(Jefferson's POV)
"Jeff! Laro tayo basketball! Linggo naman. Tayong team lang." pag-aaya ni Yoshen pagkatapos naming magsimba.
Tumingin ako kay ate na nakakapit sa balikat ko.
"O sige Son. Since tapos naman na ang pagrereview natin kahapon, pwede kang maglaro." sabi ni ate.
Mukha akong bata no? Nakabase ang buhay sa ate.
"Salamat ate. Gusto mo bang ihatid kita pau--"
"Hindi ako uuwi eh. Pupunta kami ni Zasha sa mall. Dun na lang kami kakain. Tatawagan ko mamaya si tita, ipagpapaalam kita."
"O sige ate Jainey, mauna na kami ni Jeff." sabi ni Yoshen sabay hila sakin paalis.
Tapos huminto kami sa tabi ng tindahan.
"O? Hindi naman dito yung court ah! Bat tayo huminto dito?" takang tanong ko kay Yoshen.
"Dito daw natin hihintayin yung iba nating kagrupo. May ipapakilala daw satin si JL, girlfriend daw niya."
O_______O Luh?!
"Wow, for the first time nagkaroon din siya ng girlfriend ha?" Nagulat talaga ako kasi ngayon lang nagkaron ng gf yun si JL.
Ilang beses na siyang nangligaw pero walang pumayag dahil nga sa physical features niya.
I dont want to describe him. Ayokong makasakit. xD
"O, andito na pala si JL at si Keat. Si Zion na lang kulang. Pwede na siguro apat." sabi ni Yoshen tapos naglakad na kami paalis.
Nilapitan ko si JL.
"JL, asan ang new gf mo?" tanong ko kay JL.
"H-Ha? Mamaya na daw siya pupunta. Gusto daw niya kasing maging presentable." sabi niya.
"P-Presentable? Bakit?"
"Ewan ko nga dun eh, ang ganda-ganda na nga niya tapos gusto pa magpaganda ng husto. Ewan ko nga eh, nung isang araw lang naman naging kami. Siya pa nga nanligaw sakin, syempre di ko na pinatagal."
"Joke yun?" tanong ko, ready nang tumawa.
"Totoo yun! Kung gusto mo, siya kausapin mo mamaya." sabi niya tapos lumayo na siya sakin.
Hay! Buti pa dito kay JL may nanligaw, sakin wala. Di hamak namang mas gwapo ako kay JL. Sabagay, wala namang imposible sa love.
Nung andun na kaming lahat sa court, inayos na namin yung paglalaruan namin. Ilang saglit pa, dumating na din si Zion.
"Uy guys, di ako pwedeng maglaro. May pilay ako sa paa eh. I'll be the referee."
Tumango na lang kami dun sa sinabi niya.
Pagkatapos, naglaro na kami.
(Halftime)
"Haay! Biased ka Zion eh! Dapat kami ni JL ung lamang, puro di counted ung amin! Bwisit yan!" reklamo ni Yoshen kay Zion.
"Puro travelling kaya yung iyo!"
"Tama na nga guys! Nakakairita kayo eh!" sabi ni Keat tapos tumayo na siya dun sa kinauupuan niya.
"Haayy, yan tuloy nagalit na si Keat." pangangasar ko sa kanilang dalawa.
"Alam niyo, magpahinga na lang kayo. 5 lang naman ang lamang eh. Kaya niyo pa yang habulin, Yoshen at JL." sabi ni Zion.
BINABASA MO ANG
The Way I Loved You
FanfictionFriends will not be always FRIENDS.. Sometimes.. © kemistri for the cover. ;)