ONE

382 11 0
                                    

"Mahal? 1 week na halos walang update yung lodi mo? Anong idea mo bakit busy siya?" Tanong ni Daniela.

Kasalukuyan nandito kami ngayon sa canteen dahil late pumasok yung prof namin sa unang subject. Actually, on time lang ako dumarating pero feeling ko ang aga ko kapag late prof.

"Baka student din siya," sabi ko rito saka siya inirapan.

She's Daniela Alcantara, ang nag iisang mahal ko, what I mean na mahal ay tinatawag kung mahal. Call sign kasi namin yung mahal pero Ela talaga palayaw niya. Consistent honor din 'to siya madalas ko nakakalaban o kaya dikit kami sa rank o kaya naman ay magkasunod kami.

"Kailan ka pa naging updated kay Augustus love?" Sabi ni Juliana na kararating lang kasama si Althea.

Tatlo lang sila kaibigan ko, I have so many friends talaga kaso sila talaga yung best friend talaga na as in.

Juliana Crisostomo, a.k.a Julia, Ana, depende sa trip mo pero call sign namin is girlfriend since both kami na NBSB minsan na rin kami pinagkamalan na magjowa kaya ayan girlfriend naisip namin na call sign. Ewan ko ba kung mukha ba akong tomboy o si Juliana o sadyang sweet lang kami na aakalain mo na magjowa lol.

Judger sila. Why naman gano'n?

Lastly, Althea Faith Ramirez. Tahimik, mahinhin, tila hindi makabasag pinggan. Ewan ko ba sa babaita na yan bakit ganyan yan, vice versa sa nanay niya na madaldal at sobrang kalog. Ang call sign naman namin ay jowa since kaka-break lang nila ng jowa niya.

Actually, si Daniela lang sa amin as of this moment may jowa and I wish for the long relationship to them.

Sana all po.

"Mahirap kaya gumawa ng story kaya it takes time, we will wait for him to update as soon as possible. Worth it naman paghihintay kasi ganda ng story niya parang ako." Sabi ko pa saka nagpa-cute kaya nakatanggap ako ng panunubot sa kanila kaya nauna na akong naglakad palabas.

I'm a certified fan of Augustus Bieber, a famous one shot writer in RP or also known as dummy account. Gumawa pa ako ng RP account para lang maging active ako kaso hindi pa niya ako nano-notice hindi ko alam kung dahil snober ba siya o sadyang marami kaya tinatamad siya?

Baka speechless kasi nagbabaha ng good feedback kaya nakakalimutan mag-notice dahil kinikilig.

"Soon," sabi ko sa sarili ko saka naglakad pabalik sa room.

2 years na niya akong reader, hindi pa siya gano'n ka-popular that time at sa R.A ko pa ako nagbabasa na kalaunan ay naging active nung naging sikat na talaga siya, improvement na rin kasi siya magsulat. Nasubaybayan ko siya kung paano siya nag-grow into a best version pati yung works niya at sobrang proud ako sa kaniya.

Sana mag-face reveal siya.

"Haist," sabi ko habang papasok sa loob ng room.

"Nag update na bebe mo, dali open ka na mahal." Natutuwang sabi ni Daniela kaya agad ko inopen ang facebook at nag update na nga siya.

Hindi kami friend both RA and RP kasi ayaw ko siya i-add sa RA kasi mabubuking ako ng mga kaklase baka isipin tapos sa RP naka-see first para updated.

Tagal mag-accept.

"Oh my gosh! Madaya, ikaw first comment kaiyak." Sabi ko kay Daniela kaya binelatan niya 'ko.

"Gagi, galing niya girlfriend. Napa-comment ako kasi na-amaze talaga ako. Tingnan mo si Althea, tamang basa lang din." Sabi ni Juliana kaya natawa ako saka nag-comment dahil nagbabaha na ang comment section.

𝗧𝗛𝗘 𝗥𝗘𝗔𝗗𝗘𝗥 (𝗠𝗢𝗡𝗧𝗜𝗩𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 #3) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon