"Sis, mana ka talaga sa akin." Iyon ang sabi ni Ate ng mapadaan ako sa kuwarto nito.
"Pinagsasabi mo?" Sabi ko rito.
"Ayos lang sis, first year college rin ako nag umpisa lumandi kaya puwede na yan." Sabi nito kaya sinabunutan ko siya agad.
"Manahimik ka ate ginaya mo pa talaga ako sa kalandian mo, ikaw since birth yan kumbaga talent mo na yan. Makaalis na nga lang at baka mamaya mahawaan mo pa ako ng kalandian." Sabi ko rito.
"Pupusta ako ikaw unang magkakajowa sa atin," sabi nito habang papasok na ako ng kuwarto.
"Hindi mo sure," sabi ko saka mabilis na nag-lock ng pinto.
Naisipan ko muna mag-open kaso pagka-open ko bumungad agad ang tawag sa akin ni Juliana kaya agad ko 'tong sinagot saka nag-open ng cam.
"Napatawag ka ata girlfriend?" Sabi ko saka pinatong ang phone ko.
"What's the tea?" Sabi nito kaya napakunot agad ako ng noo.
"Ano yun? May chismis? Chismosa ka talaga ever since girlfriend." Natatawa kung sabi.
Lagi na lang halos may chismis sa buhay 'to pansin ko na updated siya samantalang kami wala naman pake, problemado kami sa school works tapos iisipin pa namin yung sa chismis, sayang lang sa oras namin yun jusme.
Dagdag stress pa. Aba! May problema rin kami.
"Gaga, ikaw ata may tea riyan. I saw Austin my day. Naks, nililigawan parents mo?" Tanong nito kaya napailing ako.
"What!?" Gulat kung sabi.
"Kaibigan mo ako Mireille, alam ko bawat sulok ng bahay niyo familiar ako kahit hindi na kami riyan tambay. Hindi pa kayo nagpapalit ng style or even pintura kaya sure ako. Ano nga about doon sa bahay thing?"
"Napabisita lang ang lolo mo rito, nauna pa nga ata sa akin makarating sa bahay kasi nga dumaan ako kay Ela para kausapin kaso hindi ko nakausap. Maybe they need a space kaya hayaan muna natin siya." Nalulungkot kung sabi.
"Galit ka sa akin?" Tanong nito kaya agad napakunot ako ng noo.
"Bakit naman ako magagalit? May masama ka ba na ginawa sa akin dahilan para magalit ako. Ano ba yan mga pinagsasabi mo." Sabi ko rito saka siya nginitian.
Sandali kami natahimik kaya napabuntong hininga ako.
"About sa ginawa at sinabi mo, no! Hindi ako magagalit dahil lang doon, oo inaamin ko na masakit sa part ni Ela yun pero syempre kailangan niya yun kasi nagmamalasakit tayo sa kaniya. Gusto lang talaga natin magising siya sa katotohanan na mali yun mag-settle siya sa isang toxic na relasyon pero mali ka rin sa part na agad agad mo siya sinunggaban kung puwede naman maging mahinahon ka at kausapin na lang natin in private pero wala naman tayong magagawa kasi nangyari na rin. Hintayin na lang natin ang susunod na ganap pero kahit anong mangyari ay walang magaganap na friendship over, we are not kids anymore hindi tayo immature para sa bagay na yun okay?" Sabi ko rito.
"Wag na ikaw sad girlfriend, love you and cheer up. Smile." Sabi ko kaya nginitian ako nito.
"Buti na lang talaga nandyan ka para unawain kami, so lucky to have you as a friend. Love you girlfriend mwaps." Sabi nito saka nag-flying kiss kaya ginantihan ko rin siya.
Nagkuwentuhan muna kami sandali bago namin napagdesisyunan na i-end call dahil may tatapusin pa kami na assignment.
Kapag nasa circle of friend hindi talaga maiiwasan na iba iba kayo ng ugali, like may isa talaga na magsisilbi na nanay o matured na talaga, may isip bata, may positive thinker tapos negative thinker. Sa amin masasabi ko na ako yung taga advice o nanay siguro dahil mahilig ako magbasa ng story at na-a-apply ko yung natutunan ko sa pang araw araw kung buhay, siguro ay magiging matured rin 'tong mga kaibigan ko as time goes by, okay na ako sa alam ko na totoo sila sa akin kasi ako totoo ako sa kanila.
Pagtiyagahan ko na lang pagiging immature nila kasi after all kaibigan ko sila at kailangan ko sila tanggapin ng buong buo.
"Ate," nabalik ako sa realidad ng marinig ko ang boses ni Ven.
"Bakit?"
"May ibibigay ako sa'yo te,"
"Sandali lang,"
Mabilis kung niligpit ang kalat sa kuwarto ko saka siya pinagbuksan.
"Anong kababalaghan ba ang ginagawa mo te? Kailangan talaga naka-lock ka. Ikaw ha? Tigilan mo yan te hindi yan healthy." Sabi nito kaya hinampas ko sa noo.
"Kung wala ka naman sasabihin na matino, layas at may gagawin pa ako na school works." Sabi ko rito kaya agad 'tong humiga sa kama ko.
"Someone gave this for you," sabi nito saka pinakita ang bracelet na customize na may nakasulat na smile kaya napangiti ako.
"Who's that someone?"
"Kagagaling lang niya rito kanina,"
Si Austin? Hindi man lang niya binigay directly sa akin.
"Actually kanina yan, wala naman daw talaga siya plano pumunta rito kaso may pinsan daw siya na malapit dito kaya dinaanan niya tapos naisip niya ikaw puntahan. Tapos apat tayo na may ganyan, ikaw, si Austin, ako, si Jk." Sabi nito kaya napangiti na lang ako.
"For what?" Sabi ko saka ito sinenyasan na isuot sa akin.
"Hmmm..." Tila nag iisip na sabi nito.
"Baka friendship? Kasi you know they treat us as their friend right?" Sabi ko sa kaniya after nito ikabit.
Ganda, just like me.
"Friends!? Kami ni Jk puwede pa pero kayo ni Austin kitang kita naman kanina na may something. Mauuna ka pa talaga kay Ate Yla magkaroon ng stable relationship." Sabi nito sa akin.
"Malay mo mauna ka, sis hinay hinay baka ka ma-fall. Madali lang ma-attach ang babae sa mga lalaki na nadyan sa tabi nila, ikaw pa naman ay marupok lalo na kung nakakasama mo. Ingat Nevaeh Montivilla." Sabi ko kaya hinampas niya ako sa ulo ng unan.
"Buwisit ka ate, hindi man lang ako nakailag sa pinagsasabi mo. Ayoko na talaga magka-crush." Sabi nito kaya natawa ako.
"Hindi yan napipigilan kasi feelings yan dai, sampalin kita para ma-realize mo ang bagay bagay na hindi lahat planado." Sabi nito kaya agad siya tumayo.
"Sasabihin ko na lang Austin na nagustuhan mo ate, sige na inaantok na ako goodnighty." Sabi nito sa akin saka ako hinalikan sa pisnge.
"Love you te," sabi nito saka naglakad palabas.
Bastos masyado hindi man lang hinintay ang aking sasabihin.
Love you bunso.
"Ay palaka," sabi ko ng mag-ring ang phone ko.
Huh!?
"Unknown number?" Sabi ko pero sinagot ko pa rin ang tawag.
"Hello," mahinahon kung sabi.
"Sino po sila?" Dugtong ko pa ng hindi 'to magsalita.
Pipi ba siya? Bakit ayaw magsalita?
Kaloka naman 'tong lalaki na 'to. Tila trip ata ako eh.
Papatay ko na sana ng magsalita 'to bigla.
"Miles?" Sabi nito kaya agad nag-sink in sa akin ang caller.
"Austin, gosh! Pasensiya na at hindi ko na-phone book yung number mo, medyo na-busy sa buhay at nakalimutan kalikutin ang phone. Napatawag ka ata may problema ba?" Tanong ko rito saka humiga sa kama.
"Wala lang ako makausap, infairness lambing ng boses mo sa cellphone."
"Sa personal hindi?" Sabi ko sabay pout.
"Wala naman akong sinasabi ha? Kayo talaga na mga babae nagco-conclude agad ng kung ano ano, masyado naman kayong tamang hinala." Sabi nito kaya napairap ako.
"Sabi mo maganda boses ko sa phone, gulo mo kausap." Sabi ko rito.
"Tigilan na nga natin 'to wala naman saysay topic," sabi ko rito.
"Wait, can I ask something?"
"What is it about?" Tanong ko rito.
"Puwede manligaw?" Sabi nito kaya agad ko na end ang call.
BINABASA MO ANG
𝗧𝗛𝗘 𝗥𝗘𝗔𝗗𝗘𝗥 (𝗠𝗢𝗡𝗧𝗜𝗩𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 #3) ✔️
Genç Kurgu𝐌𝐨𝐧𝐭𝐢𝐯𝐢𝐥𝐥𝐚 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 #3 Mireille Montivilla is NBSB who is a certified reader that wishes to be noticed by his ultimate favourite writer Augustus Bieber. Until one day, she accidentally uses her real account and the reason why he's idol...