Chapter Twenty-seven:

22 0 0
                                    

(Jefferson's POV)

("Asan ka na ba? Kanina pa kita hinahanap ah!") sigaw ni tita sa phone kaya napilitan akong ilayo ito sa tenga ko.

"Pauwi na po ako. Saglit lang po.."

("Aba! Papatayin mo ba kami sa pag-aalala dito?! Alas-otso na ng gabi nasa kalsada ka pa din? A--")

"Nasa ospital po ako." halos bulong na lang na sabi ko.

("H-Ha? Anong ospital? Anong nangyari sayo?!")

"Si Sophia po."

("Anong nangyari sa kanya? Saang ospital yan? Pupunta ako.")

"Sa bahay ko na lang po ikekwento tita. Wag na po, pauwi na po ako." sabi ko at in-end na yung tawag. Kailangan ko nang umuwi dahil kung hindi, papatayin ako ni tito.

"Jo, uwi ka na? Tara, sabay na tayo." sabi ni Keetha sa akin nung makasalubong ko sya. May dala syang pagkain. At nang nakita ko yun, biglang tumunog ang tyan ko.

Napangiti naman ito at inabot sakin ang isang burger at softdrinks.

"Salamat." sabi ko.

"Kamusta si Sophia?" tanong nya habang naglalakad na kami palabas.

"Ayun, nasa operation room na. Sinasalinan na ata ng dugo." matamlay kong saad. Pakiramdam ko, bibigay na ang mga tuhod ko sa pagod at gutom. Buti na lang nakasakay na kami agad sa kotse ni Keetha.

Tahimik lang kami sa loob. Alam kong nakikinig sya ng music pero ako malayo ang tingin. May tao pa palang mas malala ang kalagayan sakin. Yung mga taong pinapabayaan lang.. At si Sophia pa talaga. Napabuntong-hininga ako.

Pano pa nagagawang magbakasyon ng mga magulang nya ngayong nasa ospital ang anak nila? Happy-happy, ganun? Ganun ba sila kasama? Dapat umuwi na sila para man lang bisitahin si Sophie, hindi yung nasa Emergency na't lahat-lahat, nagsswimming pa sila dun at nagvivideoke. Biruin mo yun, iiwan nilang mag-isa anak nila ng isang linggo? Anong klaseng.. Hays.

"Ang lalim 'nun ah."

Napatingin ako kay Keetha na nakatingin din sakin. Nasa tapat na pala kami ng bahay.

"H-Huh? Sige. Thank you. Baba na 'ko." sabi ko at bubuksan na sana yung pinto nang biglang hinila nya ang kamay ko.

"Jo.. Can we go back to the way we used to be? 'Cause.. I still love you."

Napayuko sya at binitiwan ang kamay ko. Wala na akong ibang nagawa kundi buksan ang pinto at iwanan sya. Hindi ko alam kung bakit parang sa isang iglap ay napakagulo na ng buhay ko.

In a moment, I was about to lose Sophie. In another, I was about to get killed by my own self. The next, someone's still making everything complicated. Ganto ba talaga ang buhay? It was the least I expected.

***

"Sige po Sir, deretso na lang po tayo sa room 167 sa 8th floor." sabi sa akin nung nurse habang inaabot ung mask ko.

"Thank you."

Isang linggo na ang nakalipas matapos ang nangyari kay Sophie. At hanggang ngayon, hindi pa din sya nagigising. Sana magising na sya ngayon.

Sumakay na ako sa elevator at matyagang nag-antay para bumukas ito.

Ilang saglit pa ay bumukas na din ito. Dumiretso na ako sa kwarto at sinuot ang mask na binigay sakin.

Napakaliwanag ng kwarto. Puting-puti ang mga dingding nito. Ito ang pinakaayaw na lugar ni Sophs. Hays. Ang ironic man pero andito sya.

"T-Tessa?" halos mabitawan ko ung vase nung bigla ko na lang nakita si Tessa na nakatayo sa harapan ng kama ni Sophia.

Tumingin ito sa direksyon ko at walang anu-ano'y napaluhod sya sa kinatatayuan nya.

"S-Sorry.." bulong nito at umiyak na lamang bigla. Hindi ko alam pero parang hindi ko matanggap ang sinabi nya. Sorry? Para saan? Para sa mga ginawa nya kay Sophia? Para sa mga masasakit na salitang sinabi nya dito pagkatapos ng tatlong taong pagkakaibigan nila? Anong karapatan nyang pumunta dito? Para mas ipamukha kay Sophie at sa akin na wala ngang kwentang kaibigan si Sophia?

"S-Sorry.." ulit pa nya at hinawakan ang ulo niya na para bang bibiyak ito sa dalawa.

"Ano pang magagawa ng 'Sorry' mo ngayon?" sigaw ko sa kanya. Hindi ko mapigilan ang galit ko.

Mas lalo syang naiyak at napayuko sa sahig. Hindi ko magawang maawa. Hindi, para sa kanya.

"Masakit ba? Masakit bang makita syang ganyan at wala ka man lang nagawa kahit ipagtanggol sya? Mas masakit ba ito kaysa sa mga sinabi mo sa kanya na alam kong hanggang ngayon ay hindi nya makalimutan? Ano bang ginawa nya sayo para tratuhin mo sya ng ganun? Sino ka para sabihan syang walang kwenta?" sabi ko at lumapit kay Sophia. Mapayapa pa din itong nakahiga at nakapikit.

"S-Sorry.. Hindi mo ako maiintindihan. Kahit ipaliwanag ko pa sa inyo, yun at yun pa din ang sasabihin nyo."

"Hindi ko kailangang maintindihan. Hindi ko kailangang maliwanagan. Si Sophia ang nangangailangan non! Pero anong ginawa mo? Iniwan mo na lang sya basta-basta! Ano kang klaseng kaibigan?" lumapit ako sa kanya at hinigit sya patayo.

"Umalis ka na. Hindi ka kailangan ni Sophia. Wala syang kwenta diba? Umalis ka na!" sigaw ko sa kanya at tinulak sya palayo. Wala na syang ibang nagawa kundi umalis. Ang lakas din ng loob nyang magpakita pagkatapos ng mga ginawa nya?! Anong magandang rason ang masasabi nya para gawin yun?

***

"Bakit nandito ito? Ate, ilang beses ko bang sasabihin sa inyo na ayaw ko syang nakikitang kasama ni Ellarina?!" sabi sa akin ng tatay ni Sophie at saka ako tinuro. Matalim ang titig nito na para bang gusto nitong saktan ako.

"Fred, huminahon ka. Sya ang nagdala kay Rina dito. Kung di dahil sa kanya, baka kung ano nang nangyari kay Rina." pagtatanggol sa akin ng tita ni Sophie.

Napatigil naman ang tatay ni Sophie sa pagduduro sa akin.

"Sige, hijo. Umuwi ka na. Kami na ang bahala kay Ellarina." sabi niya pero hindi nya maalis ang galit at pang-iinsulto sa boses nya.

"Sige po." sabi ko at nginitian sya. Marahan kong tinungo ang elevator. Habang naghihintay ay may lumapit sa akin.

"Maraming salamat hijo. Ako nga pala ung mama ni Sophie. Pwede ka ba bumalik kapag okay na si Sophie? Papasalamatan ka lang namin." nginitian nya ako.

"Eh? Hindi po ata ako gusto ng asawa nyo mama po ni S--"

"Yvonne. Tawagin mo akong tita Yvonne."

"--Tita Yvonne." sabi ko at parang kakaiba ang pakiramdam ng pangalan nya sa dila ko.

"Hayaan mo sya hijo. Ako nang bahala dun. O sya sige. Kukunin ko na lang ang number mo sa phone ni Sophie. Ano bang pangalan mo hijo?"

"Jefferson po. Joshua Jefferson." ngiti ko kay Tita Yvonne.

"O sige Joshua. Pakibigay ito sa tita't tito mo. Pasasalamat ko sa inyo." sabi niya at tinapik ang balikat ko saka binigay sa akin ang tatlong kahon ng pizza.

***

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 24, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Way I Loved YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon