"Sa wakas," iyon ang masayang sabi ni Juliana pagkarating niya.
It's been 6 months since Austin and I are no communication, RP pa yan o sa RA dahil nga sa gusto namin may mapatunayan.
"Gagi, bilis ng panahon. Isipin mo yun second year na tayo. Oh my gosh! Hindi ko inaasahan na papasa ako kahit tamad ako." Sabi ni Althea na halatang proud kaya natawa na lang ako.
"Cheers natin yan," sabi ni Juliana.
Nandito kami ngayon sa Mall para mag-window shopping.
"Punta muna ako sa NBS may gusto ako bilhin na book. Gosh! Isang buwan na akong waiting up until now out of stock." Sabi ko rito.
"Maganda story kaya sold out, best seller of the year. Tuwang tuwa siguro writer ng story kasi the best story niya." Sabi ni Ela na sinang ayunan na lang namin.
Naisipan namin na gumala muna, ako na nagpunta sa NBS habang si Ela at Ana naman na nagpunta sa section ng mga damit habang si Althea nanatili lang sa ice cream house para kumain pa ng ice cream since sobrang hilig niya kumain ng ice cream at namiss niya kaya susulitin niya.
"Ma'am number one best seller po naman yan, sakto at kakalagay lang kaya may naabutan kayo madalas po kasi sold out." Sabi ng babae na nag aayos sa book section.
"Ano po ba special sa book na ito at siya ang nauuna," sabi ko saka kumuha ng isa at binasa ang blurb sa likuran nito.
"Hango raw sa totoong buhay ang kuwento riyan. Ang title raw na yan ang mula sa isang babae kung saan naging isang mambabasa na kalaunan napamahal sa isang sikat na manunulat, own experience po ata ng writer kaya siguro mabenta dami siguro nakaka-relate. Kayo ba Ma'am?"
Relate na relate.
"Siguro po," alanganin kung sagot.
"As of this moment nasa ibang bansa ang nagsulat ng story na yan ayon sa author's note. Na-curious ako kaya naisipan ko bumili at ayun nabilib ako sa nagsulat ang galing niya tapos ayun kinuha ng anak ko yung libro sa kaniya na lang." Sabi nito.
"Sana po magpakita yung writer na 'to sa mga readers niya magplano siya ng book signing for sure po marami pupunta kasi mabenta story niya. Bili po ako baka malay niyo magustuhan ko." Sabi ko saka kumuha ng isa.
Naghanap pa ako ng ibang mabibili ng mapansin ang username na nakasulat.
"Ausmile," pagbasa ko rito.
"Something weird but it is cool I guess?" Sabi ko na lang saka pumila sa counter para bayaran ang pinamili ko.
Palabas na ako ng NBS ng bigla na lang may kumalabit sa akin dahilan para mapahinto ako.
"Hi po," bati nito kasama ang dalawa nitong kaibigan.
Mga babae sila, tatlo silang babae na magkakaibigan.
Anong mayroon?
"Uhh hello," nakangiti na alangin kung bati.
"Mireille Montivilla po," sabi nito kaya napatango na lang ako.
"How did you know my name? Facebook? School mate ba tayo or classmate." Nagtataka kung sabi.
Napa-throwback na lang ako habang inaalala kung nakasalubong ko na ba siya before pero hindi ko lang matandaan kasi matagal ng panahon.
"Hindi po, nakilala ko kayo sa isang novel na pinamagatan na The Reader it was written by: Ausmile, wow! Bumili rin kayo. So... Kilala niyo po yung writer kasi kayo main character." Sabi nito kaya napailing ako.
"Na-curious ako kaya ako bumili, gusto ko malaman anong taglay nito at best selling. Hindi ko rin alam kung bakit ako ang main character, baka co-incidence lang mga be." Nakangiti kung sabi.
"Nope, naniniwala akong kayo yun kaya pa-picture po baka sakali ma-notice ng author. Girls tara." Sabi nito kaya wala na akong nagawa kung hindi pumayag na mag-groupie kami kahit medyo naguguluhan ako sa nangyayari.
Ilang sandali lang ay nagpaalam na sila na aalis sila kaya naman napabuntong hininga na lang ako na lumabas sa NBS na naguguluhan pa rin sa pangyayari.
"Girl, look at this nag-reveal na pala si Augustus. Face reveal gagi si Austin pala 'to." Sabi ni Ana na halos hindi makapaniwala.
"Alam mo ba na iisa sila? Hindi ka ata nagulat?" Sabi ni Ela kaya napatango ako.
"Actually plano ko na sana sabihin kaso hindi ko alam paano ko sasabihin na iisa lang si Augustus at Austin kaso naisip ko malalaman niyo rin naman kaya wag na lang. Atsaka wala na rin kami communication ni Austin, wala na akong balita malay ko sa lalaking yun nasaan na naman siya. Hinahayaan ko na lang na pagtagpuin kami ng tadhana." Sabi ko kaya napatango sila.
"Hindi ka na fan ganern," sabi ni Althea.
"Ako pa rin number one fan niya at hindi yun magbabago," sabi ko rito.
"Kamusta na kaya siya? Nakakamiss rin ang isang yun, galante pa. Sarap jowain kung walang special someone." Sabi ni Ana sabay tingin sa akin kaya napatingin ako rito saka napakunot ang noo.
"What?" Mataray kung sabi.
"Hindi ko alam kung nagtatanga tangahan ka lang ba o sadyang manhid ka lang, pasapak baka sakali ma-realize mo kung anong gusto ko sabihin." Sabi ni Ana saka ako nito sinapak sa braso.
"Gago, pinagsasabi mo? Masakit hayop ka talaga." Sabi ko rito kaya naman natawa siya saka napailing.
"Halata masyado si Austin, pansin namin yung way paano ka niya titigan like tipong gusto niya umamin pero nahihiya o baka medyo nato-torpe at nag iipon pa ng lakas ng loob. Mahal, obvious si Austin sa feeling niya ewan ko kung hindi mo alam o ayaw mo lang tanggapin kasi alam mo may magbabago sa relasyon niyo. Lahat ng tao nagsisimula sa ganyan na stage may ilan na hindi umabot sa magka-ibigan dahil alam nila consequence pero may mga sumusubok kasi ayaw nila may pagsisihan. Malay mo bumalik yun may lakas na ng loob. Yie, may jowa na siya. Level na siya kiligin, own experience na hindi puro sa libro at fictional character na hindi nag-e-exist." Sabi ni Ela kaya naman napailing ako.
Wala akong plano sabihin sa kanila na nililigawan ako ni Austin, never ko sa kanila babanggitin saka na kapag bumalik siya at formal na nanligaw, at least may assurance na may feelings siya sa akin at gano'n din ako.
Wag lang sana mag-fade kahit wala kami sa feeling ng isa't isa.
"Anong binili mo? Iyan yung book na sinasabi mo sa amin. Patingin nga ako jowa." Sabi ni Althea kaya iniabot ko sa kaniya.
"Hindi yan yung book na gusto ko talaga bilhin kaso na-curious ako kung ano ba special diyan kaya ko siya binili. Anong pinaglalaban bakit best selling siya?" Sabi ko sa kanila.
"Hmmm.... Ausmile, weird pero cute rin yung pen name. It reminds Austin and Smile." Sabi ni Ela kaya nagkatinginan kami ni Althea at bigla na lang may pumasok na idea sa akin.
Possible kaya na si Austin ang writer at ang story na yan ay hango sa amin?
"Akin na yan," sabi ko saka hinila kay Althea.
"Gago ang OA ng hablot mo jowa," natatawang sabi ni Althea.
"Kupal may nililihim sa amin, egul parang hindi tropa amputa." Sabi ni Ela kaya napatingin ako sa kanila.
"Tingin ko inspired 'tong story na ito sa akin kasi name ko ang main character at hango raw ito sa totoong buhay." Sabi ko sa kanila.
"Boom, spill the tea." Sabi ni Ela saka sila nag apir na tatlo kaya napatingin na lang ako sa kanila habang naguguluhan sa nangyayari.
"He write this story entitled the reader because of you, ibig sabihin kuwento 'to ng author and writer at masasabi ko na will ni Lord 'to. Pag ibig na talaga 'to. Ninang ako jowa." Sabi ni Althea.
"Huwag mo kami kakalimutan ha?" Sabi ni Ana.
"I hate you, uwi na lang ako kung wala naman kayo matinong sasabihin." Sabi ko rito kaya natawa sila.
"Jowa?" Natigil ako sa pagtayo.
"Nakikita niyo ba ang nakikita ko?" Sabi ni Althea.
"Saan?" Magkasabay na sabi ni Ela at Ana.
"May nagbalik," sabi ni Althea kaya agad rin ako napatingin sa kaniya at gano'n na lang ang pagkagulat ko.
"Austin..." Naiiyak kung saad.
BINABASA MO ANG
𝗧𝗛𝗘 𝗥𝗘𝗔𝗗𝗘𝗥 (𝗠𝗢𝗡𝗧𝗜𝗩𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 #3) ✔️
Ficção Adolescente𝐌𝐨𝐧𝐭𝐢𝐯𝐢𝐥𝐥𝐚 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 #3 Mireille Montivilla is NBSB who is a certified reader that wishes to be noticed by his ultimate favourite writer Augustus Bieber. Until one day, she accidentally uses her real account and the reason why he's idol...