Chapter Twenty-six:

15 0 0
                                    


(Jefferson's POV)

"Sophia!! Sophia!! Andyan ka ba?!" taranta kong sigaw sa gate nila. Nakalock kasi ung gate nila at wala akong ibang magawa kundi kalampagin ang gate na iyon.

"Tinawagan ko na yung mga pulis. Tumigil ka na dyan Jo. Pinapagod mo lang sarili mo. Padating na din ang mga 'yon. Baka nga wala dyan si Sophia, mapahiya tayo. Hindi naman basehan ang panagin--"

"T-Teka.. Bakit bukas ung bintana ng kwarto ni Sophie? Tignan mo." sabi ko at tinuro ang bintana.

"Baka binubuksan n--"

"Hindi ka magbubukas ng bintana kung umuulan kagabi." matalim kong tingin sa kanya.

"Edi kaninang umaga."

Pero nakakapagtaka, sarado ang gate pero bukas ang bintana. Hindi naman basta-basta mag-iiwan yun ng bintana.

Ilang saglit pa, nakarinig na kami ng sirena ng mga sasakyan.

"Anong mayroon dito? May krimen bang nangyari?" tanong samin nung pulis.

Kinwento ko sa kanya yung panaginip ko. Lahat ng nangyari dun kahit na yung dulo, di ko na gaano natandaan.

"So ang gusto mong sabihin, gusto mong pasukin ko ang bahay na yan dahil nag-aalala ka sa kaibigan mo?" sabi nito habang nakahawak sa baba nya.

"At saka po, yung bintana nya sa kwarto, bukas." pagdadagdag ko.

"Ano ang tyansang may nangyari ngang masama sa kanya? Panaginip mo lang 'yun hijo. At saka kung bukas ang bintana nya, ano ang kinalaman nun?"

"Kas--"

"Mawalang-galang na po. Kanina pa pong ala-singko ng umaga may humihingi ng tulong mula sa bahay na yan. Maaga pa lamang po ay nakarinig na ako ng tatlong sunod-sunod na paghiyaw. Alam ko pong isang dalagita lamang ang nakatira dyan at baka po may nangyaring masama na sa kanya." sabi nung aleng nakatingin lang samin kanina ngunit bigla na lang nagsalita.

Walang anu-ano'y pinasok na ng pulis ang loob ng bahay. Kinailangan nilang sirain ang pinto upang makapasok. Papasok na sana ako ng bigla akong hilahin ni Keetha.

"Hindi ka pwedeng pumasok!" sabi nya at mahigpit ang hawak sa kamay ko.

"Wala akong pakialam!" sigaw ko sa kanya. Tumakbo ako sa loob. Nagulat ako nang nakita kong hindi ang kwarto ni Sophie ang una nilang tinignan. Kusang tumakbo ang mga paa ko papunta sa kwarto ni Sophie. Nakalock ito.

Kumuha ako ng bwelo at saka pinilit gibain ang pinto gamit ang katawan ko. Ilang ulit kong ginawa ngunit ayaw nitong bumukas.

"Tabi dyan bata, kami na ang bahala." sabi nung pulis na kausap namin kanina. Unti-unti nilang nabuksan ang kwarto at nung alam kong pwede na, tumakbo agad ako papasok.

Napaluhod ako sa nakita ko. Nagbabadya ang mga luha sa mga mata ko at hindi ko na sila napigilan pa.

"S-Sop..h..ie-e.." nanginginig kong sabi habang tinitignan ang kalunos-lunos nitong kalagayan. Puno ng dugo ang damit nito pati na ang kama.

"Ano pang ginagawa mo? Kunin mo na siya't itatakbo natin sya sa ospital!" sigaw sa akin nung pulis na kausap namin. Kinuha ko si Sophie at saka tumakbo palabas ng bahay nila. Tumutulo ang mga luha ko habang hawak-hawak ko sya.

Kasalanan ko 'to. Kung hindi ko siya iniwan, hindi sana nangyari ito.

***

"Joshua, kape mo oh. 'Di ka pa kumakain simula kaninang umaga." sabi ni Keetha sakin habang inaalok ako ng kape. Alas-kwatro na ng hapon pero andito pa din ako sa ospital. Hinahanap na din ako ng tita ko pero hindi ko pa din sya sinasagot. Hindi ko na iiwanan si Soph.

"Salamat." sabi ko at tinignan si Keetha. Kinuha ko na din yung kape at ininom 'yun.

"Hindi mo kasalanan 'yun Jo. Get over it." tinap niya ang balikat ko.

"Kasalanan ko. Kung 'di ko sya iniwan, hindi dapat nangyari 'yun." garalgal na ang boses ko.

"Look, no one saw this coming." she said then looked at me.

"I. Saw. This. Coming. Alright? Napanaginipan ko 'to and yet I chose to ignore it."

Namagitan samin ang katahimikan. Wala na syang ibang nagawa kundi ang tumahimik at hayaan akong mag-isa.

"Mr. Jefferson, tama ba?" tanong sa akin nung pulis. Tumango ako.

"Wala kaming nakitang lola o kahit na sino sa crime scene. Ibig sabihin, wala syang kasama." sabi nya sakin at umupo sa tabi ko.

"Ano?! I-Ibig sabihin.." and I broke off. Wala syang kasama kagabi. Nagsinungaling sya. Ghad. Ang tanga ko. SHT!

All this time.. All this freaking time mag-isa sya at pinili kong umuwi.. San ko ba namana ang katangahang 'to?!

"Doc, Doc! Kamusta si Rina? Okay lang ba sya?! Anong nangyari?" isang ginang ang tumatakbo papunta sa harap ng kwarto ni Sophie. Napapunta ako sa tabi ng doktor upang malaman na rin kung ano na ang kalagayan ni Sophie.

"Nawalan siya ng madaming dugo considering na may sakit sya sa dugo. At saka napakadami nyang sugat. Kailangan natin syang masalinan ng dugo sa lalong madaling panahon. Meron po ba sa inyo ang kablood type nya?" tanong samin ng doktor.

Napatingin ako sa kanila. Pihado, hindi ko kadugo si Sophie.

"Out of town pa ung parents nya, lola nya, ate nya.." sabi nung katabi nung ginang na sa tingin ko anak nya.

"Wala po ba sa inyo? Pwede naman po magpablood test."

"Ako." sabi ulit nung ginang at tinignan ang anak nya. 'Di ko alam, may pagkakaintindihan sila sa pagtitinginan nila.

"Sige po Ma'am, sundan nyo ako." at umalis na yung doktor kasama ung ginang.

Haaaaaaaay. Sana pwede ko tulungan si Sophie. Napaupo na lang ako at binaon ang mukha sa mga kamay ko.

"Jeff, right?" napatingin ako sa nagsalita na kasalukuyang nakaupo sa tabi ko.

"Oo.." sabi ko at nag-ayos ng upo.

"Sorry. Patawarin nyo ako." halos bulong kong sabi sa kanya.

"Hindi. Kailangan nga, magpasalamat kami sayo dahil kung hindi, wala na si Jayne." ngumiti ito.

"Kung hindi ko sana sya iniwan kagabi.."

"Hindi ikaw ang may kasalanan, walang may gustong mangyari 'to. Wag mong sisihin ang sarili mo." tumayo ito at tumalikod sa'kin.

Humihikbi ito. At wala na akong ibang nagawa kundi tignan itong maglakad paalis.

***

The Way I Loved YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon