Chapter One:

256 15 5
                                    

MeWhoMusntBeNamed's Note:

Sophia and Jeff at the right side. Meet our main characters! ^_^

(Jefferson's POV)

***

"Uy, kuya Jefferson! Sabihin mo na kasi kung sino yang maswerteng babaeng crush mo!" pangugulit sa akin ni Sophie. Isang second year student na nakilala ko sa kaclose kong 2nd year din na si Tessa.

Mabait si Sophie, cute at mahilig sumayaw yan. Tuwing umaga nga, sumasayaw yan sa harapan ng room nila. Ewan ko nga kung bakit wala daw nagkakacrush sa kanya sa ganda niyang yan. Ay, sa cute niya palang yan!

Ako nga pala si Joshua Jefferson H. Villarama.

3rd year Highschool.

Studying at Oregon University. Yup! Sa University kasi namin, may hs na kaya dun na lang ako pinag-aral nila tito at tita para daw dire-diretso na sa College.

"Oy! Kuya Son-Son naman eh! Natahimik ka diyan! Minsan na nga lang tayo mag-usap, ayaw mo pa ako kausapin. Bahala ka nga diyan!" sabi ni Sophs habang lumalayo sa akin.

"O-Oy! Sophs! Wag ka na magtampo! Ayaw ko lang talaga sa tinatanong mo. Sabi ko naman sayo, I'll tell you at the right time." sabi ko sabay hila sa kanya.

"Aray kuya ah! Bakit kuya? Kelan ba yung right time? Pag patay na ako?"

"Grabe ha! Hoy, wag ka ngang ganyan! Basta halika na, ihahatid na kita sa bahay niyo. Bakamagalit pa sakin papa mo." sabi ko habang pina-pat si Sophie sa ulo.

"Kuya! Nagpaalam na ako kay papa."sabi niya with a wide smile at nakapeace sign.

"HA? Anong pinagpaalam mo?" takang tanong ko kay Sophie. Nagulat ako sa sinabi niya kasi usually, di siya pinapayagan ng papa niya lalo na kung lalabas kasama ako.

"Sabi ko, lalabas tayo since maaga pa naman. Pinayagan naman ako eh. So, let's go!"

"HA? Pinayagan ka? Nako ha, mamaya di ka naman talaga pinayagan, tapos lalabas tayo and then, baka pagalitan na naman tayo." sabi ko habang nakapamewang.

Iba feeling ko dito sa sinasabi ni Sophs.

"Kuya, di na mauulit yun. Magtiwala ka kaya sa akin!" sabi niya sabay tapik sakin ng mahina.

"Kung sinabi mo lang yung crush mo eh.." bulong niya na hindi ko na gaanong narinig.

"Ha? Ano yun? Nagsasalita ka na naman mag-isa eh."

Bigla niya akong hinila papunta dun sa park na medyo malapit sa school namin. Wala namang gaanong tao since 5pm na. 

Ngayon lang ako nakapunta dito. Kasi laging pagkatapos ng klase diretso na akong bahay.

Pagkastep namin sa grass nung park, may babaeng biglang nangharang sa amin.

"Hello Ma'am and Sir. Congratulations po kasi kayo po ung 100th visitor nitong park namin. At dahil po dun, may prize po kayo from the owner of this park since February naman po. Kayo po yung first winner ng promo namin." nakasmile na sabi nung babae.

Loading...................

Processing.....................

Processing.....................

"HA?"  sa lahat ng narinig ko, yun lang nasagot ko dun sa babae.

"Anong prize namin?" excited na tanong ni Sophs.

The Way I Loved YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon