Chapter Twelve: Meeting Her Crush

30 3 3
                                    

(Sophie's POV)

*KRRIIINNGGG*

Unti-unti kong binuksan yung mga mata ko. Hayys, Saturday na pala. First Saturday of the month. Ano kayang pwedeng gawin noh?

*beep beep*

May nagtext ba? Oo meron. Tanga lungs... XD

From: Tessie Bestplen XP

Panget! Kita tayo sa bahay, pakikilala kita sa crush mo. Fresh from New Zealand!
***

"UWWWWWWWWWAAAAAAAAAAHHHHH!!!!!" sigaw ko pagkabasa sa text ng pinakamamahal kong bestplen. Kaya mahal na mahal ko tong isang to eh! Gumagawa ng paraan para samin ng crush ko.

Masyado bang late para malaman yung name ng crush ko? Mamaya, you'll know him.

"Rina? Anong sinisigaw mo diyan? May nangyari bang masama?" sabi ni tita sabay pasok sa room ko.

"Wala po tita!" sagot ko. Wow nemen! Kinikilig talaga ako.

"Ikaw talagang bata ka, bumaba ka na dun. Andun na yung ate Elaine mo."

Pagkasabi ni tita nun, pumunta muna akong banyo tapos nagmumog at bumaba na.

"Ano ba naman yan! Ang aga-aga, ang ingay-ingay!" may nagsalita pagkaupo ko.

Wow ha? Kung sino ka man, wala kang karapatang magreklamo! Sino ka ba dito? Ha? Pinapapanget mo tuloy ang araw ko!

"Hoy, Charles! Ayusin mo yang sinasabi mo ah!" sabi ni ate Elaine.

"Umupo ka na dun Charles." sabi naman ni tita.

CHARLES???!!!
O_____________________O
Wag niyong sabihing siya yung pinsan kong bugnutin at paepal?

Tumingin ako dun sa tapat ko at SIYA NGA!!

Ano to? Kada week may pupuntang kamag-anak dito? Bakit, bahay-bakasyunan ba tong bahay namin? At sa lahat ng pwedeng pumunta, itong isa pa? Tss...

"Bat ka andito?" tanong ko kay Charles habang nakataas yung kilay.

"Edi itanong mo sa papa mo kung bakit kami andito." nakapamewang niyang sagot.

"Hoy bata ka! Ayusin mo yang pagsagot mo ha! Mas matanda ako sayo!"

Nakakainis na talaga!

"Oh, tama na yan. Charles, matuto ka namang gumalang. Eto na ang pagkain niyo."

"Ginagalang ko lang po yung mga kagalang-galang tita."

Aba't!!! Nakakabwisit na talaga ha?! Ang saya-saya ng araw ko tapos sisirain lang ng isang to?

"Hindi na po ako kakain tita. Kayo na lang po, salamat." nakasibangot kong sabi kay tita tapos umakyat na ako sa kwarto ko.

Maliligo na ako. Maganda pa din naman ako kahit walang laman ang tiyan. Charaught!

Pagkatapos kong maligo, pumunta ako sa tapat ng cabinet ko at paulit-ulit na tinatanong sa sarili ang "What to wear?"

Magpapants na lang kaya ako at tshirt? Ay, wag! Panget eh, mukhang magbibrigada lang sa school. XD

Magleleggings? Mukang mageecxercise naman yun.

Gotcha! Dress na lang!!

Kinuha ko yung sky blue dress ko na above the knee tapos sinuot yun. Since sleeveless yun, sinuot ko yung white na chaleko ko. Sinuot ko yung black na flat shoes ko. And for the finalé, ang bag kong color white para sakto sa chaleko ko.

Ang ganda-ganda ko na!! Walang aangal! Trip ko eh! Makababa na nga.

"WOW! As in WOW!" sabi ni ate habang ineexamine ako from head to toe.

"Wow ba yan? Mukha ngang ulap eh, blueng-blue. Ano to? Pupunta ka na sa langit? Wag ka nang bumalik ha?" sabi ni Charles tapos tumayo siya para ilagay yung pinagkainan niya sa lababo.

"Nakuu!! Gusto mong mamatay? Papatayin talaga kita dyan! Nakaka--"

"Wag mo na siyang intindihin Rina. San ba ang lakad mo at ganyan ayos mo?" tanong ni tita.

"Magkikita lang po kami ni Tessie, eh may bisita po siya kaya nag-ayos po ako." sabi ko tapos nag-eye smile ako.

"Hayy nako, halika dito. Aayusan kita para sa crush mo." sabi ni ate sabay hila sakin. Etong si ate Elaine, laging nanghihila no? Trip niya?

Pero, pano niya nalaman?

"P-Pano mo nalaman ate?" sabi ko habang inuupo niya ako sa tapat ng salamin sa kwarto ko.

"Nalaman ang alin?" inosente effect pa si ate.

"Na imemeet ko yung crush ko."

Sinusuklay ni ate yung buhok ko.

"I can tell it by your eyes. Dalawa lang naman yan, kung wala kang boyfiee, edi crush." sabi niya while looking at me in the mirror.

Tinirintas ni ate yung buhok ko, since mahaba naman siya. Fish tail daw tawag. Malay ko ba sa mga braid na yan, sakin kasi bobby pin lang or clip okay na.

"Oh yan Jayne, ok na." sabi ni ate tapos pinatong niya yung mga kamay niya sa magkabilang balikat ko.

"J-Jayne?"

"Oo, mas cute pala yun para sayo." ate smiled at me.

"Salamat ate sa pag-aayos sakin."

"O sige, umalis ka na baka malate ka pa. I wont apply any blush-ons or whatsoever. Mas maganda kapag simple. Basta lagi ka lang ngumiti."

Binigyan ko lang si ate ng ngiti ko tapos bumaba na ako. Nagpaalam na ako kay tita. Si Charles? Paki ko dun? Bahala siya sa buhay niya.

***

(Tessa's POV)

Hay, Ms. Author what's your problem with me? Haha, joke lang :P

Hi, ebribadi!! I'm Sapphire Therese Joy L. Mendrez. Tessa for short. Si Panget lang pwedeng tumawag sakin ng Tessie okay? 15 years old at kaibigan ni Jayne.

Hayy, ang tagal naman ni Panget. Bakit panget tawag ko sa kanya? Kasi ang ganda-ganda niya at nagmumukha akong panget kaya panget na lang ang itinawag ko. I hate the way she calls my name. Tessie? TESSIE! Nakakainis, parang PEPSI. Kaimbyerna. Mukhang tanga. Isa rin yung posibilidad kung bakit ko siya tinawag na panget.

"Therese? Will your friend come early?" tanong sakin ni Cleo. Kaibigan kong papa. Haha! Pero alam niyo? Nakakanosebleed tong isang to. >.<

"Bakit? May pupuntahan ka ba?" tanong ko sa kanya. Nakakaintindi naman siya ng tagalog, di lang marunong magsalita.

"No, I'm just bored." sagot niya tapos nagwink sakin.

Luhh? Sinasapian ba to o tanga na? Di naman dating ganyan yan.

"Hay, maupo ka na muna jan. Titignan ko lang yung niluluto ko for lunch. You want juice?" tanong ko sa kanya.

"I want some water." sabi niya.

"Ok. Wait a minute."

"Tessie! Here na me, where na you? Yuuhuu!!" pagtingin ko dun sa nagsalita, HUWWAWW!

O_________________O

***

The Way I Loved YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon