FIVE

80 8 0
                                    

"Congrats," bati ko pagkalapit sa kanila.

Hinila ko talaga 'tong dalawa kung kasama para lang hindi ako mahiya sa pagbati.

Tinupad ko rin yung deal na iche-cheer ko siya kahit nakakahiya at pinagkamalan na akong jowa  nung tao dineadma ko lang siya alang alang lang sa deal.

"Malakas yung cheerleader ko kaya ganado maglaro," sabi nito sa akin kaya naman natawa ako.

"Sana all may inspirasyon,"

"Sana all may taga-cheer,"

"Sana all supportive,"

"Sana all may jowa,"

Iyon ang sunod sunod na sabi nila dahilan para mapailing ako at mapakunot ang noo.

"Ano ba naman klase na mga tao na 'to masyado sila ma-issue, nakaka-stress sila." Sabi ko sa isip isip ko.

"Ahh, kaya naman pala nung naglalaro tayo ay malapad ang ngiti tapos palinga linga yun pala may hinahanap. Naks, ss agad. Kailan kasal pre?" Sabi ng isa nitong team mates kaya tawang tawa kami.

"Gago pre, nakakahiya ka. Kaibigan ko lang siya." Sabi nito kaya panay ang hampas sa braso ko ng mga kasama ko.

Gagantihan ko mamaya ang mga 'to.

"Kaibigan? Halos boses niya lang naririnig ko. Akala ko nga mga fan girl tapos nung makita ng dalawa kung mata paano ka niya i-cheer inisip ko sobrang supportive ng jowa. Sana all." Sabi ng coach nila kaya natawa ako ng malakas.

"Grabe kayo sa amin mga pre, kalma lang kasi. Normalize girls having a boy friend. I mean kaibigan na lalaki, puwede naman na suportahan ko siya ng walang malisya or what so ever." Sabi ko.

Naiinis na ako kanina pa pero pinipilit ko maging nice para lang sana wag ako magmukha na pikon dito.

"Nauuso na kasi yung ganyan na sweet pero best friend. Normalize na lang natin na sweet ang mag-best friend. Edi sana all may best friend." Sabi naman ng isa nila na kasama.

Dalawang beses akong napabuntong hininga.

"Uwi na ako," pagpaalam ko sa kaniya.

"Hatid na kita," alok nito kaya umiling ako.

"Wag na, ayoko ma-issue. Tayo na lang mag-adjust sa makikitid nila na utak.

"Mauna na ako, congrats ulit sa team niyo." Sabi ko pa saka ko hinila si Althea at Juliana palabas ng plaza.

"Chill lang Elle, kalma mo puso mo." Sabi ni Juliana sa akin.

Kapag hindi na nila ako tinawag sa cs namin ibig sabihin kabado na sila sa akin.

"Mireille! Patient, Gosh!" Sabi ko sa sarili ko pagkalabas namin ng plaza.

"Uwi na kayo, ako ng bahala kay mama na magsabi. Gabi na rin, sige na kung ayaw niyo na mas magalit pa ako o mawala sa mood." Sabi ko kaya niyakap ako ni Ana.

"Mag iingat ka," sabi nito habang tinatapik ako sa balikat.

"See you bukas jowa, labyuuu." Sabi namn ni Althea habang hinahaplos ang likod ko.

"Baki niyo ako niyakap?" Nagtataka kung tanong.

"Wala lang," magkasabay nila na sabi.

"Okay, ingat sila sa inyo. Salamat ulit. Bukas na lang." Sabi ko saka naglakad patawid dahil doon ang sakayan pauwi sa amin.

Seryoso akong naghihintay ng dadaan ng jeep ng bigla na lang may pumito sa harapan ko dahilan para takpan ko ang tainga ko.

Ingay, papansin amputek.

𝗧𝗛𝗘 𝗥𝗘𝗔𝗗𝗘𝗥 (𝗠𝗢𝗡𝗧𝗜𝗩𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 #3) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon