Chapter Two:

106 13 3
                                    

(Sophie's POV)

***
Hello!! I'm Sophia Ellarina Jayne F. Delagado. I'm second year hs sa Oregon National University. 14 years old. Kilalanin niyo na lang ako sa mga gagawin ko. Haha. Kelan pa kayo nakakita ng ganyan, tinamad na character? Haha, di ko kasi ugaling magpakilala. Medyo mahiyain ako eh. XD
---
"San ka na naman galing? Kasama mo na naman ba yung Jefferson na yun?" bungad sakin ni papa.

"Opo, dun lang naman po sa park. Pa--"

"Hindi ba sinabi ko na sayo na iwasan mo na siya? Basagulero yun, ayaw kong masama ka sa gulong dala niya."

"Pa, nagbago na siya, hindi na niya ako sasaktan uli." pagpapaliwanag ko.

"Bahala ka kung ayaw mong makinig. Bahala ka sa buhay mo. Wala kang kwentang anak kahit kelan. Buti pa yung ate m--"

"Buti pa siya kasi sinusunod kayo? Buti pa siya may top? Buti pa siya di kayo pinahiya? Buti pa siya may kwenta? Buti pa siya minahal niyo. Eh ako? Kelan niyo ko napansin? Kelan niyo ko binigyan ng halaga? Kelan niyo napansin ang lahat ng paghihirap ko? Pa? Kelan? Pag namatay na ako?" sabi ko kay papa habang umiiyak.

"Panong hindi ka mapapansin ha? Eh wala ka man lang top? Di ka man lang nagpursige. Huli na para magpursige ka pa. Feb--"

"Bakit pa? Porket ba walang top eh di na nagpursige? Ginawa ko naman lahat ah, bat di niyo matanggap na hanggang dun lang ang kaya ko? Pa, iba na ngayon, high school na ako. Wag niyong ikumpara ang edukasyon ko kay ate, magkaiba kami." tuloy-tuloy pa din ung luha sa mata ko.

Kaagad akong pumasok sa kwarto ko. Wala na akong pakialam kung naka-uniform pa ako basta humiga na lang ako sa kama ko. Umiyak na lang ako ng umiyak.

Feeling ko, wala na akong ginawang tama sa bahay na to. Lagi na lang ate ko. Ate ko ang magaling, ate ko ang may kwenta, at ate ko ang minahal. Lahat ng hingin niya, binibigay nila agad. Siya lagi ang basehan ng lahat ng bagay sa mundo. Kailangan ko siyang pantayan o di kaya'y higitan. Bakit ganun sila, hindi nila kayang tanggapin ang isang tulad ko? Isang taong may kahinaan din, isang taong di kayang pantayan ang lahat ng mga standards nila? Kung bakit pa kasi naging magaling ang ate ko sa lahat ng aspeto. Sa bagay, bakit ko naman sisisihin ang ate ko?
*sigh*
Wala ba talaga akong kwenta? Wala ba talaga akong halaga? Wala na ba talaga akong magagawang maganda?

"Kapag may problema ka, ichat mo lang ako or itext."

Biglang nagflashback sa isipan ko ung laging sinasabi sa akin ni kuya.

Tama! Dapat kausapin ko si kuya Son-Son about this.

To: Kuya Son-Son XD

Kuya, good evening!! Online ka ba ngayon? Nabobored kasi ako eh. Pede ba tayong mag-usap kahit sandali lang? Pero kung may ginagawa ka, ok lang kung hindi pwede. Txtback.
~ Your Sophs XD
***

*Sending*

*Send!*

Nagsinungaling ako, ayaw ko na kasi pang umiyak, gusto ko kapag nagchachat kami, laging masaya.

Gusto ko din namang sumaya kahit sa pamamagitan lang ni kuya.

I know he can make me smile, kaya niya akong pasayahin in the midst of pain and sadness.


*Beep Beep*

From: Kuya Son-Son XD

Online ako ngayon, naglalaro lang ako eh. Bored ka or may problem ka? First time mong nagtext ng di Gee-Em. Haha. Hintayin kita
~ Kuya Son-Son
***
Pagkatapos kong mabasa yun, kinuha ko agad yung laptop and then nag-open.
Naglike ako ng ilang posts ng friends ko. At nagcomment din sa ilan.

Ilang saglit pa, eh nagchat na kami ni kuya.

"Oh, Sophs, musta? Bat bigla kang nagtext? May problem ba?"
"Wala naman kuya, namimiss na agad kita eh "
"Sus, nako ah! Yun lang? Maniwala! Baliw ka talaga."
"Kuya, sigurado kang di ako nakakaabala sa paglalaro mo?"
"Hindi no, kaya kong magmulti-tasking no."
"Kuya, pano mo malalaman kapag mahal ka pa ng isang tao?"
"Hmmm.. Kapag nag-aalala pa siya sayo, kapag may time pa siya sayo. Maraming dahilan eh, base na lang yun sa nararamdaman mo."
"Ahh. Naranasan mo na bang mabalewala ng isang tao although, binigay mo na lahat ng best mo?"
"No, di ko pa kasi nabibigay lahat ng best ko eh. Sorry, I cant answer you. ^______^"
"It's okay."
"Bakit parang ang lungkot-lungkot mo? Nag-aalala tuloy ako sayo."
"Nako kuya, ok lang talaga ako, dont worry. Ikaw? Kamusta ka na?"
"Ok lang din ako, ayun, ganun pa din. Ngayon na lang ako ulit nakapaglaro."
"Wow, enjoy ka ha? Haha. Push mo."
"Haha. Kaw talaga!!"
"Kuya,"
"Hmmm?"
"Sino nga crush mo?"
"-______- Hanggang ngayon, yan pa din tanong mo?"
"Haha, sabihin mo na kasi para di na ako mangulit. Nakakabagot kaya maghintay!! Hmmpp.."
"Right time okay? Right time?"
"Okay. Nakakainis naman yang right time na yan. -____-"
"Matulog ka na nga. Mag-ooff na din ako eh."
"Sige kuya, off ka na. Ok lang ako dito kahit na iwanan mo. Geh, better go home and sleep tight, bukas na lang uli."
"Ha? Ibig mong sabihin, di ka pa off? Wala ba kayong quiz bukas?"
"Exempted ako sa 2 quiz namin bukas kasi naperfect ko ung periodicals nila. So, wala akong dapat reviewhin. Go na! Uwi ka na ha? Ingats!"
"Oh geh! May quiz pa kami bukas eh. Rereview pa ako. Pakasaya ka sa pag-ffb. Bye! "

Tapos nun, nag-off na si kuya.

* PLAAAAKKK*
Tunog ng chatbox.

"Uy panget, musta na?" si Tessie pala
"Ok lang naman, eto, pinagalitan na naman."
"Ngek? Bakit kasi di nila matanggap na hanggang diyan lang kaya mo. Oh, wag ka na umiyak, mag-usap na lang tayo ng mga magagandang bagay, ok?"
"Oo, ang shakit na ng beautiful eyes ko eh! Haha."
"Alam mo ba, katatapos ko lang mag-review? Nakakainis ka!"
"Luhh? Bakit? Kasalanan ko ba kung mahirap pumick-up yang utak mo? "
"Shakit mo naman magsalita.. Bakit mo kasi pinerfect yung 2 periodical? Di ka tuloy kasama sa paghihirap ng section natin!"
"Kaya ko nga pinerfect para di na ako mag-quiz ng quizzes na yun. Ang hirap kaya nun. Si mam adviser pa naman ang gumawa! "

***

9:18 na kami natapos mag-chat ni Tessie.


Ayy! Nakalimutan ko, ipopost ko pa pala yung picture ni kuya saka nung date namin na hindi date. Haha! Buti na lang di pa ako nakakapaglog-out.
Nag-add ako pictures at nilagyan ng caption na, "Date namin ni Kuya Son-Son na Hindi DATE!! "

Then, ti-nag ko si Kuya.

Tapos, nagchange ako ng propayl pectyur! XD XP

Si Kuya yung ginawa kong propayl ung nagfreeze siya habang kumakain kami kanina.

Haha! Nakakatawa talaga!!

Pagkatapos nun eh , nagbihis na ako ng damit pangbahay. Di na ako bumaba para kumain, nabusog naman ako kahit papano eh.

Matutulog na ako.

***

The Way I Loved YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon