplos nya ito ng paulit-ulit at wala akong ibang nagawa kundi umiyak.

"Pati ba 'to masakit?" lumapit sya sakin at saka sya bumulong.

Umiling ako pero umiiyak pa din ako. Paano na 'to? Mabubuhay pa ba ako bukas? Pano na?

"AHHHHHH!"

PANCITSHEEET. Hiniwa lang naman nya ung pulso ko. Bigla akong nanghina dahil sa ginawa nya. Why is it so hard to die?

"Oh. I'm sorry if that hurt so much." ramdam ko ang pagtatago nya ng tawa sa sinabi nya. This is torture.

"T-Tama n-n-na." bulong ko at hinawakan ang kamay nyang humahaplos sa hita ko. Hinawakan ko ito ng mariin. Nang sobrang higpit na halos ibigay ko na dito ang nalalabing lakas ko.

"Bakit?" nakangisi nyang tanong. Tanging ang bibig nya lamang ang natatamaan ng liwanag ng buwan.

Hinawakan nya ang kanang kamay kong nakahawak sa kamay nya. Napapigil ako ng hininga nang bigla nyang sugatan ang kanang pulso ko.

"Bleed." bulong nya sa tenga ko. Napapikit ako. Pakiramdam ko konti na lang, bibigay na ang katawan ko.

"T-T-Ta..m-ma n-n..a.." I whispered. Hindi ko alam kung papakinggan ba nya ako pero wala nang ibang paraan.

He chuckled. Ang kamay nyang humahaplos sa hita ko ay napalitan ng malamig na bagay. At alam kong 'yung kutsilyo nya ang pumalit dun.

"Very well. Ayoko nang makipaglaro sayo. I'm done with you." lumayo sya sakin at inangat ang kutsilyong 'yon.

Wala na akong ibang naramdaman kundi ang pag-agos ng dugo mula sa dibdib ko at sa iba't-ibang parte ng katawan ko.

Unti-unting bumigat ang talukap ng mga mata ko. Unti-unti ko ding naramdaman ang malamig na semento.

"Farewell."

***

The Way I Loved YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon