(Sophie's POV)
Haayy, nakakainis! Ang sakit ng ulo ko! Umaambon kasi kanina nung umuwi ako eh hindi na ako nagpahatid kay Cleo. Ewan ko nga sa sarili ko kung bakit ako umayaw eh. Parang gusto ko muna mapag-isa eh.
"Rina, di ka pa ba kakain? Handa na dun yung hapunan natin." sabi ni tita dun sa may pinto.
"Mamaya na lang po tita, andun pa po kasi si Charles eh." sabi ko tapos niyakap ko yung unan ko.
"O sige, mamaya na lang din ako kakain para may kasabay ka." sabi pa ni tita tapos naramdaman kong umalis na siya.
Ganito ba talaga to? Kapag nagseselos ka, wala ka na ding appetite?
Haayy...
Binuksan ko yung cp ko. Pinatay ko kanina kasi ayaw kong matawagan ng ninuman.
*beep beep*
*beep beep*
*beep beep*
*beep beep*
*beep beep*
*beep beep*
*beep beep*
*beep beep*Walang tigil ung cp ko sa kakatunog at vibrate. 50 messages ba naman?! Ano ba yan! Kainis.. Sabi na nga ba, itetext at tatawagan ako ni Cleo at Tessie ng walang humpay.
Ung mga laman niya ay,
"Kamusta ka na panget?""Nakauwi ka na ba?"
"Galit ka ba?"
"Nasan ka na?"
"Phia, how are you? Are you fine? Are you home? Please call me if you're at home." yan ung sinend ni Cleo tapos paulit-ulit na lahat.
Tadtarin daw ba yung cp ko ng mga tanong nila? Kamusta naman yung cp ko?!
*beepbeepbeep*
Ayan!!! DEAD BATTERY NA! Sheezzz!
Lowbat na nga kanina eh tapos. . . . >.<
Kainis naman oh!
Ang sakit pa ng pinakamamahal kong ulo.
Psshh. . . .
Bahala muna sila, di ko muna ichacharge. Katamad eh.
"Jayne? Pwede bang pumasok?" sabi ni ate Elaine sa may pinto.
"Sige po ate." sagot ko na lang. Ano pa bang magagawa ko diba? Ayoko maging disrespectful.
Pumasok si ate at naupo sa kama ko.
"May problema ba Jayne?" bungad ni ate.
"Wala naman ate. Ang sakit lang ng ulo ko, gawa po siguro ng paglalakad ko kanina kahit umaambon." sabi ko tapos hinawakan ko yung sintido ng ulo ko.
"Yun lang ba talaga?" nakatingin na tanong sa akin ni ate.
"H-Ha?" naguguluhang tanong ko sa kanya.
"Kamusta ang pakikitungo sayo ng crush mo?"
Napatingin ako kay ate tapos napabuntong-hininga ako.
"Ayun, ok naman except sa nagseselos ako. Hmmpp!!" nakasibangot kong sagot.
"S-Selos? Akala ko ba tatlo lang kayo dun? May iba ba?"
"Yun na nga eh! Tatlo lang kami dun, meaning nagseselos ako sa bestfriend ko. Alam kong mali pero di ko mapigilan." napaupo ako dun sa kama ko.
"Ano namang ikaseselos mo? Friends lang naman sila diba?" nakataas yung kilay ni ate habang nakatingin sa akin.
"Ang alam ko, oo pero dun sa mga kinilos nila kanina, tingin ko kasi isa sa kanila or worst parehas sila ang may gusto sa isa't isa." sabi ko tapos napabalumbaba na lang ako.
"Then, you dont trust Tessa." sabi ni ate tapos tumayo na siya.
"H-Huh?" sabi ko tapos hinawakan ko yung braso niya.
"If you really trust your own bestfriend, wala kang mararamdaman na ganyan. Now Jayne, come to think about it all over again." sabi ni ate tapos iniwan na niya akong nakatulala don.
Am I a bad bestfriend?
Sobra-sobra naman ang tiwala ko sa kanya eh. Mas pinagkakatiwalaan ko nga siya kesa sa mga magulang ko.
Pero kung pinagkakatiwalaan ko nga siya, bakit ko nararamdaman ito? After the day, siya pa din naman ang bestfriend ko. Mali ang nararamdaman ko.
She's my bestfriend and she won't do anything that will hurt me.
***Kinabukasan, maaga akong nagising para makapagsimba. I'm a Christian. Simula bata pa si mama at papa, yun na daw yung relihiyon nila.
"Rina, san ang punta mo?" tanong sakin ni tita nung bumaba ako papuntang kitchen.
"Sa simbahan po tita. Magsisimba po ako."
"Ah ganun ba? Sige, ipagluluto kita." sabi ni tita at madali niya akong sinamahan sa kusina.
"Ako na po tita. Salamat na lang po."
"Ako na, sayang ang damit mo, madudumihan lang." sabi ni tita tapos inagaw niya sakin yung kawali.
"Me na tita! Kaya ko naman eh!"
"Ako na."
Pinag-aagawan naman namin ngayon ay yung bowl na babasagin.
*PLLLAAAKKK*
O.O
"Sabi ko kasi sayo, ako na eh. Ngayon maupo ka na dun." utos sakin ni tita.
Pero imbes na sundin ko siya, niyakap ko siya ng patalikod.
"R-Rina? May problema ba?" halatang gulat na gulat siya.
"Salamat po tita. I love you! Muah!" tinignan ko si tita tapos parehas kaming ngumiti.
Habang yakap ko si tita, feeling ko yakap ko na din si mama. Magkamukha sila pero alam kong mas masarap yakapin si mama.
"MA!"
Napatingin kami ni tita dun sa nagsalita.
"Ate? Bakit?" tanong ko.
Napatanggal ako ng yakap kay tita. Baka kasi magselos eh.
"Elaine? Anong problema?"
"Ma, tumawag si papa. Kakausapin daw kayo mamaya." lumapit sa amin si ate at tiningnan yung niluluto ni tita.
"Ang sweet sweet nila kanina parang mag-ina." pabulong niyang sabi pero narinig ko naman.
"Ano yon?" tanong ni tita.
"Wala po sabi ko gutom na ako."
Natatawa na lang ako kay ate. Marunong din palang magselos. Haha!
***
BINABASA MO ANG
The Way I Loved You
FanfictionFriends will not be always FRIENDS.. Sometimes.. © kemistri for the cover. ;)