Chapter Twenty-two:

13 1 0
                                    



(Tessa's POV)

"Gaano na kayo katagal?" tanong ni ate na kinagulat ko.

"3-3 d-days pa lang." sagot ko habang nakayukod.

"3 days mo na palang niloloko bestfriend mo. Pano mo nakaya yun? Sabihin mo nga sakin kung pano."

Napaiyak ako dahil di nga niya ako maiintindihan. Buti na lang di ako gaanong umasa. Para ganto lang kasakit.

"Tessa, alam mo ba yang mga ginagawa mo? Iniisip mo ba ang mararamdaman ni Sophia? Tessa naman! How could you be that selfish?" napasigaw na si ate.

"L-Let me explain. Please." yun na lang ung nasabi ko. Garalgal na yung boses ko.

"Ano bang ginagawa natin? Kanina pa ako nagsasalita eh, ayaw mo namang sumagot." naging malumanay yung boses ni ate. And I felt relieved.

"I don't love Cleo. I really dont. Ginagawa ko lang to para kay Sophie. I love her very much."

"Is that your explanation? Well, Tessa if you don't love Cleo why did you enter this relationship?"

"Inamin sakin ni Cleo na mahal niya ak--"

"At dahil dun, bumigay ka na?"

"Dont cut me off. Di pa ako tapos mag-explain ate. Don't be excited."

"Fine."

Inayos ko muna yung boses ko tapos nagsalita.

"Nakipagrelasyon ako kay Cleo para makipagrelasyon siya kay Sophie at alam ko, magiging masaya siya kapag nangyari yun."

"Sa tingin mo magiging masaya siya pag nalaman niyang naging kayo ng mahal niya? Asan ang utak mo nung nagdesisyon ka? Nasa talampakan mo ba? Ha? Bakit ka pumayag? Tessa naman!" sumigaw na si ate which made me cry harder.

Masakit yung mga binibitawan niyang salita pero totoo naman. Hindi ko masisisi si ate ngayon.

"Ate, wala na akong ibang maisip na paraan para pagaanin ang sitwasyon niya. Isusuko ko ang friendship namin para sa kasiyahan niya. Pagod na akong makita siyang pumapasok sa university na umiiyak. She's more like a sister. She's a family. At kung mali man ito para sa pananaw mo ate, so be it! I'm just thinking Sophie's sake. Kailangan niya ng makakainspire sa kanya. Kahit di sila magkatuluyan, basta makita ko lang na ngumingiti si Sophie ok na ako. Kung balak mo akong isumbong kay Sophie, sana andyan ka din para patahanin siya. Sana di mo mapuno ng galit at poot ang puso niya. Yes, Cleo didn't leave me any choice and that choice would be my only choice. At kung totoo ko ngang kaibigan si Sophia, maiintindihan niya ako."

Nakatingin lang sakin si ate. Iniwan ko siya dun at nagsimulang umiyak. I was shocked of what I have done. She's my bestfriend anyway.

Papunta sa labas ng resto, pinagtitinginan ako ng mga tao. What to expect? Umiiyak ako eh.

Mali ba talaga yung ginawa ko? Am I a bad friend? Am I?

"T-Tessie?" napatingin ako dun sa nagsalita.

"What are you doing here?" inis na tanong ko sa kanya.

Pinunasan ko ung pisngi ko na puno ng luha.

"Bakit ka umiiyak? I'm sorry Tess-- Tessa." lumapit siya sakin at hinawakan ang kamay ko.

"If you would excuse me. Aalis na ako. I have more important things to do rather than hearing your explanations and apologizes."

"Tessa? Lagi na lang ba tayong ganito? Alam mo ba kung gaano kahirap magpakumbaba para sa isang taong napakataas ng pride? Ganun ba kalaki yung kasalanan ko sa iyo? Of all of those years we've been together, hindi mo man lang ba pinapahalagahan ang mga yun? Kung walang halaga yun sayo, sakin meron. Kaya please Tessie, forgive me." binitawan niya yung kamay ko at nagsimulang umiyak.

Naiiyak na din ako. Ayoko nang makita siyang umiiyak. Ayoko na pero kailangan para sa ikasasaya mo. Kung para sayo Sophia, kakayanin ko ang sakit.

***

(Sophie's POV)

"Kuya, salamat kanina. Kung di dahil sayo baka kung saan-saan na ako dinala nun. Salamat talaga."

"No problem. Oh? San na ba kita ihahatid? Maggagabi na eh. Sa bahay niyo na ba ang diretso mo?"

"Uhhmm, kuya. Kain kaya tayo dun sa restaurant na pinagtatrabahuan ni ate Cherizze? Yung... kaclose ni Tessie? Baka sakaling alam niya kung bakit nagkaganun si Tessie." sabi ko tapos kumapit sa braso ni kuya.

"Ahh.. Okay. O sige, sakay tayong taxi papunta dun."

After nun, pumara na si kuya ng taxi at sumakay na kami dun.

"Sophie, kung di ka man niya patawarin, wag ka nang umiyak ok?"

"H-Ha?" hindi ko kaya kuya. Iiyak at iiyak pa din ako.

"Wag ka nang umiyak." nakita ko sa mga mata niya ang pag-aalala.

"A-Ah. O-Oo." iniwas ko yung tingin sa kanya.

"Kaya mo yan Sophs. Kakayanin mo. You need to do this for your own sake."

Tumingin ulit sakin si kuya pero nag-iwas ulit ako ng tingin.

"Kuya, s-susubukan ko."

Wala nang nagsalita matapos nun. Katahimikan na lang ang namagitan samin.

Bakit kasi ang bigat sa pakiramdam kapag galit sayo ang isang tao? Di ba pwedeng wala ka na lang pakialam? Hayaan na lang siyang magalit sayo hanggang mamatay kayo?

Bakit ngayon pa niya ako iiwan kung kelan kailangan ko siya, kung kelan napakadami kong problema? Bakit? Bakit lahat na lang sila iniiwanan ako? Bakit?

Naramdaman kong may mga daliring dumampi sa pisngi ko at pinunasan ang mga luha sa mata ko.

"Anong sabi ko sayo?" napatingin ako kay kuya.

"K-Ku-Kuya.. Hindi ko kaya. Sorry." kasunod nun, tuloy-tuloy ang luha ko.

"Ayan ka na naman. Wag ka na umiyak. Please?"

Pinupunasan pa din niya ung mga luha ko.

"Smile? Please?" he said while doing the same thing.

"Ok kuya. Iiyak ka na eh. Ok, ako na ang magpupunas ng luha ko." tinanggal ko na ang kamay ni kuya tapos kinuha yung panyo ko at nagpunas.

"Ma'am and Sir, nandito na po tayo."

Bumaba na kami ni kuya at pagkababa namin dun, saktong nakita ko si Tessie.

***

The Way I Loved YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon