MeWhoMusntBeNamed's Note:
Hi ulit! Surprise UD! ^________^ Salamat po sa support! ^_^ Dun sa nakadedicate, hi! Just wanna say that Thank you! ^_^(Sophie's POV)
"Wala kang kwentang anak."
"Wala kang kwentang anak."
"Wala kang kwentang anak."
Paulit-ulit na nagpe-play ung mga salitang sinabi sa akin ni papa sa isipan ko.
Ang sakit pa din. Ayaw pa ding mawala ng mga salitang yun sa isip at puso ko.
Kung ako lang ang masusunod, gusto ko nang kalimutan lahat ng yun pero ewan ko ba, ayaw pa ding mawala.
Dahil sa sobrang pagiging emosyonal ko, di ko napansing umiiyak na naman ako.
Hayy, nakakaawa naman ako. Pati mata ko, nakikisama sa nararamdaman ko.
Sana wag pati langit, wala po akong payong Lord.
"Sophia!!"
May narinig akong boses sa gawing kanan ko pero parang malayo pa siya.
Tumingin ako kung saan ko narinig ung boses.
S-Si. . . .?
Kinuha ko agad yung bag ko tapos naglakad ng mabilis para di niya ako maabutan.
"Sophie!! Sandali! Wag ka umalis!!"
Di ko siya pinakinggan. Basta tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad.
"Sophia Ellarina Jayne!!"
*BOOM*
"AYY! LECHE!!" sigaw ko tapos napaupo ako dahil dun sa kulog na narinig ko.
Naku po! Mukang uulan.
"Sophs! Buti na lang naabutan kita!" sabi niya habang hinihingal.
Di ako tumingin sa kanya basta tinignan ko ung langit, maitim at parang ang bigat nung mga ulap.
Patay! Mukang uulan ata, dapat umuwi na ako! Naglakad na ako.
"Sophs, kausapin mo naman ako. Magpapaliwanag ako!"
Di ko pa din pinansin yun, instead inisip kong iba yung kinakausap niya.
"Sophia! Wag ka munang magagalit dahil di mo pa naririnig ang paliwanag ko."
Natigil ako sa paglalakad. Humarap ako sa kanya.
"Kuya, sana nagtext ka man lang diba? Nagtext ka kung ayaw mo akong kausapin o busy ka para di ako nagmukang-tanga!" napaiyak na talaga ako.
*Swish*
*Pit pat pit pat pit pat*
Unti-unting umambon at lumakas ang hangin.
"Sophie, umaambon. Sumilong muna tayo."
"Bakit kuya? Para makapag-isip ka ng palusot mo? Kagabi pa ung text na yun kuya, dont tell me, di ka pa nakapag-isip?"
Mas dumami ung mga patak ng ulan na kanina'y ambon lang.
"Grabe ka naman magsalita Sophs. Di na kita kilala. Ang tanging iniisip ko lang naman ay ang kalagayan mo."
"Talaga? Inisip mo kung ilang oras kitang hinintay? Kung ilang beses ko chinecheck ung phone ko para lang malaman kung nagtext ka na? Kung ilang beses kong pinigilang matulog dahil ayaw kong paghintayin ka? Inisip mo ba kung anong oras na ako natulog kakahintay sayo? At kung anong naging epekto nun sakin? Masakit kuya, sana gumawa ka man lang ng paraan para matext ako. Pero ano? Wala kang ginawa. Tapos ngayon, gusto mong magpaliwanag?" tuloy-tuloy ung mga luha ko.
BINABASA MO ANG
The Way I Loved You
FanfictionFriends will not be always FRIENDS.. Sometimes.. © kemistri for the cover. ;)