Chapter Ten: Privacy

58 6 1
                                    

MeWhoMusntBeNamed's Note:
Si Jefferson with Ceasar at the right side. ^_^

#RandomDedication

(Sophie's POV)

"Can we dance?" sabi ni Oren habang nakalahad yung isang kamay.

Lumapit ako sa kanya tapos nilagay ko yung kamay ko sa kamay niya, sabay sabing "S-Sure."

Nagslow dance kaming dalawa. Nakita kong nakatingin sa akin yung Ceasar guy kaya yumukod ako. Pinatong ko yung ulo ko sa balikat ni Oren.

"T-This is so embarassing Oren. Pumayag lang akong sumayaw tayo para di ka mapahiya. E-Everybody's looking at us." sabi ko.

"Shhh, Ella. Hindi ka nandito para mapahiya, andito ka kasi may sasabihin ako sayo. Wag mo muna silang isipin."

"What is it all about? Bakit kailangang ganto pa kabongga? May problema ka ba kaya mo dinaan dito? O gusto mo lang akong ipahiya dahil dun sa ginawa ko?"

"Ella, why dont you get it? Di mo ba alam ang romantic?"

Tinaas ko yung ulo ko.

"H-Ha? I dont get you."

"Ella, I've done all of this for you because I love you. Nung una, crush lang pero nag-iba na simula nung nakita ko kayo ng kuya mo sa park. I love you Ella, I really really do."

Sinking in. . . . .

Processing. . . . .

Loading. . . . .

Complete! !

"H-Ha?!!" napatigil ako sa pagsayaw tapos binitawan ko yung kamay niya.

"A-Ano bang pinagsasabi mo?" tumakbo ako paalis dun sa kinatatayuan ko.

Hinila niya ako tapos niyakap niya ako.

Ewan ko ba nung niyakap niya ako, bigla akong umiyak.

"Ang dami ko nang  *hik* problema, dumagdag ka pa. *hik*"

"I'm really sorry Ella."

"Can we please *hik* get out here?" sabi ko sa kanya.

"Alright." sabi niya tapos tumakbo na kami paalis dun.

***

(Jefferson's POV)

"Ok class dismissed." sabi nung MAPEH teacher namin. Nag-PE kasi kami ngayon.

Pumunta muna ako sa cr ng room namin para magpalit ng damit. Pwede namang umuwi ng nakaPE pero ayaw ko lang.

Nung natapos na akong nagpalit, pumunta ako dun sa room nila Sophs. May nakita akong babaeng nagwawalis sa tapat ng room nila.

"Hi miss, nakita mo ba si Sophie?" tanong ko dun sa babae.

"Hindi ko po alam eh. Baka po umuwi na."

"Ah sige salamat." sabi ko tapos naglakad na ako paalis.

Makapunta nga muna sa quadrangle, papanoorin ko sumayaw si Mikee since wala naman si Sophs.

Sakto naman, on the way ko sa quadrangle nakita ko siya.

"S-Sophs, uuwi ka na ba?" sabi ko.

Nilingon lang niya ako ng bahagya.

"Kuya, may pupuntahan pa ako. If you wanna discuss anything, we can do it later." sabi niya tapos naglakad na siya.

"Hihintayin kita sa park." sabi ko.

Di na siya nagsalita pagkatapos naglakad na siya paalis.

Tinignan ko lang siyang maglakad papunta sa quadrangle.

Tapos nung wala na siya sa paningin ko, naglakad na akong nakapamulsa.

Hayy, these past few days napapansin kong mas sensitive na si Sophs. I dont know why. Baka yun ang epekto ng pangbabalewala sa isang tao.

"Uy! Jefferson! Long time no see ah!" napatingin ako dun sa nagsalita.

"O-Oh! Ceasar! Kamusta? Lumipat ka na dito?" sabi ko sabay yakap kay Ceasar.

"May nagustuhan kasi akong chicks dito eh. Haha."

"Dahil dun lang? Naku naman ah! Ang mahal kaya sa school mo tapos lumipat ka lang para sa isang babae?" sabi ko tapos binatukan ko siya.

"Oo nga pala, may practice kami sa quadrangle. Kasama ako sa mga mananayaw dun. Gusto mo akong panoorin?"

Without thinking, um-oo ako agad.

Pumunta kami sa quadrangle.

Habang papunta kami sa quadrangle, may pathwalk na puno ng blue and violet roses. Tapos tumutugtog yung drum and lyre at kumakanta yung choir namin.

"Wow! Sino kaya may gawa nito?" sabi ni Ceasar habang nakaakbay sakin. Pagkatapos niya akong akbayan, tumakbo siya papunta sa dulo ng pathwalk. Ako naman, naiwan dun na nakatayo.

??~?I will never let you fall
I'll stand up with you forever
I'll be there for you through it all
Even if saving you sends me to heaven?~??

Pamilyar yung kanta. Pero what's more suprising? Sa dulo ng pathwalk, nagsasayaw yung dancers ng school namin with Oren and a girl. Di ko kilala yung girl kasi nakayuko siya. Pero yung hair niya at yung tindig niya, pati yung sapatos at bag niya parang kay Sophie.

Bigla niyang tinaas yung ulo niya at nagulat ako.

O_______________________O

Si Sophs?? Nanliligaw ba si Oren? Is this how he serenade a woman?

Nag-uusap sila nang biglang natigil si Sophs sa pagsayaw at binitawan niya yung kamay ni Oren.

May sinabi si Sophs tapos tumakbo siya bigla pero nahila siya ni Oren at niyakap.

Now, I can tell that Sophie's crying. Para akong nanonood ng teleseryeng naka-mute.

Ilang saglit pa, tumakbo na sila paalis sa quadrangle na labis namang pinagtaka ng mga tao dun.

I think they need some privacy.

***

The Way I Loved YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon