Chapter Twenty-four:

9 0 0
                                    

(Jefferson's POV)

"Hindi! 35 nga ang sagot, hindi -4. Tignan mo, wala sa choices 'yang sagot mo." sabi ko kay Sophie. Ang kulit kasi, -4 daw ang sagot samantalang wala naman yun sa choices. -____________-

"Eh bakit nagkaganun? -4 nga kasi kuya! Minsan nagkakatypo din ang mga test papers 'no! Nobody's perfect kaya!"

Haaaaaaaaaay. Aabutin kami ng siyam-siyam dito, number 11 pa lang nasasagutan namin. WTH. -______- Alas-otso na. Pano, ang kulit. Tsk!

"Hays. Ang sakit na ng ulo ko." napayuko na lang sya sa desk. Pagod na makipagtalo.

"Okay. Break muna." sumandal ako sa upuan. Nakakapagod. Whooooo!

"Kuya."

"Oh?"

"Sa tingin mo, bakit nila ako iniwan dito? Bakit 'di nila ako sinama sa bakasyon? Ba--"

"Okay. Tapos na ang break. Next item na tayo. Basta 35 ang sagot 'dun." pag-iiba ko ng topic.

"S-Sorry.." her voice broke and I know that she was about to cry.

"Hayy. Sophia, can you please smile and just think of positive thoughts? Hindi nakakatulong 'yang mga pinag-iisip mo." pi-nat ko ung ulo nya. Lagi na lang syang umiiyak at bilang kuya nya, hindi magandang nakikita ko 'yon.

"S-Sorry po talaga kuya. I-I.. just can't help it."

"Focus dito? Okay? Focus." nginitian ko sya reassuring that everything would be alright.

***

"Sino kasama mo matutulog dito Sophs?" tanong ko sa kanya habang hinahatid nya ako palabas sa bahay nila. 9:30 na kami natapos. Well, madami din kasi kaming napagkwentuhan. Pero madami din naman kaming inaral. Sinabay na din namin 'yung advanced subject nya.

"H-Ha? Wala siguro kuya. Kaya ko naman mag-isa eh." ngiti nya sa'kin.

"Hala? Anong kalokohan 'to? Iiwanan ka nila ng 1 week na wala kang kasama dito? Pano kung may mag-akyat bahay dyan? Babae ka pa naman!" pumasok ulit ako sa gate nila at tinignan ang paligid. Ano ba naman 'to? Bakit mag-isa lang sya dito? Babae kaya siya, hello? -________-

"A-Ano ba kuya! Ang OA ah! May kasama ako. Yung lola ko. Andun sya, natutulog. Tinatawag na nga ako eh. Kuya, uwi ka na. Baka pagalitan ka ng ni Tita Elyse. Dali naaaa." tulak nya sakin palabas ng gate nila.

"Haaaaa? Lola mo? Pareho kayong babae? Soph! Mags-stay ako dito, kukuha lang ako ng pamalit bukas. Kahit sa sala na lang ako. Hindi ko kayo maiiwang mag-isa dito." pagpipilit ko. Baka kung anong mangyari eh. Tsk!

"Kuyaaaaaaaaa. Ang OA naman nito! Tsk. Uwi na. Kaya ko na 'to. Saka baka magalit si papa pag nalaman na natulog ka dito. Pinayagan nya lang ako sa review. Ayokong uminit na naman ulo nun. Dali na. Uwi ka na. 9:48 na pala oh. Maaga pa tayo bukas. Medyo malayo-layo pa bahay mo. Ikaw ang mag-ingat pauwi kuya. Goooo na!" pagtataboy niya sakin. Hays. Ang kulit ng batang 'to.

"Hayyy. O sige. Ikaw din mag-ingat ka dyan. I mean.. kayo ng lola mo. Pag may nangyari, tawagan mo agad ako, okay? Aasahan ko text or tawag mo." sabi ko at naglakad na palayo.

Tumango na lang sya at nagwave. Pumasok na din sya sa bahay nila. Sana maging okay lang siya.

***

"San galing? Dis-oras na ng gabi." kunot-noong tanong ni tita sakin. Paktay! Di pala ako nakapagpaalam.

"Tita, kila Sophs po. Nagpatutor po kasi sya saka mag-isa sa bahay kaya medyo sinamahan ko muna." sabi ko at nagmano kay tita.

The Way I Loved YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon