Chapter Three:

70 11 6
                                    

Chapter Three: The Power Of Pains

Property of:
MeWhoMusntBeNamed

(Sophie's POV)

***

*KRRRIIINNNGGG*
6 am na pala. Kailangan ko nang mag-ayos papunta sa school.

Nag-ayos na ako ng sarili ko tapos, bumaba na ako.

"Kumain ka na tapos, pumasok ka na." sabi ni papa habang nilalapag ung isang pinggan sa mesa.

Umupo na ako sa upuan tapos nagsimula na akong kumain.

"Pa, mahal mo pa ba ako?" di ko alam kung saan yun galing pero ang alam ko, gusto kong malaman mula kay papa ang mga kasagutan.

"Oo, pero alam mo Sophia? Di ko alam kung kaya pa kitang mahalin pa dahil sa mga inasta mo kagabi. Wala ka pa ngang nararating eh ganun ka na umasta. Pano kung may trabaho ka na? Edi ginawa mo na kaming alila ng mama mo? Kumain ka na tapos pumasok ka na. Mag-aral ka ng mabuti para di tayo mapahiya pare-pareho."

Those words hurt. Pinigilan kong umiyak. Napapagod na akong umiyak para dun sa mga taong di man lang iniisip kung gaano na sila nakakasakit.

Pagkatapos kong kumain, umakyat uli ako para kunin ung mga gamit ko sa kwarto ko.

Then, bumaba na ako para pumasok na sa school.

Gusto ko na talagang umiyak pero pinipigilan ko lang. Gusto kong ipakita na malakas ako.

I'm strong enough to handle this type of problem.

I can do this without anybody on my side.

I must practice to be ALONE.

Dahil di habang panahon, nandyan sila para sakin.
May mga problema din sila na haharapin kaya mas mabuti pang sarilihin ang mga problemang to.

"Uy panget! Musta na?" bati sa akin ni Tessie.

"O-Ok lang." nagulat ako sa presence niya.

"Ano? Kamusta kayo ng papa mo?"

Dapat ko bang sabihin? Ay, oo nga pala. MAGSARILI.

"Oo, ok lang naman kami." I fake a smile.

I hate this feeling, faking smiles when I was about to cry.

"Ok, since wala ka namang problem, maiwan muna kita ha? Magrereview pa ako para sa mga upcoming quizzes natin. Ay, oo nga pala, namin lang. NAMIN!!"

"Haha, baliw ka talaga." I fake a laugh.

[Break Time]

"Hoy, panget! Gising na! Break time na oh." narinig kong sigaw ni Tessa sa tenga ko.

Hay, gumising na ako Since exempted naman ako sa 2 quiz namin, natulog na lang ako. Di naman ako pinagalitan eh. Alangan namang tumunganga ako diba?

Pumunta na kami ni Tessie sa canteen at bumili ng kakainin namin.

Umupo kami sa vacant chairs.

"Sigurado ka bang ok ka lang?" tanong niya sakin.

"Bakit? Ayaw mo maniwala?"

"Kanina ka pa kasi walang imik dyan. Di ka naman dating ganyan."

"Wag ka mag-alala, ok lang ako. Promise! Honesto!" sabi ko sabay taas ng kanang kamay.

The Way I Loved YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon